Episode 21

727 53 1
                                    

Episode 21

KYRIE

So far, I've done my part. Malaking bagay na 'yong umalis ako para magkaroon sila ng oras na makapag-usap kahit na sa 'kin dapat sasama si Kairi.

Tumigil ako sa paglalakad at 'di namalayan na umaambon na pala. Inangat ko ang tingin ko 'tapos binalikan ng tingin kung nasa'n ako nanggaling kanina. "Sa'n naman kaya ako pupunta?" Tanong sa sarili. For some reason, masaya dapat ako dahil nakatulong ako sa isang taong humihingi sa 'kin ng pabor.

I still don't know what I really feel,

Tumingala ako.

But deep inside, it's possible that part of me realized that I'm...

Napakamot ako sa ulo ko at umiling-iling ng ilang beses bago humarap ulit sa kung nasa'n ako kanina. No, I won't let myself think about it...

"Kyrie." Inangat ko ang aking tingin sa tumatakbong si Reynald. Nakapatong ang libro niya sa ulo niya para hindi siya ganoon maambunan. Hinawakan niya 'yong pulso ko. "Ano ba'ng ginagawa mo? Umuulan na. Tara na!" Iginiya na niya ako sa kung saan bago pa man ako makapagsalita.

Nagpahila lang ako hanggang sa huminto kami sa pwedeng pagsilong-an na dito lang din naman sa may bandang canteen. Ibinaba na ni Reynald ang libro niya 'tapos isinuklay ang buhok gamit ang kanyang daliri. "Grabe naman, wala man lang sinabi 'yong weather forecaster na uulan." Daing ni Reynald at lumingon sa akin. "Pero maganda na rin dahil nakita kita."

Nakatingin lang din ako sa kanya nang iharap ko na lamang ang tingin. "Thanks." Pagpapa-salamat ko. Naramdaman ko naman ang pagtango niya bago rin iharap ang tingin.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo." Sambit niya kaya tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view. Muli niya akong nilingunan na may malapad na ngiti sa labi niya. "Ako." pagbibiro niya na nakaturo sa sarili.

Sandali pa 'kong hindi umimik bago mapabuntong-hininga. "Mia will actually get mad at you if you continue to act like that." Wika ko.

Umatras naman siya ng isang hakbang. "Eh? Iniisip mo bang may something kami?" Hindi makapaniwalang tanong na nagpataas sa dalawa kong kilay.

"Bakit? Wala ba?" Biro ko pero suot-suot ang seryosong ekspresiyon.

"WALA!" Bulyaw niya na nagpatakip sa dalawa kong tainga. Pero matapos iyon at natawa rin, natawa ako sa naging itsura niya, eh.
Bumilog nang kaunti ang mata niya bago mapangiti at muling iniharap ang tingin sa harapan. "May I ask you something?" Tanong nito sa 'kin.

"Hmm?"

Nakatitig lang siya sa malayo nang makita ko ang pagkuyom niya ng kamao. Medyo matagal-tagal din 'yon kaya sinilip ko na 'yong mukha niya. "Hey--" Naputol ang sasabihin ko dahil muli nanaman siyang umatras. Pulang pula pa iyong mukha niya.

"A-ang lapit mo naman!" Pasigaw niyang sabi. Kumurap-kurap ako bago ko ma-realize 'yong dapat na sasabihin niya. Hmm...

Tumayo ako ng maayos at pilit na nginitian siya.
"Tara na, tumigil naman na 'yong ulan. Kukunin ko lang 'yong susi sa SSG room. " Tumalikod na 'ko sa kanya't naunang naglakad. Nawala 'yong ngiti sa labi ko 'tapos naglabas ng hangin sa ilong.

'Di man halata sa 'kin pero nakakaramdam talaga ako kung sino 'yong mga taong nagkakaroon ng interest sa 'kin. Kung saan, minsan hinihiling ko na lang na sana manhid na lang ako.
Dahil once na sabihin nila 'yong nararamdaman nila, natatakot ako na baka mamaya, magkamali ako ng sasabihin at mapansin nila na matagal ko ng alam 'yong sinisigaw ng damdamin nila pero ako, nandito lang. Pinipiling manahimik at 'di magsalita.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now