Chapter 17

1.8K 57 3
                                    

Chapter 17

SIYA SI TANYA?

Tanya Louise Almonte?

Ang babaeng ex-girlfriend ni Wave na tinutukoy ng mga kaibigan ko?

Ibig sabihin? Fiancee ni Sir Silver ang dating karelasyon ni Wave na si Ms. Tanya?

Tinitigan ko siya pagkatapos ng mga nalaman ko. His face remains impassive. I didn't see any emotions on his face when the two of them stared at each other. Ms. Tanya, on the other hand, could see the sadness on her face. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman nito sa kanya. Manhid na lang siguro ang hindi pa makakaalam ng bagay na 'yon.

Nakakalungkot nga lang talaga isipin na wala ng gusto si Wave rito dahil may gusto na siyang iba at iyon ay walang iba kundi si Sir Silver pero syempre joke lang. Hindi naman ito ang tamang oras para i-ship ko pa si Wave sa jowa ng dating girlfriend niya kasi kitang-kita ko naman na peke ang reaksyon nito kay Tanya. Si Wave kasi ang tipo na hindi marunong magpapakatotoo sa nararamdaman. Naiintindihan ko kahit papaano dahil may mga tao talaga na hindi kayang gawin 'yon, pero hindi maitatanggi na mas masarap sa pakiramdam kapag alam mo na nagpapakatotoo ka lang at walang halong peke. Ang kaso nga lang, kahit gusto ko sabihin ang mga salitang ganoon kay Wave, alam ko na hindi ako pupwede mangialam dahil kahit na magkaibigan kami, may boundaries pa rin.

Nakakalungkot lang kasi mukhang mamatay na naman ang bagong ship ko dahil may babae pala etong si Sir Silver. Akala ko naman magkakatotoo na ang wish ko para kay Wave na magkaka-lovelife na siya.

"Nice to meet you, Ms. Almonte," seryosong sabi niya at saka inilahad pa ang kamay sa harap ni Ms. Tanya.

Tama rin ang hinala ko na magkukunwari ang isa sa kanila na hindi sila magkakilala. It was as if I was constantly watching a Korean drama because of what they were both doing. Kung ako nga ang tatanungin, wala naman akong nakikita na mali sa inaakto ni Wave ngayon kasi hindi naman maiaalis ang katotohanan na nasaktan siya noon. Mas mabuti na rin ang umakto na parang bago kayo magkakilala kesa alalahanin iyong mga nangyari sa nakaraan.

"N-Nice to meet you too." She looked so hurt pagkatapos niya tanggapin ang kamay ng boss ko at nakipagkamay na rito. Pagkatapos no'n ay mabilis na binitawan ni Wave ang kamay nito bago ibinalik ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi na nawala roon ang tingin ni Ms.Tanya, isang dahilan kung bakit medyo nailang ako ng kaonti. Idagdag mo pa si Sir Silver na parang walang pakialam sa reaksyon ng fiancée niya.

Hindi ba man lang niya tatanungin kung bakit ganoon na lang si Ms. Tanya kay Wave? Pero kung sabagay, problema na nilang magjowa 'yon kung ganoon. Bakit ko nga ba pinoproblema pa ang mga iisipin nila?

"Mauna na kami ng girlfriend ko. We're going to greet more visitors."

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti at magpadala sa paghatak ni Wave palayo sa kanila nang magsalita siya. Kung hindi lang din siguro sinabi sa akin ni Carla ang tungkol sa kanya ay baka wala rin akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon o kaya baka isipin ko na nagkaroon ito ng crush kay Wave at hindi pa rin ito makamove-on hanggang ngayon.

"G-Girlfriend?" mahinang tanong niya subalit malinaw naman sa pandinig namin lahat. Ilang segundo ang itinagal bago humarap si Wave sa kanya at ganoon din ako. Mas nauna akong lumingon kay Tanya kaya nakita ko kung paano ako nito tinignan bago tuluyang inilipat ang pagsulyap kay Wave. Muli niya akong inakbayan bago humarap sa kanya.

"Yup."

"Wave..." mahinang tawag nito sa kanya.

Kulang na lang kumunot na ang noo ko sa inaasal ni Ms. Tanya. Hindi ba niya alam na nasa tabi niya lang si Sir Silver? Bakit paulit-ulit niya tinatawag ang pangalan ng boss ko? Itulak ko kaya 'to sa hagdanan ng magtanda at mapaisip? Hindi sa nangingialam ako pero ang pangit lang tignan na pinapahalata niya kung ano ang nararamdaman niya kay Wave habang katabi niya lang si Sir Silver.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now