Chapter 37

1.5K 50 2
                                    

Chapter 37

"C-CR MUNA AKO AH! Sayo muna itong cellphone ko. " Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Wave at kumaripas na ng takbo pagkaabot ko ng aking cellphone sa kanya.

Pagkarating ko sa CR ay impit akong napatili at tumalon-talon dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Para akong naging bulate na binuhusan ng napakaraming asin kaya hindi mapakali. Paulit-ulit kong nireplay sa utak ko ang sinabi ni Wave sa akin na espesyal daw ako habang walang humpay ang pagkabog ng dibdib.

Muli kong pinagmasdan ang kwintas na aking suot sa malaking salamin dito sa loob ng CR. Ang aking ngiti ay tila abot hanggang langit dahil hindi mawala-wala sa tuwing maaalala ko kung paano sinabi ni Wave iyong mga salita na nagpakilig sa akin ngayon.

Noong kumalma na ako ay mabilis kong inayos ang aking buhok at nagpaganda bago bumalik kung saan ko iniwan si Wave.

Mula sa malayo ay kita ko na siyang nakatayo at naghihintay sa akin. Hindi muna ako lumapit sa kanya at piniling pagmasdan siya mula sa aking pwesto. Pansin ko ang mga babaeng hindi mapigilan ang pag-tingin sa kanya. May mga pailan-ilan pang babae ang lumapit sa kanya para lang magpakuha ng letrato. Kunot-noo niya silang tinignan pero sa huli ay nagpakuha rin. He must be really annoyed pero pinigilan niya lang.

Paanong hindi magpapapicture ang mga babaeng 'yon sa kanya? Eh kahit simpleng navy blue na basic jumper at black jeans na ang suot niya na tinapatan ng skater sneaks na itim ay talagang nakakaagaw pa rin siya ng pansin. Kahit nga siguro butas-butas ang damit niya ay hindi siya mapapagkamalang pulubi.

It was like he was born for attention.

Nagpipigil akong ngumiti habang papalapit sa kanya.

Nakatalikod siya sa akin nang puntahan ko siya kaya hindi niya agad ako nakita. Buong akala ko ay magiging maayos ang lahat pero sa sandaling tawagin ko si Wave ay isang galit na galit na Wave ang humarap sa akin.

Ang kilig na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho na parang bula at napalitan ng takot at mga tanong sa aking utak. Nakaigting ang kanyang panga habang matalim ang mga matang nakatitig sa akin.

"B-Bakit...?"

"Nangialam ka sa imbestigasyon?" mariing tanong niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Walang silbi kung itatanggi ko pa. Hawak niya ang telepono kong naglalaman ng pag-uusap namin sa pribadong imbestigador na pinakiusapan kong tulungan ako. At isa pa, lalo lang siya magagalit kung magsisinungaling ako.

"G-Gusto ko lang naman makatulong," nanginginig na sabi ko. Iyon naman talaga ang totoo. Gusto ko lang makatulong kaya palihim akong nag-imbestiga. Wala akong balak na ipaalam iyon sa kanya hanggang sa malutas ang kaso.

"At sa tingin mo, nakatulong ka? Pinalala mo lamang ang sitwasyon!" malakas na sigaw niya na nagpapikit sa akin.

"Nalaman nila na importante ka sa akin kaya ikaw ang gusto nilang saktan! Ginagawa ko lahat para protektahan ka! Pero sa ginawa mo, nilagay mo na naman muli ang sarili mo sa kapahamakan!"

Napaigtad ako sa sigaw niya. Namumuo ang luha kong yumuko na agad ko rin ibinalik sa kanya ang pagkakatitig.

"G-Gusto ko lang naman makatulong. Sobra kang nahirapan noong malaman mo na may magnanakaw ng pera sa kumpanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli! Nanganganib ka sa mga boards. Paano na lang kung paalisin ka sa puwesto mo? Hindi lang naman ako basta sekretarya mo lang Wave. I'm your best friend too."

"Don't you still get it? Wala akong pakialam kung hindi ka nakatulong. Wala rin akong pakialam kung matanggal ako sa pwesto mo! I just wanted you to be safe Kareene!"

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon