Chapter 52

1.4K 48 21
                                    

Chapter 52

BUMALIK KAMI SA METROPOLIS na hindi kami maayos ni Kiel. Biglaan kasi ipinatawag si Wave ni tita kaya bumalik kami sa Metropolis kinabukasan ng madaling araw. Pinilit kong kausapin si Kiel pero nagkulong lang ito ng kwarto hanggang sa makaalis kami.

I can't help but to feel bad about my brother. Ito ang unang beses na nag-away kami ni Kiel simula nang alagaan ko siya. Hindi ko sinasadyang sigawan siya at nadala sa takot na baka iwanan niya na kami at sumama sa taong minsan na rin siyang iniwan noon.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Wave sa akin. Mabilis akong tumango sa kanya at saka isinandal ang ulo sa upuan. Isang oras pa ang byahe bago makabalik sa Metropolis kaya naghanap muna ng makakainan dahil kumukulo na raw ang tyan niya. Nagdesisyon kami na magdrive thru na lang dahil emergency ang pagtawag ni tita kaninang madaling araw. Tumawag siya sa kalagitnaan ng alas-kwatro ng umaga. Ako pa nga ang nakasagot dahil akala ko alarm lang kaya ako na sana ang magpapatay pero rumehistro ang number ni tita kaya sinagot ko na habang pilit na ginigising si Wave.

"Dalawang C3 please," maikling sagot niya sa harap ng speaker. Within a couple of minutes, binigay na sa amin ang order. Dalawang cheeseburger with fries at dalawang mcfloat ang inorder niya.

"I thought you didn't like fast food?" tanong ko habang binubuksan iyong burger.

"You like it." Pinigilan ko hindi mangiti para lang hindi nito makita kung gaano ako katuwa na tanda niya lahat ng mga gusto ko.

"And besides, we don't have much time para maghanap pa ng mas maayos na pagkain sa daan," paliwanag niya.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. Tama nga naman siya at nagmamadali kami. Hindi na nga kami nakakain ng breakfast sa bahay kanina dahil sa pagtawag na ginawa ni tita kanina.

Pagkabukas ko nang burger ay itinutok ko 'yon sa kanyang bibig. Nagtataka siyang tinignan ako pero tinignan ko lang siya pabalik at iyong burger. Doon niya nakuha ang gusto ko kaya kinagatan niya 'yon.

Binuksan ko naman iyong sakin saglit at kumagat doon. Kinuha niya ang kamay ko pagkatapos at kumagat sa burger ko.

"Akin 'to! May burger kang sa'yo!"

"We can share burgers at saka I can't eat that while driving." Pinigilan ko ang mapairap sa kanyang sinabi. Wala tuloy akong nagawa kundi subuan siya habang nagdadrive.

Isang oras ang nakaraan ay nakarating na kami sa office. Biglaan kasi ang pagtawag ng board meeting, I didn't even have a pen and notes with me. At hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung para saan itong meeting na ito. Ito ata ang unang beses na nagpatawag sila ng emergency meeting na kasama ang board.

"Good morning, Mr. Cortez," seryoso ngunit kalmadong sabi ni Sir Suarez. Isa rin siya sa mga investors sa kumpanya.

Nandito na rin iyong ibang member ng board especially the major stock holders kagaya ng mag-asawang Andrada. At syempre ay nandito na rin si Mr. Chua. Nakita ko na rin sila tita at tito na kakarating lang.

"What is this meeting all about?" Umupo si Wave sa kanyang upuan at saka tinignan lahat ng member of boards. Lahat sila ay may share at kapwa investor ng Cortez Empire.

"Well. We are asking you about the toy factory that you are talking about last meeting."

Napaayos ako ng upo. Iyon ang request ko kay Wave pero hindi ko akalain na aabot sa ganito dahil lang sa toy factory.

Wave was about to ask when Sir Silver entered the board room. Nakalimutan ko nga pala na isa na rin siya sa may share at kapwa investor ng kumanya. He's also one of the major stock holders sa Cortez Empire.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now