Episode 34

715 35 5
                                    

Episode 34

KYRIE

"Gusto kita." Seryosong pag-amin niya na hindi ko nagawang imikan kaagad.
Parang naputulan ako ng dila na kahit gusto kong maglabas ng salita, hindi ko magawa.
Tanging ang nakabukas na TV lang ang maririnig gayun din ang pag-ikot ng elesi ng Electricfan dahil sa namuong katahimikan.

Nanatili lamang na nakabuka ang bibig ko nang isara ko ito. I was about to say something nang manguna si Reynald. "Pero huwag kang mag-alala, bilang kaibigan siyempre." He said and forcefully laughed.

It's like he knew that I was about to say 'no'.

Dumating naman si Kairi na katatapos lang din maligo at punas punas lang ang basa n'yang buhok gamit ang hiniram niyang tuwalya sa akin.
Ginamit din n'ya iyong casual clothes ko, nakasuot ng berdeng T-shirt at suot-suot ang jeans ko na mabuti na lang din ay okay pa ring tingnan sa kanya.
Tinupi lang niya ang ilaliman nito para may style.

"Tapos na ako, maligo ka na." Sabi ni Kairi kaya tumayo na nga ako.

Tinanguan ko siya. "Y-Yeah." Tugon ko at ibinaba ang tingin kay Reynald. Malayo rin ang tingin niya at parang nahiya sa sinabi niya dahil gumagalaw galaw ang bagang niya't nagpipigil lang.

Labas sa ilong ko siyang nginitian bago ako lumakad para makaligo. Nang madaanan ko si Kairi, hinawakan niya ang kamay ko kaya tumigil ako sa tabi niya para lingunin siya. Nakabaling ang tingin niya at parang may gustong sabihin nang bitawan na lang niya ako.

Kinunutan ko siya ng noo. "Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya pero nginitian lang niya ako.

"Wala, gusto lang talaga kitang hawakan." Sagot niya saka siya lumakad na sinundan ko lang din ng tingin. Umupo siya sa edge ng kama ko at muling pinunasan ang basa niyang buhok ng tuwalya. Wala na lamang akong nagawa kundi ang pumunta sa banyo.

KAIRI

Ilang minuto rin nang maligo si Kyrie sa banyo at kasalukuyan ko pa ring pinapatuyo ang basa kong buhok ng tuwalya, wala kasing hair blower si Kyrie.
Lumingon ako kay Reynald na ngayo'y nanonood ng balita sa TV. Tinawag ko siya kaya tiningnan niya ako sa peripheral eye view. "Kayo na lang ni Kyrie ang lumabas, hindi ako sasama."

Salubong ang kilay niyang lumingon sa akin. "Ha? Bakit bigla kang 'di sasama?" Taka niyang sabi.

"Hindi ba't lalabas dapat kayong dalawa ngayon?" Tanong ko sa kanya at nginitian siya. "Magbibigay ako ng rason para makaalis kayong pareho."

Namimilog ang mata niya nang mabilis siyang pumunta sa harapan ko't lumuhod. "Hulog ka ng langit, alam mo 'yon?"

I bit the side of my tongue. "I see, you won't deny that you're actually telling me that you like her?" I asked as I gave him a smile.

He blushed. "A-Ah," Tanging reaksyon niya at humawak sa batok niya 'tapos biglang nanlumo. "Pero bigla mong kinuha 'yung first kiss ko."
Wika niya pero wala lang akong sinabi.

Dumating na si Kyrie. She's wearing a simple thin jacket with a yellow shirt as her inner clothes.
Reynald stood up and faced her. "R-Ready ka na?" Nauutal na tanong ni Reynald na ngiting tinanguan ni Kyrie. Nakasuklay na rin siya't lahat lahat, doon siguro siya nag-ayos sa banyo.

Inilipat ni Kyrie ang tingin sa akin. "Tara?" Aya niya sa akin kaya tumayo na ako't pasimpleng tiningnan si Reynald na nakasulyap din sa akin.

***

ISINARA NA ni Kyrie ang pinto niya't ni-locked ito kaya lumakad na kami. They're both talking to each other habang na sa likuran lang ako na pinapanood ang dalawa sa harapan ko. Pinag-uusapan nila Kyrie 'yung tungkol sa mga sinalihan nilang provincial game kaya 'di na ako nakisali.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora