Special Chapter(1)

422 24 4
                                    

Special Chapter(1)

KYRIE

Even if you do know your goal, you need to figure out how to get there by yourself. I can give advice, but even I don't know where you will end up with.

That was the last word advice I gave to my friend in college who is currently has her own issue about her future and love life. Pero ako rin itong medyo nag-aalala sa sarili ko.

First year college, malayo-layo pa bago maka graduate pero heto't parang nag-aalala ako kung talaga bang tama lang itong desisyon ko sa pagkuha ng kursong ito dahil wala na 'tong balikan.

"Para talagang gusto kong mag shift pero alam mo 'yon? Sayang? Magse-second year na nga tayo." Sabi ng kaibigan kong si Reynald habang nakatingala at kumakain ng binili naming isaw sa kanto. Paborito naming gawain ever since.

Inalis ko ang nahuhuling meat sa stick ko at itinapon iyon sa nadaanan naming trash bin. "Hmm, sabihin na nating sayang pero piliin mo pa rin talaga siguro 'yung pang long term. Kasi kung dahil lang sa nanghihinayang ka kasi nasimulan mo, paano ang future na darating sa'yo? Magiging masaya ka ba?" Patanong kong sabi habang ngumunguya.

Nakita ko naman na napaisip siya dahil mas tumingala siya kumpara kanina.
Pagkatapos ay napasabunot na lang sa ulo niya. "Mas gumulo utak ko!"

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Bakit parang kasalanan ko pa?" Simangot kong tanong. "Choice mo pa rin naman 'yan, eh." Dagdag ko pa.

Humagikhik siya at ginulo ang buhok ko. "Hindi, alam ko na talaga 'yung sagot. Kailangan ko lang talaga ng isang taong makakapagsabi niyan sa akin." Wika niya tsaka niya ako binigyan nang malapad na ngiti.

Narating na namin iyong lugar kung saan kailangan na naming maghiwalay ni Reynald. Itinaas niya ang kamay niya bilang pagpapaalam. "See you next week. Huwag mong kakalimutan 'yung video tape, ah?" Aniya.

Tumango ako. "Pakumusta mo na lang ako sa girlfriend mo." Tukoy ko kay Mia. "Sorry kamo hindi ako makakapunta. Next time na lang kamo." May gimik kasi kaming magkakaibigan nung high school bukas. Eh, hindi ako makakasama dahil may mga kailangan akong gawin.

Tumalikod na si Reynald at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Karamihan sa mga kakilala ko, naka set na 'yung goals nila at alam na nila 'yung gagawin nila para sa future. Ako naman, kahit nagbibigay ako ng advices parang undecided pa rin. Para ngang nai-imagine ko sarili ko na ga-graduate ng wala masyadong alam. O kaya'y... Sakto? Ewan ko. Magiging masaya kaya ako sa kurso kong 'to? Talaga bang magagamit ko 'yung pinag-aralan ko sa magiging trabaho ko?

I sighed habang kasalukuyan akong papaakyat sa aking apartment. I transferred here a year ago. Malapit-lapit lang kasi ito sa unibersidad na pinasukan namin ni Reynald. At isa pa...

I opened the door with my key and went inside. Bumungad sa akin ang dilim. "Nakauwi na ako." I said while looking at the front. Natawa na lang sa kaisipan na para akong tangang nagsasabi niyon kahit wala namang tao sa bahay.
Inalis ko na nga lang ang sapatos ko at dumiretsyo na sa kwarto para makapagpahinga subalit ang babaeng iyon ang tumambad sa akin.

As usual, she's busy doing her paper works while typing on her laptop. Doing the multitasking. Pero mas maaga ang uwi niya ngayon kumpara kahapon at sa usual time niya.

...Makakatulong ba ako sa future naming dalawa?

The room is too silent that the sound of keyboard is all I can hear. I walked near her to see what she's doing. "What do you want to eat?" I asked her as I put down my bag on the side.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now