Epilogue [ Part 3/3 ]

2.3K 67 5
                                    

Hello. Back to regular updates na ulit tayo. :)

Epilogue [ Part 3/3 ]

"Kinakabahan ka?" natatawang tanong ni Drew sa akin. Umirap ako kaya lalo siyang natawa.

"Huwag kang mag-alala. Hindi 'yon tatakas sa'yo," natatawa pa rin niyang sabi.

Everyone got busy since the day I proposed to her that night dahil kinabukasan no'n ay inanunsyo agad namin sa lahat na ikakasal na kaming dalawa.

I didn't want to waste time kaya inihanda ko na lahat ng kakailanganin sa kasal. Reene wanted it to be simple wedding because she's not fan of grand wedding but Mommy want it to be like that kaya wala na kaming nagawa.

Kahit sila Tita Keila at si Tito Miguel ay tumulong din sa preparasyon ng kasal. Lalong-lalo na si Auntie Matilda at Tita Ruby. Ilang buwan din kaming naging abala ni Reene. Halos hindi na kami nakakapag-usap dahil sa dami ng ginagawa. Umalis na siya sa pagiging secretary dahil gusto niya tulungan sila Tita Keila sa pagpapatakbo ng negosyo.

Nag-aral ulit siya sa kursong Business Management para mas maging bihasa sa pagpapatakbo ng negosyo. Kaya rin nadelay ng ilang buwan iyong preparasyon para sa kasal ay dahil nangako ako na tatapusin niya muna ang pag-aaral niya bago siya makasal sa akin. Luckily, it was a short course. She doesn't need to take minor subjects anymore because she already has a degree. I also didn't want her to go in school because she might meet a new guy there. Knowing her gullible side, hindi niya mahahalata na maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya.

I'm not possessive okay?

I'm just protecting what's mine.

Tumunog ang dambana. Ang mga tao ay nagpunta na sa kani-kanilang pwesto habang ako ay napatayo na ng tuwid. Senyas iyon na nandyan na si Reene.

I didn't see her for a week. Mom strictly told me that I can't see her dahil pamahiin iyon sa kasal. Hindi ko nga alam na naniniwala pala sila roon. Wala akong nagawa kundi ang maghintay at tawagan siya. But Mom disagree again. She told me that I can't call her dahil mapupuyat ito. She has to rest. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.

My parents know that I didn't have any long patience. Ang sabi pa nga nila, baka nga raw hindi na ako makapagpigil sa tagal ng isang linggo na hindi ko siya makikita. It's true though. I can feel my patience getting shorter each day. Luckily, nagawa kong magpigil na hindi siya makita at tawagan.

Dahan-dahan bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng matagal ko ng gusto makasama habang buhay. Her chosen lace gown makes her more beautiful. Kahit natatakpan pa ang kanyang mukha ng belo ay kitang-kita ko pa rin ang kanyang labi na nakangiti at ang matang nakatitig sa akin.

Mabagal siyang naglakad patungo sa akin. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na balikan ang mga nangyari bago mangyari ang lahat ng ito.

Nagalit ako sa kanya nang malaman ko na nangialam siya sa imbestigasyon tungkol sa aksidente noong nasaksak ako. I was worried that Chua might attack her after what she did. Alam ko na si Chua ang may pasimuno ng lahat kaya sobra ang pag-iingat na ginawa ko. I even called Alaric's help for this to protect her tapos malalaman ko na may mga alam na pala siya na hindi na niya dapat malaman.

"Nangialam ka sa imbestigasyon?" mariing tanong ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Alam niya na balewala kung itatanggi pa niya dahil hawak ko ang cellphone niya na naglalaman ng conversation noong private investigator na kinuha niya. Hindi ko mapigilan mainis. Hindi ba niya alam na sobra na nga ako mag-alala?

"G-Gusto ko lang naman makatulong," nanginginig na sabi niya.

"At sa tingin mo, nakatulong ka? Pinalala mo lamang ang sitwasyon!" malakas na sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang pagsigaw dahil nakaramdam na agad ako ng takot. Hindi para sa akin kundi para sa kanya. Tiyak na mababaliw ako kapag napahamak siya.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now