Episode 28

613 49 17
                                    


Episode 28

KYRIE

"Nawawala si Kairi!" Iyon kaagad ang bungad ni Jennifer pagkabukas pa lang niya nung pinto.
I was too shocked that I didn't get to move an inch. Malakas din ang tibok ng puso ko't pinapangunahan ng pagkataranta. P-Paano kung may nangyari sa kanyang masama? Umalis ba siya dahil hindi na niya alam ang gagawin?

Hindi na dapat ako pumasok, kasalanan ko 'to.

Nakayuko lang ako pero nakikita ko sa peripheral eye view ko ang pagkurap ni Jennifer. Ipinagdikit niya ang dalawang palad niya. "Charot! Na sa loob lang siya!" May pumitik na kung ano sa sintido ko habang dahan-dahang iniaangat ang tingin para makita siya, pareho kong ini-stretch ang pisngi ng babaeng 'to. "Mashaket, Kyrie..."

"Ano tingin mong ginagawa mong babae ka?" Nanggigigil kong tanong at mas ini-stretch ang pisngi niya kaya halos mangiyak siya. "Huwag kang biro ng ganya--"

"Kairi! ~!" Mabilis na pumasok si Dimples sa loob ng dorm kasabay ang pagtanggal niya ng kanyang sapatos.

"Hoy!" Tawag ko saka binitawan si Jennifer para pulutin 'yung school shoes ni Dimples na basta't basta na lang niya inalis dito sa labas. Hay naku.
Pumasok na nga lang kami ni Jennifer. "Pero napadalaw ka pala?" Tanong ko sa kanya kasabay ang pagsara niya nung pinto at ang pagpatong ko ng sapatos ni Dimples sa shoe rack.

"Isasama ko nga sana si Maggie, kaso may kailangan daw kasi silang puntahan ni Tita kaya ako na lang ang nag solo para puntahan ka, pero hindi mo naman sinabing may bisita ka pala." Saad niya.
Taas-kilay ko siyang nginitian. "Malay ko ba naman kasing pupunta ka rito?" Patanong kong sambit saka ko siya tinalikuran. "Ano pa lang balita habang wala ako?" Pangangamusta ko at humawak sa pader bilang suporta habang nagtatanggal ako ng school shoes.

"Girl, iyon nga. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na pareho kayo ng pangalan." Mangha niyang tugon sa tinatanong ko.
Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "That's not what I actually want to know--"

Hinawakan niya 'yung braso ko kaya taka ko siyang tiningnan. "Nasabi sa 'kin ni Kairi na magkaklase lang kayo, pero hindi lang 'yun ang relasyon na mayro'n kayo, 'di ba?" Biglang pagseseryoso ni Jennifer dahilan para hindi kaagad ako makaimik. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin 'yung sagot na gusto niyang malaman.

Ni hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang relasyon namin ni Kairi. Pero kung iisipin ko nga naman,

Umiwas ako ng tingin. Ano nga ba ang mayro'n sa 'min ni Kairi?

"Marami siyang pasa," Banggit ni Jennifer dahilan para manlaki ang mata ko't muling ibinalik ang tingin sa kanya.

"Binihisan mo siya?" Tanong ko na inilingan niya.

"Hindi. Bumaba lang 'yung damit niya kanina ng 'di sadya kaya nakita ko." Pagkibit-balikat niya. "Ipinaliwanag rin niya kung ano 'yung nangyari kaya niya nakuha 'yung mga pasa niya." Bumuka ang bibig ko. Sinabi ni Kairi?

Humalukipkip siya. "Ang weird kaya, ang ganda ganda niya at parang siya 'yung tipong babae na ingat na ingat sa sarili para lang hindi magalusan pero malalaman kong nagju-Judo pala siya."

Tumitig lang muna ako kay Jennifer bago ko itabingi ang aking ulo. Eh?

"Never pa akong nagkaro'n ng girl crush pero baka magkaro'n na 'ko ngayon." Pagtango-tango niya 'tapos lumapit sa akin upang akbayan ako. "Huwag kang maingay, ha? Baka mamaya, isipin no'n tomboy ako kahit na paghanga lang naman 'yon."

Napaawang-bibig ako, tangka kong magsalita pero itinikum ko na lang. Of course, there's no way she would tell it to her.

Pumunta na nga lang kami sa kwarto para puntahan si Kairi pero iyon, naabutan kong yakap-yakap siya ni Dimples. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa 'yo. May sakit pala ikaw." Pag nguso ni Dimples at mas ipinulupot ang mga kamay sa leeg ni Kairi. Hindi pa nila napapansin na nandito kami.

Napangiti na lang din ako. Atleast, kahit papaano walang bitterness ang namamagitan sa dalawa at magkasundo pa rin naman kahit papaano.

Sumulyap ako kay Jennifer na marahang kinukuha ang cellphone sa bulsa para pasimple silang kuhanan ng litrato. Hinayaan ko na nga lang siya't labas sa ilong na lumakad para ipatong ang ipinamili namin sa lamesa. Doon lang ako napansin nung dalawa. "Huwag ka munang magdididikit kay Kairi, Dimples." Suway ko.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now