Episode 2

1.6K 88 8
                                    

Episode 2

KYRIE

Pagka-bell at pagkaayos na pagkaayos ko pa lang sa mga gamit ko ay lumabas kaagad ako ng classroom para makauwi. Iyon talaga ang madalas kong gawin kung wala rin naman akong gagawin na rito. 

Inayos ko ang pagkakasabit ng aking bag habang sumabay naman sa akin si Reynald palabas. "Uuwi ka na kaagad?" Tanong nito sa akin at inakbayan ako. "Arcade naman tayo!" Anyaya niya sa akin. Makapag-aya naman 'to, 'kala mo ili-libre ako.

Inalis ko ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin. "Pass, wala akong pera." Sagot ko't naglakad muli. Narinig ko pa ang salitang libre sa kanya para akitin ako pero failed. Hindi siya nagtagumpay sa gusto niya. 

"Rey! Tara, arcade!" Paayang sigaw ng mga kaklase namin na tropa niya. Lumingon naman doon si Reynald, nag-aalanganin na sumama nang humakbang ako ng isa't patulak siyang tinapik kaya ibinalik niya ang tingin sa akin. 

Ngumiti ako. "Go. May gagawin din naman ako."  
Kahit ang totoo, wala. 

Tila para namang kuminang ang mata niya. "A-Aayain talaga kita sa susunod! Hindi pa ito ang kahuli-huli!" Sinasabi niya iyan habang papaatras siya. "Bukas! Bukas sana pumayag ka na, ah?" Nakarating na siya sa mga kaibigan niya kaya inakbayan na siya ng mga 'to at umalis.  

Sandali pa akong nakatingin sa papalayong imahe nila Reynald bago ako naglakad.

"Henderson!" Tawag ng kaklase ko sa akin kaya ako huminto ako't napabuntong-hininga. 
Humarap ako sa kaklase kong iyon na ngayon ay nakalapit na sa akin. "Pakilagay 'tong mga 'to sa faculty. Sa mesa ni Sir Joven" Bigay niya sa mga folders na kinuha ko naman. "Nagmamadali kasi ako dahil may meeting kami sa team." Tinutukoy nito 'yong volleyball nila.

Gusto kong umangal pero tinapik lang niya ang balikat ko at umalis na kaagad. Kaasar, imbes na makauwi ako 'agad, eh. Dumiretsyo na nga lang ako sa faculty nang mailagay ko na rin ito, tutal madadaanan ko rin naman.
Lumakad na ako subalit mabilis na napalingon sa taong bigla-bigla na lamang kinuha ang kalahati ng dala kong folders. Kanina ko lang siya nakasama pero alam ko na kung kanino ang amoy na ito.

Nakangiti siya habang nakababa ang tingin sa folders na kinuha niya sa akin. She looked at me after that. "Tulungan na kita." Alok ni Kairi. Pareho kami ng pronunciation ng pangalan pero magkaiba ang spelling namin. Nalaman ko lang kanina dahil tinanong ng isang titser namin ang spelling ng pangalan niya. 

Nagliliwanag siya sa kaputian at kahit hindi ko pa nahahawakan, mukha ring malambot ang buhok niya. Wala man lang siyang bakas na kung anong marka sa mukha at napakakinis. 'Pag natatapat naman sa araw ang mga mata niya, mas nakikita kung ano ang totoong kulay nito. 

"Hindi ko naman kailangan, 'di naman mabigat." Natawa si Kairi sa sinabi ko.  

"Hindi nga, pero mas maganda pa rin kung may tutulong sa'yo. Babae ka pa man din." Nagsimula na siyang naglakad samantalang sinundan ko lang siya ng tingin. Huminto naman siya nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw.  

"Kyrie?" Taka niyang tawag sa akin kaya medyo napapitlag pa ako't tumango bago lumakad. 

Inilapag na namin ang mga folders sa table ni Sir Joven pagpasok namin sa faculty. Kahit ito ang first day ni Kairi ay gustong gusto na siya ng mga teachers. Gusto dahil sa mayaman siya. Ganito ang mga tao sa skwelahan na 'to. Kung hindi ka nila gusto, bu-bully-hin ka. Even though you didn't do anything wrong with them.
Nandito na ako simula elementary pa lang kaya alam ko mga galawan ng mga tao rito. Saka ka lang nila bibigyan ng pansin kapag magaling ka.

Tulad na lamang ng nangyari sa akin matapos kong umalis sa girls soccer team. Before I realized it, I was alone. Maliban sa average student lang ako, wala na rin talaga akong pwedeng maipagmalaki, kaya wala na akong pakinabang sa ibang tao. 

Sabay na kaming lumabas ni Kairi sa buildin namin, nagku-kwento siya habang naglalakad kami. Hindi naman siya ganoon kadaldal, sakto lang. 
"Pero talagang tahimik ka, ano?" Ngiting tanong ni Kairi sa akin kaya nahiya ako bigla. 

"Sorry, alam ko namang boring akong kausap." Pagmamaliit ko sa sarili ko. Kasi totoo naman, nabo-bored kaya lahat ng mga taong sumubok na kausapin ako. 
Hindi nga raw kasi ako nagsasalita-- eh, paano magsasalita? Wala naman akong pwedeng sabihin. At isa pa, ayoko ng mga simple or small talks. 

Although, hindi naman nakikipag small talks si Kairi. Bale ito 'yung mga kwentong talagang mapapasagot o react ka, ang problema lang kasi. Hindi ako makapagsalita dahil parang nai-intimidate ako sa kanya. 
Sa anong rason? Siguro kasi tinitingalaan siya ng nakararami ngayon. Kahit nga naglalakad lang siya, pinagtitinginan siya. Halimaw rin kasi talaga ang kagandahan niya, at kalat na 'yung pagiging brainy niya at usap-usapan ngayon sa campus. 

Ngayon lang 'yun nangyari. 

"Hindi ka naman boring kausap," Panimula ni Kairi at lumapit sa mukha ko na may ngiti pa rin sa labi niya. "I find you interesting, to be honest." Iyan nanaman 'yung ngiti niyang 'yan. 
Talaga bang nang-aakit 'to? Hindi naman ako lesbian o ano pero kahit na sinong tao, pwedeng ma-fall sa kanya. 

Inurong ko ang ulo ko 'tapos simangot na ibinaling ang tingin. "Huwag ka masyadong ngumingiti ng ganyan."  

Namilog ang mata niya sa sinabi ko. 

"Masyadong mapanganib." Dugtong ko na hindi niya kaagad inimikan. Mayamaya pa nang umayos na siya ng tayo. Hindi na siya nagsalita pagkatapos niyon kaya tiningnan ko siya sa peripheral eye view. 

Wala namang pinagbago ang ekspresiyon niya, ganoon pa rin. Maliban na lang sa mata niya. 
"Thank you." Pagpapa-salamat niya kahit wala akong ideya kung bakit. 
Itinuon ko na lang ulit ang tingin sa harapan. 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now