Episode 1

3.4K 121 29
                                    

Suzu Hirose as Kyrie Henderson  
Nana Komatsu as Kairi Dela Valliere 

***** 

Episode 1

KYRIE

I heard those irritating whistle as I fell on the ground. We lost. I lost.
My legs were broken, I can't move and I was screaming out of pain-- but not because of physical injury but because it hurts to know the certainty that I wouldn't able to reach my goal.
Is it too late? Will someone give me another chance to play again? How 'bout hope?

Funny, tinatanong ko 'yan sa sarili ko kahit alam ko namang napaka imposibleng makuha. Crazy, isn't? I looked so stupid.

The bell rang as the arrow pointed the center clock. Break time.
Someone tapped the top of my head, my classmate-- Reynald. Siya lang 'yung taong may lakas ng loob na kausap-kausapin ako. "Hey, why don't you join me? Wanna grab something downstairs?" Anyaya niya sa akin, but I shook my head and frowned. 

"No, pass." I simply answered. Tutal, hindi rin naman ako gutom. Hindi ako kumakain ng ganitong oras at tuwing lunch break lang talaga ako lumalamon. 

He scratched his head. "Palagi mo na lang akong tinatanggihan." 

"At palagi mo akong inaaya." Ganti ko naman sa kanya. Alam naman pala niyang tatanggihan ko siya bakit nagsasayang pa siya ng oras para lang lapit-lapitan ako para ayain akong kumain kasama siya? 

Namilog kaunti ang mata niya bago siya matawa't mapailing. "Sorry na, interesado kasi ako sa mga taong katulad mo." Diretsyang aniya na hindi ko lang binigyan ng kahit na anong reaksiyon.  

"And I'm not." Basag ko naman sa kanya kaya mas lalo siyang humalakhak.

Tumagilid siya ng tayo at nag wave gesture. "Hindi bale, pero sana sa susunod na ayain kita. Pumayag ka na." Hindi pa niya ako inaaya ng lunch kaya hindi niya alam na iyon ang oras ng kain ko. Iba kasi ang kasama niya kaya wala rin siya sa classroom tuwing lunch break. 

Hindi na lamang ako sumagot kaya umalis na ito kasabay ang pagtawag niya sa mga kasama niya. I took the book out of my bag and turned the page kung saan ako huminto ng aking pagbabasa. 

"Narinig n'yo ba? May transfer student daw na sa office ng principal, kaklase raw natin." Rinig kong chismis ng mga kaklase kong lalaki sa gilid ko. 
"Talaga? Edi tama pala 'yung naririnig ko kanina sa faculty? Narinig ko pa ngang anak mayaman din 'yon, eh." Narinig ko pa ang tawanan ng isa pa nilang kaibigan habang kinukuha ko ang earphone ko para makinig sa musika na mayroon ako sa cellphone.
"May pagmamay-ari raw na kumpanya ang magulang niya. Yown! Big time!" 

Palaging ganyan.
Kapag may transfer student, pag-uusapan nila sa una. Pagkakaguluhan and all but after a month? Balik sa normal, wala na ulit. Parang nalaos na artista na hindi mo maintindihan kaya sanay na rin ako sa ganitong kaguluhan ng mga estudyante kapag nagkakaroon ng bagong estudyante.
Ganoon naman, eh. Unang kita mo lang sa tao, matutuwa ka pero 'pag nagtagal? Wala na 'yung excitement.

Tumayo na lamang ako't medyo pabagsak na ipinatong ang libro sa desk ko bago lumabas ng classroom. Pumunta ako sa kung saan para magpahangin. Nasu-suffocate ako sa loob ng classroom, masyado nilang ine-enjoy 'yong buhay nila. 'Di ko kayang marinig o matingnan man lang.
Na sa corridor lang ako noong pumukaw sa atensiyon ko 'yung mga estudyante na naglalaro ng football sa soccer field.  They're not wearing their uniforms kaya parang lumalabag sila sa rules ng school.

Natutuwa sila habang nagtse-change of pace dribble sila at maririnig mo ang mga malalakas nilang tawanan. 

Dumaan ang isa sa mga kakilala kong titser kung nasa'n ang mga estudyanteng naglalaro, nang makita ang mga ito ay doon na sila pinagalitan ng guro dahilan para tumakbo ang mga estudyante paalis kasama ang bola.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now