Episode 28.5

639 50 13
                                    

Episode 28.5

KYRIE

"Huwag kang lumpit sa 'kanya, 'nak. Rapist tatay niyan, 'di mo alam baka saktan ka."

I have been discriminated by numerous people when I was a kid knowing that I was born unintended. My mother whom I don't know was raped by a man when she was on her way home-- it was my auntie who told me that.

My existence was almost disappear, leaving me at the side of the road as she couldn't handle the truth. But good thing her sister which is happened to be my auntie followed her and she kept me despite of what happened to her sister. Tinuring niya ako na parang anak niya.

When I turned a year old, that was the time when my mother hang herself in her room to end everything, life, suffering and pain. She lost her battle.
But after hearing those story from my aunt, I feel nothing. Obviously because I didn't spend time with her, I didn't get to see her with open eyes.

Si Auntie ang unang nakita ko nung nagkaisip ako. Sapat ang pagmamahal na ibinigay niya sa 'kin. Ipinag-aral niya ako, pinakain, and even treated me better.
She didn't looked at me with different eyes.

Kaya wala akong nararamdaman kahit na may nangyaring masama sa sarili kong magulang. But the only thing that saddens me is the way people treated me in my neighborhood.
Si Jennifer at Maggie lang ang katangi-tanging tao ang tumanggap sa kung sino ako.

Flashback

Binato ako ng kaklase ko ng boteng walang laman sa ulo. Nagsusulat ako no'n pero itinigil ko dahil sa ginawa ng batang iyon. "Hoy! Totoo talagang anak ka ng rapist?" Tanong ng lalaking pasaway sa classroom namin nung 3rd grade ako. "Nakakadiri!" Dagdag niya.
Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko na pati sarili kong guro na dapat umawat sa gano'ng klaseng estudyante, hinahayaan lang niya.

Kahit lalabas ako, lahat ng mata na sa 'kin. Makakarinig ka ng bulungan at malalaman mong ikaw rin ang pinag-uusapan.
Kaya kapag nangyayari 'yon, tatakbo ako papunta sa banyo para umiyak ng tahimik.
Palaging gano'n hanggang sa may isang babaeng nanilip mula sa itaas-- si Maggie.

"Ah, may tao." Sabi niya.

Sino bang mag-aakala na may batang katulad niya na sumilip para lang makita kung may tao?

Nakatingala ako sa kanya at hindi nakapagsalita dahil na rin sa pagkagulat. Mabilis ko lamang pinunasan ang pisngi kong basang-basa dahil sa hiya 'tapos bumaba mula sa pagkakaupo ko ro'n sa inodoro para buksan ang pinto ng cubicle. Bumaba na rin 'yung batang babaeng iyon na mayro'n pa palang isang kasama.

Umalis kaagad ako sa harapan nila't nilagpasan sila pero tinawag nila ang pangalan ko dahilan para mapatigil ako sa pagmamadaling umalis. "We heard about you." Sambit ni Jennifer na nasa 5th grade nung araw na iyon.

Pinagpawisan ako ng malamig, bata pa lang ako pero may anxiety na ako.

"Huwag ka sanang matakot sa 'min." Segunda ni Jennifer.

Hinipan ni Maggie ang bangs niya. "Grade 3 rin ako! Pero I'm a grown-up. Salbahe mga kaklase mo! Kung kaklase mo lang ako. Ako manggugulpi sa mga 'yon." Lumapit pa sa akin si Maggie na nagpaurong sa akin. "Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong niya na may pagkinang sa mata niya.

***

NOONG madalas ko silang makasama, madalas na nilang marinig ang mga pangit na salita mula sa ibang tao pero mas pinili nilang manatili sa 'kin.
May mga time pa nga na may inaway silang adult dahil hinusgahan nila ako na kamuntik-muntikan pa kaming mapahamak dahil sa mambabato na sana si Maggie ng bato dahil sa inis niya.

5th grade nung umalis ako sa hometown ko dahil nalaman ng auntie ko 'yung mga nangyayari sa 'kin mapalabas man ng school.
Pinagalitan niya ako dahil tinago ko sa kanya 'yung mga gano'ng bagay.


"Bakit 'di mo sinabi sa akin, huh?! Kung hindi lang ako pumunta sa skwelahan mo, hindi ko pa malalaman!" Galit na galit niyang sambit na nagpayuko sa akin. Inilagay ko rin 'yung dalawang kamay ko sa likuran ko dahil sa takot.

Pero nawala ang nararamdaman kong iyon nang lumuhod si Auntie upang yakapin ako kasabay ang paghawak niya sa ulo ko. "Sabihin mo lahat sa 'kin ng mga nangyayari sa 'yo. Gusto kitang tulungan hangga't maaari, kaya sabihin mo. Pwede ba 'yun, anak?" Kauna-unahang pagtawag niya sa 'kin ng anak kung kaya't parang may kung anong kumawala sa dibdib ko.

Nanlalaki lang din ang mata ko, hindi magawang makahanap ng salitang sasabihin pero namuo 'yung luha sa mata ko na hindi ko magawang maipakita sa kanya. Niyakap ko siya pabalik kasabay ang pagbagsak ng luha ko.

I nodded. "I'm sorry.

End of Flashback

Simula nga no'n. Nagpasya siyang ilipat ako sa skwelahan kung saan ako nag-aaral ngayon-- ang St. Matthew 'tapos uuwi-uwi na lang ako kung gugustuhin ko.

Sa pagpunta ko rito ang paggawa ko ng panibagong buhay at ang pag-iwan ko sa nakaraang problema.

Huminga ako ng malalim bago ko tiningnan mula sa peripheral eye view si Kairi na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Alaskwatro pero heto't gising pa rin ang diwa ko. Kahit alam kong marami pa 'kong kailangang gawin sa SSG, hindi pa rin ako natutulog.

Hinawakan ko ang noo ni Kairi na tinanggal din. Wala na siyang sinat. Tumagilid siya ng higa paharap sa akin 'tapos humawak sa kamay ko. "Kyrie..." Paanas na pagtawag niya sa pangalan ko at muling lumapit sa mukha ko na kakaunti na lang ay mahahalikan na niya ako.

Mabilis akong umurong at tumayo. Paano ako makakatulog niyan?!

Kinuha ni Kairi 'yung unan na ibinato niya sa 'kin 'tapos higpit iyon niyakap. "Mmh... Kyrie." Ungol niya na nagpataas sa dugo ko.
Sinampal ko ang sarili kong mukha 'tapos pumunta na nga lang sa kusina para kumuha ng panibagong tubig. 

***** 

(A/N: Try kong makapag update ulit later kung hindi ako pagod pagkauwi. Haha! Thank you for reading the story!) 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now