Episode 25.5

623 43 11
                                    

Episode 25.5

KYRIE

Nakaluhod kong ipinatong ang malamig na bimpo sa noo ni Kairi na piniga ko mula sa basang tubig na nasa tabi ko. Sa sobrang taas nung lagnat niya, maririnig mo 'yung bawat paghinga't pagbuga ng kanyang hininga sa lamig, kaya nakabalot siya ngayon sa makapal kong comforter at nakahiga sa kama ko.

Inalis ko ang thermometer sa underarm niya at tiningnan ito.
38.9 (102 f).

Basa ko ro'n sa manual na thermometer bago ko naman inilipat ang tingin sa pisngi ni Kairi na hanggang ngayon ay mapula-pula pa rin. Pinahiran ko siya ng bruise cream kani-kanina dahil medyo nakikita na 'yung pasa niya sa pisngi habang tumatagal. Napapangiwi pa siya sa hapdi kaya dinahan-dahan ko pa 'yung paglagay ng cream.

Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod sa carpet nang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Kairi. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano 'yung nangyayari.

Just how could they do this to her?

"Ngh...Mmh..." Ungol ni Kairi na kumukunot ang noo na natutulog.

Binabangungot yata siya.

I was about to hold her hand when she called my name. "Kyrie..." Ibinawi ko ang kamay ko pabalik sa akin.
Marahan namang iminulat ni Kairi ang mata niya para makita ako, pagkatapos ay napaawang-bibig nang siya mismo ang humawak sa aking kamay. She's awake.

"Kyrie..." Muli niyang pagtawag sa pangalan ko.

Ngumiti ako. "Yeah, it's me." Hinawakan ko pabalik ang kamay niya't ipinag intertwine ito nang maramdaman niyang nandito nga ako sa tabi niya. "I'm here."

Lumuwag ang paghinga niya at medyo napapapikit pikit na tiningnan ako. She doesn't want to break eye contact with me."You're... big."

Epekto yata 'to ng taas ng lagnat.

Umupo ako sa edge ng kama ng hindi hinihiwalay ang pagkakahawak sa kamay naming pareho. "Sleep, gigisingin na lang kita mayamaya kapag oras na ng pag-inum mo ng gamot."

Medyo matagal ang hindi niya pagsagot at huminga na muna ng malalim. Ibinaling niya ang tingin sa kisame't pumikit. "Sorry... If I'm being a burden... to you..." Hinang hina nitong paghingi ng pasensiya na inilingan ko kahit hindi niya nakikita.

"You're not. You're not." I said as I reassure her. She opens her eyes to met mine. "You can rest easy, huwag mong isipin na sagabal ka. I don't mind you being here with me." I added.

Nakita ko ang kaunting pagbuka ng bibig niya bago niya higpitan ang hawak sa kamay ko. "Stay, don't go anywhere." Paanas pero sapat lang upang marinig ko.

I nodded. "I won't leave you, I promise." Pagtapik ko sa kamay naming magkahawak. Hindi na nga siya umimik at binigyan lang ako ng tipid na ngiti bago niya ulit ipinikit ang mata niya para matulog.
Ilang minuto rin ako sa gano'ng posisyon hanggang sa lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko, but I keep my grip steady on her hand while I'm staring at her.

I never realized this but Kairi is surprisingly too vulnerable. It feels like she's actually trying to escape from the darkness she have been forced in to, but hell would always come to chase her. Making her create walls to hide those weaknesses.

Tears flowing down her cheeks. Her face that she is making right now while she's sleeping is screaming for help.

I gently used my finger to wipe some of her tears away. "The world don't deserve you, Kairi. You have felt none but cold and despair."
Compared to me, mas malaki ang problema mo kaysa sa 'kin. Right at this moment, imbes na ako ang tumulong sa 'yo. Parang ikaw pa ang tumutulong sa 'kin na makita ang liwanag ng mundo.

Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa para matulungan ka. Palihim mo 'kong inililigtas sa madilim kong mundo nang hindi ko napapansin na ikaw mismo, nalulunod na sa dilim.

"Ngh."

Mas inuna mo pa 'yung ibang tao kaysa sa sarili mo.

I slowly placed a kiss on her forehead. I didn't know what was going on at first but when I quickly pulled away as I covered my mouth. Na-realize ko kung ano 'yung ginawa ko.

"You're just being in-denial." Naalala kong sabi ni Dimples dahilan para unti-unting mamilog ang aking mata. Handa ko na sanang tanggapin kung ano man 'yung nararamdaman ko subalit pumasok sa isip ko 'yung mga problema ni Kairi dahilan para ipagdikit ko ang mga labi ko.

"I love her, but her heart already belongs to someone else." Naalala ko pang wika ni Dimples. Umiling-iling ako't malungkot na tiningnan si Kairi.

It's impossible,

...I mean, she only needs me because she's lonely, right?

***

KINAUMAGAHAN.

Ayoko mang iwan si Kairi lalo pa't hindi pa siya magaling, hindi ko magawa lalo pa't marami akong gagawin sa SSG Room sa araw na 'to.
Pero nagluto naman na ako ng umagahan niya hanggang tanghalian, dadalhan ko na lang siya mamaya for dinner at uuwi ng maaga hangga't maaari.

Ang inaalala ko lang, sanay ba siyang mag-isa-- oo, independent siya pero kasi siyempre, 'di ba? Mayaman siya? Baka dinadalhan pa siya ng yaya niya?

Kumamot ako sa batok 'tapos inilapag ang sulat sa lamesa. Pinaalam ko lang sa isang pirasong papel na umalis ako para pumasok. Mababasa naman niya iyan pagkagising niya, sana nga lang kumain siya para gumaling kaagad.

Lumakad na nga ako't nagsuot ng school shoes. Hawak-hawak ko na ang doorknob nang tingnan ko ang gawi ng kwarto kung nasa'n si Kairi.
Binangungot siya kagabi at ubo nang ubo noong magising siya, hindi talaga siguro maganda 'yung mga nangyayari sa kanya.

Gusto kong um-absent!

Pagkasigaw ko no'n sa utak ko, may kumatok sa pinto kaya ibinaling ko ang tingin doon bago ko pihitin ang doorknob at buksan. "Sino po sil--" Bumungad sa akin si Jennifer.
"Ay, wow! Naabutan nga talaga kita! Good morning!" Ngising bati niya na nagpanganga sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko habang nanginginig na inangat ang kamay para ituro siya. Nagpameywang naman si Jennifer. "Oh? Na-speechless ka ba na nandito ak--"

"Naniniwala na ako sa anghel." 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora