Chapter 42

1.5K 44 6
                                    

Chapter 42

ANG GABING 'YON AY NAGING MAHABA DAHIL KASAMA KO SI WAVE SA LOOB NG UNIT. Hindi ko akalain na magiging mahaba ang gabing 'yon dahil nasanay ako na mabilis lang ang oras sa tuwing kasama ko siya.

Namoroblema pa ako dahil balak niya pala manatili rito hanggang bukas ng hapon. Weekend naman daw kasi at wala rin siyang gagawin sa bahay. Ang sabi ko naman ay maglilinis ako kaya kinakailangan niya umuwi dahil hindi naman siya sanay makasinghot nang alikabok pero hind ito nagpatinag at ipinagpilitan ang gusto na manatili rito kasama ako.

Maaga rin akong nagising dahil hindi madaling makatulog lalo na at pagbukas ko nang pinto galing kwarto ay tanaw ko na agad si Wave na nakahiga sa sofa. Talagang ipinagpilitan niya ang sarili niya roon sa maliit na sofa kahit hindi siya kasya.

"Ang aga mo naman nagising." sabi ko nang makita ko siya na nakaupo at wala na sa pagkakahiga habang naniningkit ang mga singkit na mata. Kakatapos ko lang magluto nang umagahan. Sure naman ako na kumakain siya ng hotdog at itlog sa umaga dahil hindi ko talaga kaya magluto nang cordon bleu na paborito niya.

Tumayo ito at pumunta saglit sa CR para maghilamos nang mukha. Paglabas niya ay agad na rin kaming kumain at naglinis pagkatapos kumain ng agahan. Buong akala ko nga ay wala siyang maitutulong sa akin dahil wala naman talagang alam sa gawaing bahay si Wave kaya ganoon na lang ang tuwa ko nang siya ang nagpunas ng mga bagay na hirap akong abutin.

Sa tuwing may pinupunasan ako katulad ng mga maalikabok na cabinet at hindi ko iyon maabot, pupunta siya sa likuran ko at aagawin sa akin ang basang basahan at saka magpupunas. Ang ending nasa harap niya lang ako habang siya ay abala sa ginagawa. Wala na naman tigil sa kakatibok ng mabilis ang puso ko dahil ganito siya kalapit sa akin.

"Reene?" tawag niya gamit ang baritonong boses. Napalingon tuloy ako sa kanya pero maling-mali ang ginawa kong paglingon dahil isang maling galaw lang ay lalapat na ang labi ko sa labi niya.

Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya lalo nang bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"B-Bakit?"

Lumayo siya nang kaonti sa akin at pagkatapos ay pinahawak sa akin iyong basang pinangpunas niya sa mga cabinet.

"Magwawalis na ako," paalam niya bago siya nagpunta sa cabinet sa tabi nang CR para kunin iyong walis. Naiwan naman akong nakatulala at pilit na ipinapasok sa aking utak ang nangyari kanina. Pinilig ko ang aking ulo at bahagyang sinampal ang pisngi para mahimasmasan.

Nang mahimasmasan ay kinuha ko na lang iyong mga labada at inilagay sa palanggana sa CR. Sira na kasi ang washing machine na ginagamit ko noong nasa apartment pa ako kaya kinakailangan ko na ulit bumili ng bago. Ang kaso nga lang ay hindi pa ako nakakabili hanggang ngayon kaya brush at di-kusot ang kailangan ko gawin.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Wave sa harapan ko at tila nakakunot ang noo sa ginagawa kong pagtapak sa mga labahin ko sa loob ng palanggana. Madalas ko ito gawin noong nasa Santa Elena pa ako noong bata pa dahil ito ang turo sa amin noong mga madre kung paano maglaba ng mga kubre kama na hindi madala sa kusot.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay magwawalis ka?"

"Tapos na."

"Doon ka na. Magbabasa ka lang dito."

Madalas ang pagiging matigas ng ulo ni Wave ngayon dahil imbes na sundin ang sinasabi ko ay nakisali siya sa ginagawa kong pagtapak sa kubre kama na nasa loob ng palanggana. Buti sana kung ang laki-laki ng palanggana eh hindi naman. Ang liit lang kaya sobrang liit lang din nang distansya namin dalawa.

I had to looked down dahil pakiramdam ko mamatay ako nang wala sa oras kapag nagkatitigan na naman kami. Nakakainis nga dahil kung dati ay puso ko lang iyong nagma-malfunction, ngayon mukhang kasama na pati utak.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now