Chapter 31

1.5K 51 4
                                    

Chapter 31

MINADALI KONG PAYPAYAN ang sarili habang unti-unting nagpapakalma dahil sa nangyari kanina. Hindi na talaga ako uulit sa pagpasok sa kwarto na 'yon! Pakiramdam ko magkakasakit ako sa puso ng wala sa oras! At kasalanan 'yon ng magaling at mapang-asar kong boss! God! Isumbong ko kaya siya kay tita?

"Reene? Ano ang nangyari sa'yo? Bakit ka namumula?" tarantang tanong ni tita sa akin nang makita niya akong nakasandal sa pinto nitong kwarto ni Wave.

Napatigil ako sa pagpaypay at saka tumingin kay tita bago ngumiti ng tipid. "W-Wala po tita. Okay lang po ako."

Ayokong sabihin kay tita ang nakita ko roon sa kwarto dahil alam ko na ang iispin niya sa akin! Na pinagnanasaan ko ang nag-iisa niyang anak at ayoko na humantong doon! Dahil unang-una, bakit ko naman pagnanasaan ang katawan ni Wave? Oo, alam ko na maganda ang pangangatawan niya at dulot 'yon ng pagpunta niya sa gym tuwing sabado at linggo pero hindi 'yon sapat na dahilan para pag-nasaan ko ang matipunong dibdib niya! Pangalawa, wala akong crush kay Wave! Hindi siya ang leading man na pinapangarap ko sa buhay kahit na maganda pa ang katawan niya at manipis ang labi niya! Kahit pa nakakaakit ang labi at maganda ang mata niya, hindi pa rin siya ang leading man ko!

"May ginawa ba ang anak ko sa'yo hija?"

Nanlaki ang mata ko at dali-dali naman akong umiling kay tita.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Wave sa akin bago ako lumabas ng kwarto. Kahit hindi ako humarap sa kanya ay alam kong nakangisi siya at nang-aasar. Kung hindi lang ako namumula kanina, baka isang kaltok ang makuha niya mula sa akin.

Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa si Wave na ngayon ay nakabihis na ng damit pambahay. Kunot-noo niya kaming tinignan ni tita bago magsalita.

"Mom, what are you doing infront of my door?"

"May ginawa ka ba kay Reene? Bakit siya namumula?"

Tumingin sa akin si Wave habang ako ay nagmadali naman na umiwas ng tingin sa kanya. Nakita ko naman ang pasimpleng pag-ngisi nito na ikinairap ko.

"Wala mommy."

Ha? Anong wala? Eh halos atakihin na ako sa puso sa ginawa mo kanina!

"Sigurado ka?" paninigurado niya. Tumango naman siya bago hinila ang kamay ko.

"Ihahatid ko na si Reene."

"Okay."

Paglabas naming ng bahay ay dapat ihahatid na niya ako sa apartment gamit ang sasakyan pero ang sabi ko kay Wave ay dumaan muna kami sa park kahit saglit lang. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay at isa pa, masyado pang maaga para umuwi ako.

Bigla ko rin tuloy naalala na madalas din kami na maglaro ni Wave sa isang park na katulad nito kasama si potchi noong mga bata pa kami.

Maraming tao sa park at karamihan ay mga bata ang naglalaro kasama ang mga yaya nila. Hindi ganoon kalakihan ang park pero sapat na para magkaroon ng maliit na palaruan sa gitna at mga ilang bakanteng upuan na nakapalibot rito. May mga malalaki rin puno sa paligid ng park na tumutulong para maging sariwa ang hangin.

Uupo na sana ako sa isang upuan nang umupo ang dalawang bata roon. Pareho tuloy kaming nagkatinginan ng kasama niya. Wala ata siyang balak na magpatalo sa akin kaya ako na mismo ang nag-adjust at naghanap ng ibang bakanteng upuan. Pero wala na akong makita pang bakante na upuan maliban doon sa tabi ng magjowa. Ayoko sana umupo roon kaso wala kaming mauupuan ng magaling kong boss.

"Wa— "Napatigil ako sa pagsasalita dahil wala na si Wave sa aking likuran. Agad ko naman itong hinanap sa paligid. Medyo kinabahan pa nga ako dahil hindi ko agad siya nakita hanggang sa nahuli siya nang aking mata na nasa isang sulok at bumibili ng kwek-kwek at fishball para sa amin dalawa.

Todo pigil tuloy ako ng ngiti dahil bihirang-bihira ko na makita itong si Wave na nagkukusa na bumili ng street foods. Ayaw niya no'n dahil masama raw sa kalusugan. Pero eto siya at bumibili ngayon ng ayaw niyang pagkain.

