Episode 18

837 65 10
                                    

Masaki Okada as Joe 
Kasumi Arimura as Mia 
Masaki Suda as Reynald  

***** 

Episode 18

KYRIE

Weekend ngayon kaya walang pasok, walang pasok pero may mga gawain pa rin akong inaasikaso-- paperworks na iniuwi ko galing SSG Room.
Supposedly, tahimik itong kwarto ko pero nandito kasi ang mga kaklase ko dahil mag-aaral kami for finals-- first quarter. 

Pero kung titingnan sila ngayon, wala talaga silang ginagawa kundi ang kumain lang nang kumain. Nagluto si Reynald which is a bit surprising dahil kalalaki niyang tao pero dinaig pa niya kami. Nagluluto naman ako pero hindi iyong kasing galing niya.

"Hoy! Hindi kayo pumunta rito para kumain lang, ah?!" Suway ni Reynald na dala-dala ang kaldero na may lamang ulam namin. Ilang putahe ba 'yong inihanda niya?! Baka naman inubos niya 'yong laman ng refrigerator ko!

Iniharap ko ang swindle chair kay Reynald, nakaupo kasi ako sa mismo kong study desk para magawa ko nang maayos 'yung ginagawa ko, samantalang na sa sahig lang ang tatlo kong kaklase. Nakaupo naman sila sa buttress pillow at mababa naman ang lamesa kaya 'di rin sila mangangalay kaagad. 

Binigyan ko ng walang ganang tingin si Reynald. "Eh, kung tumigil ka sa kaluluto mo, ano?" Patanong ko namang sagot sa kanya pero kumamot lang siya sa kanyang batok at humagikhik. Huwag kang tumawa diyan, mayro'n akong period ngayon. Baka masapok kita, neh.

"Kyrie! Tikman mo 'to, dali." Dahan-dahan kong nilingon si Kairi na katabi ang dalawa ko pang kaklase na si Mia and Joe. Kambal sila pero hindi magkamukha. Kumbaga Fraternal Twins.
Tumayo si Kairi para lapitan ako, isinusubo niya 'yong Fish Fillet na nagpaurong naman sa akin. 

"Y-You don't need to do that." Nahihiya kong sambit pero ipinasok na niya sa bibig ko 'yung Fillet. Tumama sa bibig ko ang daliri niya kaya nakaramdam ako ng hiya. 
 
"Sarap?" Tanong niya at palihim na idinikit ang daliri sa kanyang labi na dumikit sa labi ko kanina. Luminya nanaman doon 'yung mapang-akit niyang ngiti kaya inilayo ko na nga lang ang tingin. Sinisimulan nanaman niya ako kahit may mga tao rito.  

Huminga ako nang malalim saka nagbuga ng hininga. 
Si Kairi talaga ang nag-aya sa 'ming mag group study pero hindi ko inaasahang dito sila sa dorm ko. Noong una pa nga, tumanggi ako pero pinagpilitan nila.

"Hmm..." Ibinaling ko ang gawi kay Mia na nakalayo ang tingin habang nakasimangot. "Not bad. Pwede ka ng maging asawa ko." 

"Wow." Manghang kumento ni Kairi nang makalingon din sa gawi ni Mia. 

 Pilit naman siyang nginitian ni Reynald. "M-May nagugustuhan na ako." Nauutal na sambit ni Reynald dahilan para mapahampas sa lamesa si Mia. Babasagin 'yan!

"Sino 'yang hampas lupa na 'yan?!" Singhal ni Mia kaya dinipensahan naman ni Reynald 'yong nagugustuhan niya. Hehh... May nagugustuhan na rin pala si Reynald.

Muli kong ibinaling ang tingin kay Mia na nakikipag-away na kay Reynald habang tahimik lang ang kambal niyang si Joe na lumalamon. Ang totoo kasi niyan, hindi ko rin sila kasundo sa classroom dahil may mga sari-sarili silang grupo kaya 'di ko naman aakalaing papayag sila na sumama sa 'min para lang mag-aral.

Lumingon bigla si Mia sa 'kin habang binubugbog na si Reynald sa couch. "Papatayin ko na ba o hindi?" Tanong niya sa akin samantalang napapahampas naman si Reynald sa tabi senyales na hindi na siya makahinga. Sinasakal na kasi siya ni Mia. H-Hoy...

"C-Can't breat--" Naputol ang sasabihin ni Reynald.

"Mamahalin mo 'ko o papatayin ko 'yang nagugustuhan mo?!" Pagalit na tanong ni Mia kaya pilit na lamang akong natawa.
Hinayaan ko na lang sila roon at tumayo na nga lang para pumunta sa aking kusina. 
Kukuha ako ng tubig dahil paubos na rin ang laman nung pitchel. 

Inilagay ko muna sa tabi ang walang laman na pitchel at binuksan ang refrigerator, only to see it EMPTY.

Kumurap-kurap ako't napabuntong-hininga na lamang. Seryoso?

Kumuha na nga lang ako ng isa pang pitchel at isinara ito. Tumalikod ako sa refrigerator para bumalik kung nasa'n sila Reynald subalit halos atakihin ako sa puso nang bumungad nanaman sa akin si Kairi. Mabilis akong napaurong. 

Ang hilig talaga nitong gulatin ako.

"Kairi." Tawag ko sa kanya na nginitian niya.

"Yes, always call my name." Dahil sa biglaang pagkailang. Umurong pa ulit ako 'tapos inilayo ang tingin. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya.

"May kailangan ka ba?" Cool ko lang na tanong para hindi mahalata ang pagkailang ko pero umabante lang siya nang hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata.

Na-corner niya ako at hindi ako makaalis dahil inilalagay niya ang kanan niyang tuhod sa pagitan ng mga hita ko. 
She's wearing this black and white stripe dress na hindi lalagpas sa tuhod, may disenyong black ribbon sa may bandang puson. Nakaayos din ang buhok niya ngayon kaya kahit babae, mabibighani sa ganda niya.  

Isama mo pa na para akong hinihila palapit ng pabango niya. 

Nagsalubong ang kilay ko. "Alam mong may kaklase tayo rito, 'di ba? Stop it." Paanas kong suway pero hindi siya nakinig at inilapit lang niya 'yong labi niya sa tainga ko. Trying to seduce me.

"Give me your time even if it's just a bit." She whispered and bit my ear, making me gasp. 

Hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat at inilayo siya nang kaunti para makita ko 'yong mukha niyang nakangisi sa akin. "Gusto mo bang may makahuli sa 'tin dito?" I asked, but her smirk became even wider. 

She tiptoed to meet my lips. "Mmh!" Her soft lips crashed against mine and I moaned as she nibbled on my lower lip.

We're doing it silently while my classmates are still busy chit chatting in my room.

Honestly, It feels so warm but bad at the same time. Is it alright to do this? Hindi ba parang kinukunsinti ko lang siyang gawin 'yong mga bagay na hindi naman dapat?
Am I really helping her?

She slowly opened her eyes as she looked deeply within my eyes.
Having no idea what she's thinking at this moment. Why is she staring at me with her gentle eyes? 

She pulled away, a little. "Kyrie..." 
I closed my fist as I heard those gentle and soft voice of hers. Like she's asking for more. 

"Kyrie!" Rinig kong tawag ni Reynald kaya mabilis kong inilayo sa akin si Kairi.  

"Hinahanap na tayo, tara na" Maglalakad pa lang ako nang hawakan ni Kairi ang kamay ko't yakapin ako. "Kairi. Stop it, if someone will see us here..." Lumayo nga siya sa akin gaya ng gusto kong mangyari. Nakasuot pa rin siya ng ngiti pero nakaiwas ng tingin.

"Do you... Like me?" Namilog ang mata ko sa tanong na ibinato niya sa akin. 

Tumalikod ako't pumikit. "Kung anu-ano sinasabi mo." Namumula kong sabi bago umalis sa harapan niya para puntahan ang mga kaklase ko.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang likurang palad. Pa-simple rin akong humawak sa dibdib kong malakas ang pagpintig ng puso. 

*** 

KASALUKUYAN NA kaming nag-aaral ngayon matapos makakain lahat-lahat. May mga hindi pa 'ko tapos sa Paperworks for SSG pero kaunting push na lang din naman iyon at matatapos na rin naman. 

Hinablot ni Mia ang ballpen ni Reynald. "How can you be so stupid? Ganito 'yan, ugok, ha? Kailanga--" Pinutol ni Reynald 'yung sinasabi niya. 
"Will you please, don't explain it to me if your only goal is to hurt my feelings?" Reynald crossed her arms over his chest.
"Hindi ko masasabing may feelings ka kung wala kang nararamdaman para sa 'kin."  
"Bakit mo ba nasasabi 'yan sa akin?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Reynald at nilingon si Joe. "Huy! Pagsabihan mo nga 'yung kapatid mo!" 

Sinulyapan sila ni Joe,

...pero deadma. 

Inuna na namin kung saan kami mas okay dahil maganda kung ihuhuli namin 'yong weak subject. As for me, MATH talaga 'yong kahinaan ko kaya itinabi ko na muna 'yong notes ko at inuna ang Purposive Communication subject.

"A-Ah, okay. Thank you."
Napipilitan na tugon ni Reynald pagkatapos siyang turuan ni Mia. Ibinaling naman ni Reynald ang tingin sa amin dahilan para magsalubong ang kilay ni Mia sa inis. "Eh, ito naman? Bakit sa part na 'to, naging formal ang writing pero doon sa description naman niya, speaking ang formal?" Naguguluhan niyang tanong at ipinakita sa akin ang notes niya habang kamot-kamot ang ulo. "Mali ba 'yong na-take down notes ko?" Dagdag niya.

I was about to answer his question nang kunin ni Mia ang notebook niya at tumikhim. "Ako na lang din ang sasagot para sa 'yo, asawa ko." Kumalma siya. 

"S-stop it. Maganda ka pero..."
"Huwag mo nga akong I-sugar coating!" Bulyaw ni Mia kay Reynald.
"B-but I'm--"
"Ako na ang papakasalan mo, sa ayaw o gusto mo!" singhal niya at hinawakan ang mga kamay nito. "Lemme kiss you." At ngumuso na si Mia para ilapit iyon sa mga labi ni Reynald kaya humingi na siya ng tulong sa akin.

Nasabi sa akin ni Joe na childhood sweethearts daw talaga si Reynald at Mia, lumipat lang ng bahay si Reynald dahil sa naging family issue nila noon. 

"M-Mia, masakit." Pinipisil kasi ni Mia 'yung pisngi ni Reynald. 
Ang totoo niyan, ngayon ko lang talaga nakita ang aggresive side ni Mia. Sa school kasi, quiet and calm lang siya at madalas lang pakisamahan ang mga kaibigan niya.

May mga side talaga tayo na hindi natin mailabas kapag na sa skwelahan, lumalabas lang iyon kapag na sa mismong outside school. 

Bumutong-hininga lang ako at lumingon kay Joe.
Ang lapit na nila ni Kairi na kakaunti na lang ay pwede na nilang maramdaman ang bawat paghinga ng isa't isa.
Ibinaling ko na lamang ang tingin sa inaaral ko't hindi na sila pinansin.
Mayamaya pa noong iuntog na lang ni Reynald ang noo niya sa lamesa. "Wala na akong naiintindihan." Tila parang napapagod nitong sabi.

"Babe, ang hina ng utak mo." si Mia.
"Hindi tayo talo."
"Bakla ka?!"
"HINDI!"

Tiningnan ko si Joe. "Okay ka na ba sa inaaral mo?" Tanong ko na tinanguan niya. Tinuro niya si Kairi na ngayon ay na sa sulok at nagsosolong nag-aaral.

 "Magaling siyang magturo." Walang emosyon niyang sagot kaya tumango ako. Nilapitan ko si Kairi 'tapos umupo sa tabi niya. Tiningnan ko 'yong inaaral niya at tahimik siyang pinagmamasdan. Subalit umangat din ang tingin niya hanggang sa itiningala nito ang kanyang ulo para ngitian ako.

"Na-miss mo ba 'ko?" Mahinang tanong niya na nagparamdam nanaman sa akin ng hiya.
Sinimangutan ko lang siya 'tapos binuklat 'yong dala-dala kong Math notebook. "You're the number 1 mathematician. If... If 'tapos ka na, pwede mo ba akong turuan?" Tanong ko na mabilis naman n'yang sinagot.

"My pleasure, kung gusto mo," Kinuha n'ya ang notebook ko 'tapos hinawakan ang kamay ko para hilahin ako papunta sa mismo niyang tabi. "Ngayon na kita turuan. Pwede ko namang ihuli 'yong akin." Umurong ako at salubong ang kilay na tiningnan siya. 

"Iyan ka nanaman, eh." Pagsusumamo ko pero tinawanan lang niya ako.
"Sorry." hinging pasensiya niya.

"You guys sure are very close, huh?" Ani Mia kaya pareho kaming napatingin ni Kairi sa kanya.
"Hindi best friend ang tingin ko sa inyo, honestly." Diretsahang wika niya 'tapos tinaasan kami ng kilay. "Mag jowa kayo 'no?" Tanong niya na parang tinutukso kami kaya nakisabat na si Reynald.

"Boyish lang si Kyrie H. pero hindi 'yan lesbian o bisexual!" Sigaw niya 'tapos tiningnan ako, "Right, Kyrie?" Tanong niya na parang inaasahan na sasagot ako.
Kinotongan ni Joe si Mia. "Babae si Kairi D, gumagawa ka nanaman ng imahinasyon mo."

"I'm just saying what I think." Kibit-balikat balikat na tugon ni Mia habang hawak ang ulong nakotongan. Tumawa lang ako ng pilit 'tapos sumulyap kay Kairi na nakatulala sa kawalan. Inalog ko siya't tinawag.

Napalingon naman siya sa 'kin na animo'y gulat na gulat. I see... 
"Don't mind it." Simpleng wika ko sa kanya na marahan niyang tinanguan.

 "Yeah." Tipid na sagot niya 'tapos napatingin naman kay Reynald noong akbayan niya si Joe na walang gana lamang na nakatingin sa kanya.

"Gusto mong makipag tagayan sa 'kin mamaya pag-uwi?" Tanong ni Reynald kaya sinuway rin siya ni Kairi saka sila nakipagtawanan.
Pinapanood ko lang sila nang mapangiti ako't makisama sa mga ito. "Mag-aral na lang kayo, tapos na ang break time, eh." 

"Cheapskate." ani Mia. 

***** 




Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now