Episode 11

794 58 4
                                    

Episode 11 

KYRIE

Tahimik ang lahat. Tunog ng makina lamang ang maririnig gayun din ang hilik at paghinga ng mga kaklase ko. Nakaalis na kami sa St. Matthew at sa ngayon ay bumibiyahe na kami sa lugar kung saan gaganapin ang school outing. Maaga-aga rin yata ang gising ng mga kaklase ko kaya ang ilan sa kanila ay mga bagsak kaagad.

Wala akong katabi ngayon dito sa bus which is a good thing dahil mailalagay ko 'yong dapat kong ilagay na gamit. Kung matutulog naman ako, hindi na ako mahihirapan dahil pwede naman akong humiga. Kaso pa'no naman ang pwesto ko? Eh, ang haba haba ng hita ko?

Kasalukuyan akong nagtititingin ng kung anu-ano sa Facebook nang mapatingin ako sa labas ng bintana. Nakikita ko na 'yong papaakyat na araw, ang ganda pa ng tanawin kaya nagpasya akong video-han ito nang kaunti.
Mga ilang minuto pa noong may magsalita dahilan para sa kanya ko itutok ang cellphone ko.

Pinindot ko na ang stop button at ibinaba ang phone. Inangat ko 'yung tingin sa babaeng 'yon. "Kairi?" Taka kong tawag sa pangalan n'ya.

Tiningnan niya ang bakanteng upuan sa tabi ko. "Pwede ba ako diyan?" Tukoy niya sa tabi ko kaya napatingin ako ro'n.

'Di ko gets. Hindi ba't hindi n'ya 'ko pinapansin? Bakit nandito nanaman s'ya?

Ibinalik ko ulit 'yong tingin kay Kairi at kahit medyo nag-aalanganin ako ay tinanguan ko siya bilang pagpayag kaya pinasalamat-an niya ako't pumasok na sa loob. Umusog ako para roon siya umupo sa tabi ng bintana. "Yeah, mas kumportable ako rito." Ngiti n'yang kumento na 'di ko inimikan at tiningnan lang 'yong pwesto niya kanina na nasa likuran ko lang.

"Paano 'yong katabi mo?" Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa kaklase niyang nakahiga na roon sa pwesto nila't nag I-sleep talking. Sa'n kaya 'to napagod?

"It's fine. Tatabi na lang ako sa kanya mamaya." Sagot niya saka ko naramdaman ang kakaiba niyang pag ngiti. "Ayaw mo ba 'kong katabi?" Tanong pa n'ya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko. "Ngh. Wala akong sinasabi" Simpleng sagot ko. Either tatabi s'ya o hindi, it doesn't matter.
Pero ilang araw n'ya akong hindi kinausap, siyempre hindi ko rin alam kung ano 'yung tamang reaksiyon na ibibigay ko sa kanya.

Ibinaba ni Kairi ang ulo n'ya nang hindi inaalis ang tingin at ngiti sa 'kin. "Pero 'di mo ba tatanungin sa 'kin kung ba't hindi kita iniimikan ng ilang araw?"

Bumaling ako at tiningnan lang din s'ya mula sa peripheral eye view. "I won't ask if you don't want to tell me."

Luminya na ng ngisi ang labi n'ya kaya ako nanaman itong napalingon sa gawi n'ya. Tumaas din ang kaliwa kong kilay. "Ba't ka ngumingisi-- Ngh!" Bigla n'yang hinawakan 'yung kamay ko.

Isabay mo pa ang paglapit ng mukha n'ya sa akin.
Namilog ang mata ko't mabilis na luminga-linga bago ko itulak ang mukha n'ya palayo sa 'kin. "Huwag mo ngang gawin 'yan!" Pabulong kong sabi, hindi namalayan na namumula na pala ako.

Kumurap-kurap s'ya at mas nginisihan pa ako kaysa kanina. "Nakakatuwa ka talaga. Umaarte ka ng ganyan pero alam mo naman sa sarili mong curious ka rin sa 'kin." Natahimik ako dahil sa sinabi n'ya samantalang napahawak siya sa kanyang labi. "Akala ko ikaw 'yung tipong babae na walang pakielam sa paligid n'ya." Ipinikit n'ya iyong isa n'yang mata. "Nacu-cute-an ako sa 'yo, Kyrie."

Mas umakyat 'yung dugo sa mukha ko  kaya inilayo ko na nga lang 'yung tingin.

Dammit, Kyrie.
Ilang araw ka n'yan hindi kinausap nakakalimutan mo?

Matapos no'n, hindi na n'ya sinabi sa 'kin 'yung dahilan kung bakit hindi n'ya ako kinausap.

Okay lang naman, eh.
May alam ako nang kaunti tungkol sa kanya pero hindi ibig sabihin, kailangan ko ring alamin ng buo.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now