Chapter 36

1.6K 54 4
                                    

Chapter 36

TATLONG ARAW NA ANG NAKAKARAAN simula nang umuwi si Wave galing sa ospital at ngayon ay nandito na ulit siya sa office upang magtrabahong muli. Laking pasasalamat ko na gumaling agad siya pagkaraan ng tatlong araw. Kailangan lang talaga malinisan iyong sugat niya para hindi maimpeksyon.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Carla. Nasa cafeteria kkami para kumain ng lunch. Hindi ako sumabay kay Wave ngayon kumain simula noong malaman ko na crush ko nga siya talaga. Nagpasiya rin muna ako na iwasan siya. Paanong hindi ako iiwas sa kanya? Eh halos parang kakapusin na ako ng hininga sa tuwing siya ang kasama ko! Kaya minabuti ko munang iwasan siya para na rin mabawasan iyong pagkacrush ko sa kanya.

Napasearch na nga rin ako sa google at naghanap ng tips kung paano i-uncrush si Wave. At nasa step number one pa lang ako pero balak ko iyon sundin lahat para lang mawala itong pagkacrush ko kay Wave. Tinandaan ko pa nga ang lahat nang 'yon para lang hindi na ako titingin sa notebook ko sa sobrang kadesperadahan ko na mawala itong nararamdaman ko. Mabuti na iyong handa. Mahirap na at baka lumala pa.

17 Ways to get over a crush once for all.

1. Do something to make yourself feel special

Balak ko magpamasahe sa weekend dahil may promo na free spa sa GMM. Dapat ngayon sana kaso may trabaho at nagsasarado sila ng saktong alas-otso ng gabi.

Marami pang kasunod na steps kung paano mag-uncrush ng crush pero sa ngayon ay ito lang munang unang step ang gagawin ko. Saka na iyong iba kapag nagkaroon na ulit ako ng ekstrang oras.

"H-Ha? Hindi ah!" Pinaningkitan ako ng mata ni Carla.

"Nag-away kayo ni Sir Wave no?" si Carla ulit na walang awa ang pag-usisa sa akin.

"Grabe! Hindi kami nag-aaway no'n!" giit ko.

"Eh bakit ang init ng ulo ni sir ngayon?"

Nanlaki ang mata ko.

"Grabe ka sa akin! Kapag mainit ang ulo, ako agad ang may kasalanan? Baka hindi lang nasunod iyong gusto niya sa project saka kakalabas lang ng ospital kaya intindihin niyo na lang!" mahabang sabi ko kahit na parang isa nga ako sa mga dahilan para uminit ang ulo niya ng ganoon.

Hindi pa rin kasi tapos ang pag-iwas ko sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng ginawa ko.

Hindi na ako tinanong pa ni Carla tungkol sa amin ni Wave. Nag-usap na lang sila ni Josephine sa mga ibang bagay hanggang sa matapos iyong lunch break.

"Reene," tawag ni Josephine sa akin. May dala siyang folder.

"Pupwede mo ba ibigay ito kay Sir Wave? Eto iyong proposal ng iba't ibang department tungkol sa Christmas party na gagawin next month. Nandyan na rin iyong charity event na gagawin para sa darating na pasko."

"B-Bakit ako? Ikaw na lang!"

"Sige na, papapirmahan mo lang naman 'di ba?" Bago pa ako makapagsalita ay mabilis niyang hinila ang kamay ko at pinahawak sa akin iyong papel at saka tumakbo palayo sa akin. Sa sobrang inis ay ginulo ko na lamang ang buhok ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa opisina ni Wave. Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair habang mariing nakatitig sa akin. Nakabusangot ang mukha niya at tila mainit ang ulo. Dahan-dahan kong inilapag ang folder sa kanyang mesa at saka ngumiti.

"Proposal po 'yan ng iba't ibang department sa darating na Christmas party. Nandiyan na rin ang proposal for the charity event."

"Okay."

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon