Chapter 57

1.2K 43 5
                                    

Chapter 57

"Tanya, siya ang magiging bago mong daddy." Iyon ang unang sinabi ng ina ni Tanya pagkatungtong niya ng high school. Hindi lingid sa kaalaman niya na hiwalay na sila ng totoo niyang papa at ngayon ay nakapag-asawa na ito ng bago. Iyong mayaman.

Hindi naman talaga sila mayaman. Sinwerte lang sila dahil may nagmahal sa mama niya ng mayamang business man. Ang Almonte. Kilala ang pamilya nila sa business ng Hotel and Resort dahil kulang ang mga daliri sa pagbibilang ng hotel and resort na pagmamay-ari nila mismo.

"Hindi ka ba masaya anak?" Her happiness matter to her mother the most. Sabi ng mama niya ay hindi ito magiging masaya kung hindi siya masaya dahil lahat ng ginagawa naman niya ay para sa kanya. Lumaki si Tanya na hindi niya nakukuha ang mga bagay na gusto niya, madalas pa siyang nabubully noon dahil wala siyang kinalakihang papa at mahirap sila... Nangako siya sa sarili niya na mag-aasawa siya ng mayaman para makaalis sa hirap. Iyon ang ginamit niyang inspirasyon para makaalis sa kahirapan dahil naniniwala siyang walang bagay na hindi nakukuha ng pera. At ngayong nakapag-asawa na ang mama niya ng mayaman at kilala pa sa larangan ng negosyo ay paniguradong magbabago na ang takbo ng buhay nila kahit hindi na siya mag-asawa ng mayaman dahil mayaman naman na sila

"Masaya ako mama."

Nagpakasal ang magulang niya. Naging legal siyang anak ni Juanito Almonte. At itinago ang totoong pagkatao nito upang walang makakaalam na laki sila sa hirap bago yumaman.

Simula nang yumaman sila, walang bagay na nakukuha si Tanya. Naging makasarili siya sa mga bagay na nakukuha niya. Isang pitik niya lang ay nasa harap na niya kaagad ang gusto niya, hindi katulad noong mahirap pa sila, kinakailangan niya mag-ipon ng ilang taon upang makuha ang gusto.

Akala ni Tanya, kapag naging mayaman na sila, wala na siyang bagay na hindi pa niya nakukuha dahil wala namang bagay na hindi nabibili ng pera pero meron pa pala at iyon ang pagmamahal at mga kaibigan. Wala siyang naging totoong kaibigan sa buong ilang taon siyang nag-aral sa high school at kolehiyo. Iyong iba ay ginagamit lang siya dahil mayaman siya pero paniguradong kapag nalaman nila ang totoong pagkatao niya ay siguradong pandidirihan siya dahil hindi naman talaga siya ipinanganak na mayaman. Iyong iba naman, tinitira siya galing patalikod. Napapailing na lang talaga siya dahil mukhang kahit ilang beses siya makipagkaibigan ay walang tatanggap sa kanya.

But she's wrong.

There's a person who already accepted her for who she was. At si Wave iyon. Pareho silang nag-aaral sa Business Management na kurso sa Metropolis University. Sinabi niya lahat ng nakaraan niya dahil ayaw niya magtago ng kahit na ano sa malapit na kaibigan.

"Tanggap kita kahit ano ka pa." Hindi niya makakalimutan ang mga salitang binitawan nito. Nakatingin siya ng diretso sa mata ng binata, punong-puno iyon ng emosyon at hindi mapapagkailang nangingibabaw doon ang sinseridad nito na totoo ang sinasabi niya. Na tanggap siya nito kahit ano pa siya. Inangat niya ang tingin sa kulay asul na kalangitan upang hindi tumulo ang mga luha na kanina pa niyang pinipigilan. Doon niya narealize na mahal na niya si Wave. Ilang buwan din nanligaw si Wave sa kanya.

"Nangliligaw ka ba?"

"I'm already courting you for almost 8 months, Tanya." Hindi niya maiwasan na pamulahan. Nakilala niya si Wave na napakastraight forward at hindi nagpapaligoy-ligoy. May pagkasuplado rin ito but he has a soft side at iyon ang pinakanagustuhan niya. Hindi siya kailanman namili o nanghusga ng taong papakisamahan. Marunong siya tumingin ng pagkakaiba ng bawat tao sa mabuting paraan, kaya hindi rin mapapagkaila na maraming babae ang nagkakacrush sa kanya at nagkakagusto rito. Nagkaroon na nga siya ng mga bashers dahil sa pagiging malapit nila ng binata.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now