Episode 32

646 48 8
                                    


Episode 32

KAIRI

Kinaumagahan, pagkamulat na pagkamulat pa lang ng aking mga mata. Si Kyrie kaagad ang unang bumungad sa akin. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama at kinusot-kusot ang mata ng hindi inaalis ang tingin sa tahimik at mahimbing na natutulog na si Kyrie.

Ibinaba ko ang kamay ko para iurong kaunti ang kwelyo ng damit niya para makita ang kanyang bandang balikat na kinagat ko kagabi. Nagsisimula ng mamuo ang pangingitim ng pasa niya.

Flashback

Mabilis kong nilagok ang kahuli-hulihang baso ng alak bago 'yon pabagsak na ipinatong sa lamesa. Ramdam ko 'yung hilo, 'tas iyong ulo ko. Parang ang gaan-gaan.
"KyRieee ~!" Wala sa kontrol na tawag ko sa kanya na nasa tabi ko lang din.

Ibinaba niya 'yung shot glass niya at walang gana na nilingon ako. Tinuro ko si Jennifer na humihilik na natutulog sa kandungan niya. "Bak-- *hic* --it mo hinahayaang landii-- *hic* --n ka ni ate Jennifer, ha? Are you cheating on me?" Tanong ko kasabay ang paggapang ko palapit sa kanya. Mas lumalala na rin ang pagsinok ko habang tumatagal.

Inurong niya ang ulo niya habang kunot-noo na nakatingin sa akin. "You're drunk."

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya dahil pakiramdam ko, ang layo layo niya sa akin. "Hindi ako lashing!" Pag-iling ko't suminok. Idinaan ko rin ang hintuturong daliri sa ilong niya na nagpapikit sa kanya.. "Baka ikawang lashing!" Nakasimangot kong sabi.

Bigla namang humalakhak si Ate Jennifer dahilan para ibaba namin ni Kyrie ang tingin sa kanya.

Inangat ni Ate Jennifer ang kamay niya para hawakan ang pisngi ni Kyrie at himasin ito. "Parang noon lang, palagi kang umiiyak sa akin habang tinatawag 'yung pangalan ko. But look at you right now?" Mahinang tinampal ni Ate Jennifer ang pisngi ni Kyrie. Hindi na niya maidilat ng maayos ang mata niya dahil maliban sa lasing na siya, inaantok na rin talaga siya. "You've become a splendid woman. I'm happy that I am seeing you right now flirting with the person you wanna spend with the rest of your life despite your lack of experience."

Namula ang mukha ni Kyrie at hinawakan ang pulso ni ate Jennifer para alisin ito sa pisngi niya. "You're talking nonsense."

Ngumuso ako. "Kyrie ~! Ako pansinin mo!" Ngumanga ako bago ko malakas na kinagat ang balikat ni Kyrie, dahilan para malakas siyang mapasigaw na umalingawngaw pa yata sa buong dorm building.

End of Flashback

Natawa ako ng wala sa oras.

Lasing ako pero malinaw pa sa utak ko 'yung mga nangyari, kinatok pa kami ng landlord para sawayin kami na mabuti naman at hindi nagtagal dahil naging maayos ang paraan ng pakikipag-usap ni Kyrie. Narinig ko 'yung ilang ulit na paghingi niya ng pasensiya.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at ibinaling ang tingin sa bintana. Naglakad ako palapit doon para iurong 'yung kurtina, papaakyat na ang araw kaya nagpasya akong buksan ang bintana kung sa'n pumasok ang malamig na simoy ng hangin para sa umagang ito. Pumikit ako para pakiramdaman iyon.

Lumuwag ang pakiramdam ko at tila parang lumabas lahat ng mabibigat na bagay sa aking dibdib. Kung magpapatuloy 'to sa mga darating na araw, baka hindi na ako umalis. Mas gugustuhin kong manatili rito bilang comfort zone ko.

But if I do that, It's like I'm telling myself to escape the reality. Even though I know deep inside that I'll still end up being captive at the same place, same cage. 

Nag vibrate ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Nilapitan ko iyon para kunin at tingnan ang caller, si Cherry-- ang katrabaho ko sa speakeasy.
Sinagot ko iyon kasabay ang paglalakad ko palabas ng dorm room ni Kyrie. "Hello?" Pagsagot ko.

Isinara ko ang pinto at sumandal sa pader katabi lang nung pinto. "Gurl, nasa'n ka ba? Ilang gabi ka ng wala, ah? Hinahanap ka na sa 'kin ng ama mo. Hindi ka ba umuuwi sa inyo?" Tanong ni Cherry sa kabilang linya pagkasagot ko sa tawag niya.

Naglabas ako ng hangin sa ilong at humalukipkip. "Babalik din ako pagkatapos ng ilang araw."

"Whaat? Kailan 'yang ilang araw mo? Ako tinitira ng tatay mo. You have no idea how aggressive he was last night. Halos mapunit p*ke ko sa kanya, bakit sa 'kin niya binabato init ng ulo niya sa 'yo?" Taka niyang sabi dahilan para kurutin ko ang sarili kong balat. "Kahit na ba sabihin nating doble ang bayad niya, at talagang pogi 'yang ama mo kung hindi naman niya iingatan p*ke ko, baka layasan ko pa 'yang speakeasy na 'yan. 'Di sila marunong mag-alaga ng taong nagta-trabaho diya--"

Nawala ang pagkakakrus ng mga braso ko a napahakbang ng isa. "H-Huwag!" Siya lang 'yung taong pwede kong makausap sa speakeasy. Kung aalis siya, ano na lang gagawin ko?

"Nasa'n ka ba kasi?" Tanong niya.

Tumungo ako. "S-Somewhere." Nauutal kong sagot. I can't tell her.

"Hay naku, Kairi. Ang tino ng sagot. Bilisan mo 'yan pagbalik mo. Nalulungkot din akong wala ka rito." Hindi ko lang nagawang imikan 'yung sinabi niya at kumuyom lamang. "Oh, siya. Matutulog na ulit ako, naalala lang kita kaya ako napatawag. See you."

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now