Imbes na pumunta sa kanya ay pumunta na lang ako roon sa pwesto ng magjowa at umupo sa tabi nila. Medyo ang awkward nga dahil para silang kiti-kiti na hindi mapaghiwalay. Panay kasi ang lampungan nilang dalawa at ginawang love-nest ang bench na inuupuan. Ayoko silang tignan pero sadyang matalas ang mata ko dahil bawat galaw nila ay talagang kita at napapansin ko. Kahit nga ang pasimpleng halik ng lalake sa pisnge noong babae ay kita ko pa rin.

Daig ko pa ang nanonood ng porn dahil sa live show nilang dalawa. Nagpapalitan pa sila ng papel na hindi ko rin maiwasan na mapatingin at mabasa 'yon. Hindi naman ako pinalaking tsimosa ng magulang ko. Pero ano ba ang magagawa ko kung hindi mapigilan ng mata ko na makita at mabasa 'yon?

Dali-dali kong ipinikit ang mata ko at umiwas nang tingin ng literal silang maghalikan sa tabi ko. Ang sarap tuloy nila batuhin at sabihin na public place 'to at hindi isang motel na kung saan ay pwede silang maglampungan. Hindi na sila nahiya sa mga bata dahil ultimo ilang bata ay nakatingin sa kanila at titig na titig pa.

"Tara na nga, may istorbo rito eh," dinig kong sabi noong lalake. Ako pa ang istorbo? Eh kung nagmotel sana kayo, eh di solo niyo ang isa't isa! Inis akong umirap nang umalis na silang dalawa sa harapan ko. May nalaglag naman na papel kaya agad ko iyon kinuha at binasa.

Kainin mo na ako.

Halos pamulahan ako ng mukha sa nabasa ko. God! Ganoon na ba talaga kauhaw iyong babae at ganito ang isinulat niya?

"Ano 'yan?" Gulat akong napatayo nan marinig ko ang boses ni Wave. Dali-dali ko naman itinago ang papel na hawak ko sa aking likuran. Mabilis akong umiling sa kanya at saka dahan-dahan ngumiti pero syempre hindi ko maloloko sa ganoong paraan si Wave.

Ibinaba niya ang hawak na fishball at kwek-kwek sa upuan at saka nakipag-agawan sa akin ng papel na kasalukuyang hawak ko. Wala lang naman kasi talaga 'yon kaya nga hindi ko alam kung bakit siya pilit na nakikipag-agawan sa akin. Kinakabahan nga ako dahil baka isipin niya na ako ang nagsulat no'n!

Ako na nga ang nahihiya para roon sa babae dahil sa sinulat niya sa papel dahil sobrang lantaran! Paano pala kung iba ang nakabasa noong sulat? Eh di mas lalong nakakahiya!

Pilit kong itinago ang papel sa aking likuran pero parang kasing-haba ata ng binti ni Wave ang braso niya dahil nakuha nitong kunin ang papel na pinakatago-tago ko mula sa akin! At dahil ayoko magpatalo, pinilit ko 'yon kuhain sa kanya! Kaya lang, ipinanganak na ata talaga akong lampa ng mga magulang ko dahil kamuntikan na naman lumapag ang puwetan ko sa may simento! Kung hindi lang agad ako nahawakan ni Wave ay paniguradong umiiyak na ako sa sakit ngayon.

Ang kanan kong braso ay nakasabit sa kanyang leeg habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa kanan niyang braso na nakaalalay sa akin. Namimilog ang aking mata sa gulat dahil muli na naman nagkalapit ang mga mukha naming dalawa!

"Okay ka lang Reene?"

Wala akong ideya kung ilang segundo na ba akong nakatitig sa kanya bago ko nagawang tumango sa kanya. Tinulungan naman niya ako makatayo ng maayos. Tulala pa nga rin ako nang itayo niya ako dahil pilit ko pa rin pinapakiramdaman ang nakakabinging pagkabog ng aking puso.

Nang maalala ko kung bakit ako kamuntikan ng matumba at bumagsak sa lupa ay dali-dali akong lumingon kay Wave. Halos pamulahan ako ng mukha dahil alam kong nabasa na niya ang pinakatago-tago kong papel sa kanya.

"H-Hindi ako nagsulat niyan!" natatarantang sagot ko.

Umaasang makikinig siya sa akin at makakapagpalusot dahil totoo naman talaga na hindi ako ang nagsulat. Pero parang huli na ang lahat para roon dahil ang nakakaloko kong boss ay nakatingin na ngayon sa akin habang nakangisi nang malawak.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napalunok ako sa ginawa niyang iyon pero nakapirme pa rin akong nakatingin sa kanya. Inakbayan niya ako bago bumulong sa akin na naging dahilan ng pagkapula nang aking mukha.

"Saan?"

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now