Chapter 22

1.8K 42 0
                                    

Chapter 22

NAGPASYA KAMI NI WAVE na hindi muna umuwi. Sinamantala na namin ang pagkakataon kaya naghanap kami ng hotel para doon magpalipas ng gabi at pumunta sa Santa Elena kinabukasan.

Nagtext agad ako kay mommy na kasama ko si Wave at pupunta kami ngayon sa bahay ampunan. Halos ilang taon na rin ang nakalipas simula nang huli kong makita ang itsura ng orphanage. Sigurado akong marami ng nagbago roon simula ng umalis kami.

Marami rin akong kalokohan noong nandito pa ako at madalas na napapagalitan ng madre. Sobrang sakit ko raw sa ulo. Marahil hindi na tanda iyon ni Kiel dahil napakabata pa nito noon.

Ito na ata ang unang pagkakataon na nakadalaw ako sa Santa Elena pagkatapos ng ilang taon.

Pagkababa namin ng sasakyan ay bumungad sa amin ang nagmistulang pinaglumaan na bahay ampunan. Mga puno na halos nandoon pa rin nang umalis ako. Ang bago lang ata ay iyong bagong tayo na gusali na halos mangitim na rin ang pintura dahil sa alikabok nito. Ang sira-sirang duyan nang umalis ako noon ay binago na rin at ginawan nang panibagong palaruan.

"Reene, ikaw na ba 'yan?" Lumapit sa amin ang isang madre. Kamuntikan ko na siyang hindi matandaan. Buti na lang ay tanda pa ng utak ko ang mga madreng nag-alaga sa akin dito.

"Opo, Sister Mary."

Ngumiti ako sa kanya at saka siya yinakap.

"Kamusta kayo nila Kiel?"

"Ayos naman po."

"Sino naman iyang kasama mo? Nobyo mo ba iyan?" mabagal akong umiling. Nang tignan naman niya si Wave ay mas mabilis pa sa alas-kwatro ito lumapit sa akin para akbayan ako.

"Ako po si Wave."

"At kaano..."

Ngumiti si Wave. Iyong ngiti na hindi ko inaasahan kaya kahit ako ay napaawang ang labi. "Boss po ni Kareene... and also her boyfriend," pagtutuloy niya. Nagkatinginan naman kami ni Sister Mary na para bang may mali sa sinagot ko dahil sa ginawa kong pag-iling kanina.

"Ay ganoon ba? Mabuti naman at napadalaw kayo rito. Ang tagal ko na rin nang huli tayong magkita, Reene," marahang wika niya sa akin.

"Oo nga po eh. Naging busy po sa trabaho."

Sumulyap ako kay Wave na ngayon ay hindi na nakatingin sa akin at nakatingin na lamang kung saan, tila pinagmamasdan ang buong lugar.

Bakit ang tahimik nito?

Ay oo nga pala. Ito nga rin pala ang unang beses na punta niya rito.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Manuel. Okay ka na ba hija?"

"Oo naman po Sister. Saka po magagalit si Daddy kapag naging malungkot lang ako lalo..."

"Sige hija, pasok muna kayo sa loob. Ipapakilala ko kayo sa mga bata."

Nauna na si Sister Mary sa paglalakad habang kami ay nakasunod lamang. Binati pa nga kami ng ibang madre lalo na iyong mga nakakatanda sa akin noon dahil nga matigas ang ulo ko at madalas na pasaway.

Si Sister Mary ang punong madre rito sa Santa Elena Orphanage. Kilala siya sa pagiging mahigpit at pagkakaroon ng disiplina lalo na sa mga bata.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Wave na kanina pa tahimik simula nang kausapin ako ni Sister Mary.

Tumango ito sa akin. Kinuha niya naman ang kamay ko at ipinagsalikop iyon. Naniningkit naman ang mata kong tumingin sa kanya. Nakita ko rin itong nagpipigil ng ngiti kaya noong mahalata niya na nahuli ko siya ay balik na naman ito sa pagiging poker face ang mukha.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now