Episode 35 (ULTIMO)

1.5K 84 57
                                    

(A/N: Long word counts ahead! Enjoy the last episode of the series)

*****

Episode 35 (ULTIMO)

KYRIE

Sumapit ang huwebes. Sobrang haba na ng tulog ko pero pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ang katawan ko't tila parang gusto ko pang matulog ng sampu't mahigit na oras.
Wala akong ganang gawin ang mga bagay-bagay, wala akong lakas.

Simula nang sumama si Kairi sa ama niya, hindi ko na siya nagawang contact-in, 'di ko hinayaan ang sarili kong kausapin siya. Sa kaisip-isipan ko, wala rin akong pwedeng gawin para matulungan siya. Kahit na sabihin kong siya'y manatili, aalis pa rin siya.

Kitang kita ko ang mukha niya, desidido sa kung ano'ng gagawin niya.

Binuksan ko ang pinto sa likuran ng classroom at pumasok. Nakatungo lang akong naglalakad nang iangat ko ang tingin sa pwesto ni Kairi. Wala pa rin siya sa pwesto niya, hindi nanaman siya pumasok.

Humawak ako sa dibdib ko nang kumirot at bumigat nanaman 'to.

Nandoon iyong takot ko na baka dumating ang araw na tuluyan siyang umalis. Hindi ko dapat 'to nararamdaman dahil simula't una pa lang, alam kong maaari 'tong mangyari.
Although we are far apart, my thoughts for her never vanished. 

"It's your FAULT that I fell in love with you that I can't even control this feelings anymore..." Naalala kong sabi ni Kairi habang naluluha na nakatitig sa mga mata ko't malungkot na nakangiti.

Napakagat-labi ako.

Bumukas ang pinto kung saan pumasok ang adviser namin na si Sir Joven. Seryoso ang tingin niya ng mga mata niya na parang may ibabalita kaya mabilis na bumalik sa pwesto ang lahat habang nanatili lang akong nakatayo.

Ipinatong na muna ni Sir Joven ang mga dala-dala niyang gamit sa teacher's table at ipinatong ang dalawang kamay sa bawat gilid ng lamesa. "This is a sudden announcement, but Kairi won't be attending the class and she will be studying abroad, in Spain." 

Unti-unting nanlaki ang aking mata sa nalaman ko samantalang nagkaro'n ng kanya-kanyang reaksiyon ang mga kaklase ko sa naging balita ng aming guro. Hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig.

"Spain?!"
"May gano'ng plano si Kairi?!"
"Wala man lang siya sinabi!"

"Pinatawag ako sa principal para ipaalam iyon sa akin, at ngayong araw rin ang flight niya kasama ang pamilya niya, pero walang nasabi kung anong oras ang departure." Dagdag sabi ni Sir Joven.

Lumingon ang isa sa mga kaklase ko sa akin. "Alam mo ba na aalis si Kairi?" Tanong nito na hindi ko nagawang masagot kaagad dahil maski ako, walang ideya na lalabas siya ng bansa.

Naramdaman ko ang paglingon ng magkambal na si Joe at Mia sa akin.

***

BUONG KLASE ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. Saka ko lang ililipat ang tingin sa harapan kung tingin kong tatawagin ako ng titser.
At ngayong nandito nanaman ako sa dati kong pinagtatambayan kapag gusto kong mapag-isa, malaya akong makakaidlip, dalawang oras din ang free time namin.

Nakaunan ako sa sarili kong braso nang maramdaman ko ang yapak ng mga paa na papalapit sa akin dahilan para imulat ko ang mata ko at tingnan ang taong na sa tabi ko. "Dimples." Tawag ko sa pangalan niya at umupo sa pagkakahiga sa damuhan para lingunin siya.

Umupo siya sa tabi ko't tinakpan ang ilalim ng skirt niya sa pamamagitan ng pag-akap niya ro'n kasama ang tela ng skirt niya para pwede niyang maiangat ang mga tuhod niya. "Nabalitaan ko 'yung tungkol kay Kairi. Usap-usapan siya sa faculty." Saad niya na hindi ko kinibuan.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon