Chapter 15

2K 66 3
                                    

Chapter 15

"DALI NA KASI WAVE, SUMALI KA NA," nagmamakaawang pilit ko sa kanya. Pero nanatili lamang itong nakasimangot habang nakatitig sa akin at hindi nagsasalita. Ayaw niya talaga magpapigil sa pag-ayaw ng ginawa ko. Ayaw niya rin umatend ng party. Sabi ko kasi, okay lang na hindi na siya sumayaw basta umattend siya ng anniversary pero ang loko, isang No ang isinagot sa akin! Sumasakit tuloy ang bangs ko sa kanya.

"Bakit ba kasi ayaw mo umatend?" naiinis na tanong ko sa kanya. At dahil siya ang nag-iisang anak ng Cortez ay muli lang ako nitong inirapan bago ibinalik ang tingin sa kung saan. Kasalukuyang magkaharap kami ngayong dalawa sa magkabilang upuan. Talagang hinila ko siya mula roon sa swivel chair niya papunta sa sofa bago siya kumbinsihin at sabihin na seryoso nga talaga ako sa pagsali sa event kasama siya. Pero kahit ano atang pilit ko o idaan pa sa santong paspasan ay talagang 'No' ang sagot niya sa akin.

"Sige na nga, papayag na lang ako sa alok ni Sir Luke na siya na lang ang partner ko." nanghihinang wika ko sa kanya. Kinausap ako ni Sir Luke kanina na kung aayaw si Sir Wave, siya na lang ang partner ko dahil wala pa siyang partner, wala naman kasi syang jowa pero gusto niya talaga ang trip to Fladale na prize. Three days and two nights' din kasi yon.

"Bakit mo ba ako pinipilit?"

"Eh kasi nga, worth it naman ang prize. May libreng trip to Fladale saka donate ng fifty thousand pesos worth of cash to the chosen charity no," giit ko. Balak ko kasi mapalunan talaga ang pera at ihulog sa Santa Elena Orphanage kung saan kami inampon ng kapatid ko. Matagal-tagal na kasi nang huli akong makadalaw doon. Bata pa ako nang huli kong makita sila Sister Mary at Sister Joan. Ang isa pang dahilan ay dahil sa utang loob ko sa kanila ang buhay ko kung nasaan ako ngayon.

"I'm rich, Reene," seryosong saad niya. Naningkit naman ang mata ko. Gets ko naman na mayaman siya. Alam ko rin na kayang-kaya niya higitan ang idodonate para sa Santa Elena kung magsasabi ako sa kanya kaso mas maganda sa pakiramdam na mag-donate kapag pinaghirapan di'ba?

"Eh kasi nga, mas maganda 'yon saka mas maganda sa pakiramdam dahil pinaghirapan mo naman na mapalunan 'yon kesa sa bigay lang, kaya please pumayag ka na." pagmamakaawa ko. Nag-puppy eyes pa ako sa kanya, lahat na rin ata ng santo ay nagawa ko na rin tawagin, pumayag lang siya pero wala akong narinig.

Tinapunan niya lang ako ng tingin bago inilipat muli ang tingin sa kanyang laptop. "Fine. Si Sir Luke na lang kakausapin ko tutal gusto niya rin naman ako maging kapartner," pagsuko ko at saka tumayo.

Iniwan ko na ang papel sa kanya na kailangan niyang basahin, bago tuluyang naglakad papunta sa pinto nang marinig ko ang sagot niya na ikinatigil ko.

"Fine," mahinang sabi niya.

Nanlalaki ang mata kong lumingon sa kanya at lumapit. Tinignan ko siya ng maigi para lang makasigurado na tama nga ang narinig ko at noong makumpirma ko na pumapayag nga siya dahil sa pagtango niya ng tatlong beses ay ganoon na lang katamis ang ngiti ko sa kanya. Nakuha ko pa siyang yakapin ng mahigpit dahil doon. Inilayo naman niya agad ang sarili sa akin nang nakasimangot habang nakatingin sa akin kaya natawa ako.

Aabutin ko na sana ang mukha niya para mawala ulit ang kunot noo niya nang iiwas niya ang mukha nito sa akin. Yinakap ko ulit siya hanggang sa itinaboy na niya ako.

"Umalis ka na, pumayag na ako," masungit na turan niya.

"Sabi na talaga, hindi mo rin ako matitiis eh! Lab na lab mo talaga ako no?" tuwang-tuwa na sabi ko sa kanya. Saglit naman siyang napatigil bago tumingin sa mukha ko at saka umiwas nang tingin.

May gusto sana ako tanungin sa kanya pero mas pinili ko na lang na manahimik. Masaya akong naglakad patungo sa pinto ng kanyang opisina. Saglit ko siyang nilingon bago hawakan ang door knob. Nakatutok na naman siya sa kanyang ginagawa.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now