Chapter 39

1.3K 37 1
                                    

Chapter 39

MABILIS NA INAYOS NI SIR SILVER ANG NASIRANG GRIPO SA CR. Buti na lang, hindi lumubog ang mga gamit ko dahil sa pag-tagas ng tubig. Ang bilis pa naman noong tubig!

I handed him a towel kasi literal na basa na siya though may damit na siyang suot ngayon kesa sa kanina. Ayaw niya nga magsuot ng pang-itaas noong una pero pinilit ko siya dahil naaabalibadbaran ako. Takot din ako na baka ako pa ang dahilan kung bakit siya magkakaroon ng pulmonia.

"You should thank me for this one, Ms. Secretary," sabi niya na dahilan na aking pag-irap. Isang mahinang halakhak naman ang isinagot niya sa akin.

Pero oo nga naman, dapat ay pasalamatan ko siya sa pag-tulong sa akin. Hindi ko nga alam na marunong siya mag-ayos ng ganitong mga bagay dahil nagpapatakbo siya ng malaking kumpanya. Who would have thought that he could fix something like this?

"What do you want then?"

Itinuro niya iyong ref ko bago umupo sa sofa at tuluyang hinubad ang nabasang t-shirt para isampay sa terrace. Wala na akong nagawa kundi hagisan siya ng panibagong t-shirt ko na palagi kong isinusuot kapag nasa bahay lang ako.

Madali niyang isinuot 'yon. I even saw the holy cross on his abdomen part. Mabilis rin akong umiwas nang tingin ng maramdaman ko na titingin na siya sa akin.

Dali-dali naman akong pumunta sa kusina at kinuha ang kawali para simulant ang pagluluto.

"So, dito ka na nakatira?" he asked while I'm busy preparing our food. Nakaupo siya sa upuan sa lamesa habang nakatingin sa akin.

"Yes." Kahit ata hindi ako magkuwento sa kanya ay may ideya na siya kung ano ang nangyari sa akin. Usap-usapan sa news ang aksidenteng nangyari kay Wave. Maging ang pagkawala ng malaking pera ay hindi naitago sa media. Lalo pang lumala ng may isang reporter ang nakakita kay Tanya sa pagbisita kay Wave sa ospital. At isa pa, isa na rin siyang major investor sa CE kaya hindi na nakakapagtakang alam na niya ang mga nangyayari. Sigurado naman akong naibabalita iyon sa kanya ni Sir Caius. Ang secretary niya.

I wonder what is his reaction about the issue regarding Tanya visiting her ex? Dahil kung ako iyon ay baka inunahan ko na itong makipaghiwalay. Isang malaking dagok sa mga lalaki kapag ang girlfriend nila ay nagawang makipagkita sa ex nila nang ilang beses. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang pinatagal pa ni Sir Silver bago sila naghiwalay.

"So I have a new neighbor," natutuwang wika niya.

Wala sa sariling tumango ako sa kanyang sinabi at sandaling napaisip kung sasabihin ko ba kay Wave ang tungkol dito.

Umiling ako. Hindi ko na lang sasabihin sa kanya ang tungkol dito dahil hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan ko sabihin sa kanya ang bawat detalye na nangyayari sa buhay ko. Okay na siguro itong kahit paano ay may hindi siya alam at para na rin may boundary sa amin dalawa.

"Dito ka talaga nakatira?" I asked. Wala akong alam sa kanya bukod sa siya ang President ng Del Marcel at sa mga magazines na nababasa ko tungkol sa kanya. At ayoko na rin naman magtanong ng tungkol sa kanila ni Tanya dahil sapat na sa akin ang mga nalaman ko ngayong araw na hiwalay na sila.

Tumango siya sa akin. Kinuha niya iyong baso sa lamesa at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig.

Kung makikita siya ngayon nang ibang tao ay pagkakamalan siyang hindi isang presidente ng mamahalin at kilalang kumpanya dahil sa suot nitong tee-shirt at pants. Idagdag pa ang katotohanang teeshirt ko ang suot niya. Isa pang napansin ko ay ang kaibahan ng ekspresyon nila ni Wave kapag nasa opisina na sila. Si Wave kasi iyong tipo ng boss na sineseryoso lahat ang nangyayari sa kumpanya, samantalang si Sir Silver ay siya ata iyong tipo ng boss na hindi masyadong nagseseryoso. He has time to chill habang si Wave ay wala.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