Chapter 47

1.5K 55 8
                                    

Chapter 47

HINDI KAMI NAGTAGAL DOON SA STORAGE ROOM dahil binuksan iyon ng taga city complex. Naabutan pa niya na nakatulala ako kay Wave dahil sa huling sinabi nito sa akin habang namumula ang mukha. Napalayo tuloy ako kay Wave nang wala sa oras! Idagdag pa na kasama si Tanya noong tagabukas dahil tila nabuking ang ginawang kalokohan ni Sir Drew at ng kaibigan kong si Carla sa amin dalawa.

Mabilis niyang nilapitan si Wave at kinausap. Umiwas ako ng tingin at nauna nang maglakad kasi ano pa ba ang gagawin ko roon eh nagkakaroon na sila ng moment. Alangan naman na manood pa ako?

"Reene." Hindi ako nagdalawang isip na lumingon kay Wave pagkatawag niya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo ng bahagya na tila nagtataka sa ginawa kong paglayo sa kanya habang si Tanya naman ay may sasabihin pa ata pero nabalewala na iyon dahil sa ginawa nitong pagtawag sa akin.

"Where are you going?"

"H-Ha? Eh di babalik na roon." Itinuro ko ang labas kung nasaan sila Carla. Hindi naman nawala iyong pagkakunot ng noo niya at mas tinitigan pa ako. Parang biglang nawala si Tanya sa paningin niya dahil nakapokus na siya sa akin. I suddenly felt bad about her kasi alam ko naman na pumunta siya rito para kay Wave pero hindi niya ito makausap ng maayos dahil sa akin. I know that she's trying to get back the love that they have lost when she left.

Ewan ko ba naman dito sa boss kong ito at hindi makita na nag-eeffort iyong tao para magkabalikan sila.

"Na hindi ako kasama? I just told you to stop giving me spaces." Hindi ako nakasagot dahil lumapit na ito sa akin. Kitang-kita ko kung paano kumalas ang kamay ni Wave sa pagkakahawak ni Tanya sa kanya bago ito naglakad para hawakan ang kamay ko.

Nakaawang ang labi ko habang walang humpay ang pagkabog ng puso ko. Parang biglang bumagal iyong paligid sa kaonting panahon na 'yon, na agad din naman bumalik dahil nakita ko ang mukha at reaksyon ni Tanya sa ginawa niya. I quickly pulled my hand from his hold at saka siya tinignan ng seryoso dahil hindi nakakatuwa iyong ginawa niya kay Tanya.

"Si Ms. Tanya kaya ang samahan mo, hindi ako? She's here because of you," naiinis na sabi ko. Pinanlakihan ko pa nga siya ng mata dahil parang hindi niya magets. Magsasalita nga sana si Wave nang unahan siya nito bago lumapit sa amin dalawa.

"It's okay, Reene. I understand." Ngumiti pa siya pero alam ko naman na peke iyon. Syempre hindi niya iyon maitatanggi lalo na sa akin dahil babae rin ako. Ang ginawa ni Wave sa kanya kanina lang ay masakit sa kahit sinong babae na makakita nito. At siguro kung hindi lang siya mabait ay baka nakita ko na iyong dark side niya ngayon dahil sa ginawa ni Wave ngayon. Baka nga kung ako iyong nasa posisyon ni Tanya ngayon, eh baka kung ano ang magawa ko kasi mas pinapaboran ni Wave iyong kagaya ko kesa sa ex-girlfriend niya na mahal siya at may pag-asa pa na magkabalikan.

"Sigurado ka po, Ms. Tanya?" naniniguro kong tanong sa kanya. Sumeryoso saglit ang kanyang mukha. Doon ko nakita na hindi niya talaga nagustuhan ang ginawa ni Wave. Pero bigla itong ngumiti sa akin bago tumango. Si Wave naman ay ibinalik na ulit iyong pagkakahawak niya sa kamay ko. Naningkit ang mata ko sa ginawa niya. Hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa niya talaga ito sa harap ng ex-girlfriend niya. Parang gusto ko tuloy bigla saksakin si Wave sa pagiging jerk niya towards Tanya.

"You're being a heartless jerk right now," sabi ko sa kanya noong makalayo na kami kay Tanya.

Umangat iyong kilay niya sa akin at bahagyang napatigil sa sinabi ko.

"At bakit ikaw, hindi?" balik na tanong niya sa akin. Muli na naman napaawang ang labi ko dahil doon. Bakit sa tono ng pananalita niya ngayon ay parang ako pa iyong gumawa ng kasalanan sa amin dalawa?

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon