Chapter 64

1.3K 51 9
                                    

At last.

Chapter 64

"Paano mo nalaman na si Mr. Chua ang may pakana ng lahat?" kuryosong tanong ko sa kanya. Ngayong iniimbestigahan na ng mga pulis si Mr. Chua ay siguradong matatahimik na kami. Pagkatapos maaresto nito kanina ay doon lang nagbigay ng salita si Wave at si Silver sa media. Maraming tanong ang mga reporters sa kanila pero iilan lang ang sinagot ng mga ito.

"I already suspect him since Dianne got arrested." Nakaupo na siya ngayon sa kanyang swivel chair habang nakahalumbaba at nakatingin sa akin. Ngayong malinaw na ang lahat ay siguro naman, wala ng kukwestyon sa kanya at sa kumpanya.

Si Dianne? Anong kinalaman ni Dianne kay Mr. Chua?

"Anong kinalaman niya roon?"

"Let's say that Dianne is one of his pawn. Mas nahuli siya ng maaga kaya nasira ang plano niya. Later on, he decided to take a move." Umigting ang panga niya sa huling sinabi. His face became dark na bigla rin nawala ng
tumingin ito sa akin.

"He decided to put you on danger because he knows how important you are in my life, Kareene." Hindi ko alam kung saan ba kumabog ang puso ko, kung doon sa salitang important o sa katotohanang nakatingin siya sa mata ko ng diretso. Agad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay nababasa niya ang nasa utak ko. Napabalik lamang ang tingin ko sa kanya noong sandali itong tumayo at naglakad papunta sa akin.

"At para hindi mahalata, he put Dianne on his front line para lahat ng
makukuhang ebidensya ay sa kanya maituturo. He also used her to be a scape goat." Ngayon ay naiintindihan ko na. Ginamit ni Mr. Chua si Dianne para maging scape goat at para hindi na siya kaagad ang mapagbintangan. It was a smart move. Kung matuturo kay Dianne ang mga ginawa niya, makakahinga na siya ng maluwag pero sa tingin ko ay sa pagkidnap niya sa akin noong isang beses sa abandonadong siya nagkamali.

"I investigate deeper kaya nalaman ko na konektado si Dianne kay Mr. Chua. When she got arrested, kinausap ko siya. Noong una ayaw niya magsalita but something pushed her to talk and tell the truth about her boss. I made a promise that she will be protected once she told me the truth."

"I was expecting that he'll make another move and I was right. He made his move when you propose the Toy Factory proposal. Balak niya na guluhin ang proposal na 'yon at kwestyunin ang pamamahala ko. Sa ganoong paraan, may chance na tumalikod ang board members sa akin but Sylvestre made it
possible. And then you know what happened next."

"K-Kung ganoon, simula pa lang pala ay siya na ang gumagawa ng lahat. Pero bakit? Bakit sobra naman ata ang galit niya sa'yo?"

Umiling siya. "I don't have any idea yet, pinapaimbestigahan ko pa rin."

"By the way, kamusta si Kiel? Hindi mo ba siya dadalawin?" Kakatawag lang sa akin ni mommy kanina para sabihin na susunduin na si Kiel ng magulang niya. Napagkasunduan na every weekend sa amin si Kiel tutuloy at weekdays naman sa kanila. Hindi siya pwede magtransfer ng school dahil nasa kalagitnaan na sila ng school year kaya tatapusin na lang ni Kiel iyon bago siya magtransfer sa bagong school na choice mismo ng magulang niya.

As much as I want to be there para ihatid si Kiel ay hindi ko naman pupwede iwanan ang trabaho ko rito kaya kinausap ko na lang ito sa telepono at hinabilinan ng mga importanteng bagay. Iniwasan ko umiyak dahil alam kong isa ito sa pinakamalungkot na parte ng buhay ko.

"Dadalawin ko siya sa susunod na linggo. Ayokong maging mahirap iyon sa kanya dahil mahaba-habang adjustment ang kailangan niyang gawin."

Pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon ay dumeretso naman ako sa pantry para ipagtimpla siya ng kape. I also prepared him snacks dahil alam kong gutom na siya kanina pa. Gusto ko siya yayain na kumain ng lunch kung hindi ko lang nakita ang mga papeles na nakatambak sa lamesa niya.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now