Chapter 20

1.9K 57 0
                                    

Chapter 20

"AATEND KA NG KASAL KO HA?" sabi ni Drew sa kanya. Nagpunta kasi ito sa kanyang opisina para lang ibigay ang imbitasyon para sa kasal na mangyayari sa susunod na linggo. Ikakasal na kasi itong si Drew at imbitado siya.

Pagkatapos ng prank na ginawa nila ni Drew ay kataka-takang naging maayos pa rin sila ni Stella. Dahil kung siya iyon ay hindi na niya babalikan si Drew matapos ang eksenang nangyari roon sa party. Hindi niya nga lubos maisip kung bakit siya pumayag sa prank na ginawa nito noon. At hindi niya rin alam kung para saan ba 'yon. Magpopropose lang siya, kailangan pa talaga iprank. Kung siya iyon ay diretsahan agad at walang paligoy-ligoy. Ayan tuloy, kumalat ang isyu na bading siya. Tss.

"Nasaan nga pala si Reene? I don't see her on her table," tanong nito habang palinga-linga.

Hindi siya umimik. Noong makalawa lang inilibing si Tito Manuel at inaasahan niya na hindi ito papasok ngayong araw upang magpahinga. Naiintindihan niya iyon kaya nga hindi na siya nagtanong pa kay Carla. Comforting someone will never be his forte. He never comforts anyone so he doesn't have any slightest idea on how he will comfort Reene at isa pa, hindi pa sila nagkakaayos. Paano mo icocomfort iyong tao kung magkagalit pa rin kayo? Kaya umisip siya ng paraan kung paano sasabihin kay Reene ang mga salita na gusto niya sabihin ng hindi deretsahan. At nang masabi niya ang mga salitang iyon, nakailang dasal ata siya para lang hilingin na sana kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ng kaibigan sa sinabi niya.

"She's not here. She needs to take a rest. Kakalibing lang ng Daddy niya noong nakaraan," seryosong saad niya rito. Gusto niya ito puntahan at kamustahin pero hindi siya makaalis sa opisina dahil sa tambak ng trabaho niya.

"What? Is she okay? Bakit hindi ko 'to alam?" Kumunot bahagya ang noo ni Wave sa pag-aalala ni Drew sa sekretarya niya.

"I'll treat her a comfort food tomorrow."

"Kailan pa kayo naging close ni Reene?" Umupo si Drew sa mahabang sofa at tumingin kay Wave habang naghihintay ito ng sagot mula sa kanya. Lihim tuloy na napatawa si Drew dahil sa mabilis na pagbabago ng reaksyon ng kaibigan.

"Hindi naman mahirap maging kaclose si Reene at mas lalong hindi siya mahirap magustuhan. Everyone likes her," maayos na paliwanag sa kanya ng kaibigan pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila lalong nainis siya dito lalo na nang malaman niya na malapit pala ang dalawa. Parang gusto niya na lang tuloy pauwiin si Drew at huwag ng hayaan na makatungtong pa sa office niya para hindi sila magkita ni Reene.

"Kamusta nga pala kayo ni Tanya?" pag-iiba ng topic ni Drew. Wala kasi ito noong Anniversary Party ng Cortez dahil nag-aasikaso ng kasal pero nalaman nito na dumating si Tanya kasama ang fiancée nito na si Silver.

"At saka seryoso ka ba talaga na gagawin mong partner iyong Silver na 'yon dito sa kumpanya? You might see him everyday," sunod-sunod na sabi nito sa kanya. One of the reason why he hates that man is because of the past that he had with Tanya. Sobrang linaw ng katotohanan na mas pinili sumama ni Tanya sa Silver na 'yon kesa sa kanya. Sa totoo lang, ayaw niya talaga na kuhain ang Del Marcel para sa kumpanya niya. But Del Marcel Technology Corporation is a big asset on his company. Kaya kahit ayaw niya makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon ay kinakailangan niya tiisin.

DMTC provides analytics so brands can scale their reach to new consumers on mobile, something CE lacked.

"Yes. I don't have any choice," seryosong sagot niya rito.

"So kamusta na nga kayo ni Tanya? She keeps on asking me about you," seryosong tanong nito sa kanya.

Hindi siya umimik. Hindi dahil wala siyang maisasagot kay Drew kundi dahil lumilipad na naman ang isip niya sa kung paano sila magkakabati ni Reene. Yes. He told her those comforting words to lift up her mood pero hindi kasama doon ang magkaayos sila. Sumasakit na ang ulo niya kung paano sila magkakabati. Halos nagsearch na rin siya sa internet pero walang lumalabas bukod sa mga suggestion kung paano magkaayos ang magkarelasyon. Unang-una, hindi naman sila totoong magkarelasyon para sundin niya ang mga lumalabas sa internet. Pangalawa, kung surprise naman, paano mo masusurprise nga 'yung taong galit sa'yo? It doesn't make sense.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now