Episode 4

1.1K 80 7
                                    


Episode 4

KYRIE

For the past few days, mas lalong sumisikat si Kairi sa campus. 'Laging siya ang pambato sa kahit na anong contest dahil sa talino't talento na mayroon siya.
Maraming estudyante ang napapangiti 'pag nakikita siya na dumadaan, hinahangaan ito ng lahat 'di lang lalaki kundi pati ang mga babae.

Kung pwede nga raw na siya ang maging president ng SCC o ang tinatawag sa Student Supreme Council ng skwelahan na ito ay siya na talaga ang iboboto ng lahat. Magaling din naman ang President sa SCC pero iba raw kasi ang impact 'pag si Kairi na ang pag-uusapan.  

Nakasalong-baba akong nakatingin sa kalangitan nang ilingon ko iyon kay Kairi na nakikipagtawanan sa mga classmates namin.
Famous si Kairi pero hindi siya madalas makipag interact sa mga lalaki. Kung kakausapin man niya, tungkol lang siguro sa mga academics. Na-observe ko lang siya dahil kapansin pansin naman talaga siya. Not gonna lie.

Siya iyong tipong mahirap i-reach kahit na gustuhin mo mang abutin.

I let out a sigh. Just waiting for the next subject pero mukhang wala raw ang teacher namin kaya another vacant time nanaman. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko para umalis. Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang paglingon ni Kairi sa gawi ko kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko dahil may pakiramdam ako na lalapitan niya ako.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at pumunta sa pwedeng pagtambayan. Malapit lang siya sa field. Kumbaga school waiting shed kung tatawagin.
Pumunta ako sa harapan ng vending machine at kumuha ng kape matapos makapag insert ng bayad, nang kunin ko iyon at tumalikod ay bumungad nanaman sa akin ang nakangiting si Kairi kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ko para maiwasan ang pagsigaw. Umatras din ako dahil napakalapit niya sa akin.  

Humalakhak si Kairi dahil sa naging reaksiyon ko samantalang namimilog pa rin ang mata ko sa gulat. "Sorry, did I scare you?" she asked. Kailan pa siya nandiyan?!

Inalis ko na ang kamay ko sa aking bibig. "You don't have to be so closed." Saway ko't umupo sa park bench. Humarap naman siya sa akin kasabay ang paglagay ng kamay sa kanyang likuran.
"You really like to drink that a lot, huh? Baka hindi ka n'yan makatulog." Tinaasan ko siya ng kilay.
Kailan pa niya ako nakitaang uminum ng kape? Eh, ako lang naman ang mag-isa kung pupunta ako rito.

Itinusok ko ang straw sa butas ng kape ko. "Mahina ang kape sa akin, nakakatulog pa rin ako kahit na uminum pa 'ko ng ilang basong kape." Sagot ko na nagpalaki sa mata niya.

"Baka naman ma-palpitate ka sa ginagawa mong 'yan." Animo'y nag-aalala na ewan. 
Umupo siya sa tabi ko kaya umurong ako dahil naiilang pa rin ako. Medyo dumadalas na 'yung mga araw na magkasama kami pero hindi pa rin matanggal sa akin 'yung pagkailang. It can't be helped, ang tagal ko na rin kasing mag-isa kaya siyempre. Hindi madaling mag adjust. 

Not to mention na ang ganda rin niyang babae. 
Yes! Allergic ako sa mga magaganda dahil nagliliwanag sila. Hindi ko sila matingnan ng diretsyo. "Ba't ang lowkey mo?" Tanong niya sa akin sabay lapit ng mukha nito. Ang hilig nitong dumikit nang dumikit!

"Hoy, alam mo bang nakakailang 'yang ginagawa mo?" Tanong ko para aware siya. 
Mas umurong ako at uminum ulit ng kape. "S-Saka paanong lowkey? Bakit? Kailan ba ako nagpa-expose--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagkakataon na ito ay  hinawakan niya ang kaliwa kong pisngi upang iharap ang mukha ko sa kanya.  

She's giving me this seductive look while smiling playfully. I could see her red rosy cheeks, her long pretty eyelashes and this damn kissable lips.

Malalim ang paraan ng pagtitig niya sa mata ko kaya napalunok ako. "You're the only person who could see through me-- my feelings. But why do I feel that you're walking away that I finally found you?" She asked as if she's actually looking for me.  

Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Good thing, at wala namang estudyante rito ngayong oras. "You actually knew it, right?" She paused. "Who truly I am." She added. 
I averted my eyes. She's trying to show her sexual interest. Making eye contact with me and offer another brief smile or making a curved grin with her mouth.

I don't want to assume because it's too impossible. Masyado siyang girly at maganda para maging-- Hindi, ewan. Hindi ko na alam. 

"I have no idea what you're talking about." Pagmamaang-maangan ko. 

She took a strand of my hair, playing it with her fingers. "Let's just say you're telling me the truth. Pero iyan ba ang magiging rason mo para lumayo ka sa 'kin?" using her husky voice made me shiver. "Won't you accept me?" 

Wala akong ibinuka na kahit na anong salita at nakatitig lang sa kanya, a minute later when she suddenly laughed. "You're so interesting." 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon