Chapter 7

2.8K 87 1
                                    

Chapter 7

"HINDI BA AY BUSY KA?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at dire-deretso lang ang lakad. Bahagya na naman kumunot ang noo ko at hindi kumilos. Si Wave talaga, hindi ko maintindihan minsan ang ugali eh! Daig pa niya ang babaeng menopausal!

Lumingon siya sa akin na nakakunot na naman ang noo. Dinala niya kasi ako rito sa may Amusement Park pagkatapos nang trabaho. Hindi na naman tuloy ako nakasabay kay Carla, kaya pilit na naman sinasabi noong babaeng 'yon na napapadalas ang paglabas namin ni Sir Wave kahit hindi naman talaga. Hanggang ngayon kasi, hindi pa nila alam ang tunay na set up namin dalawa. Hindi ko masabi dahil tiyak na mananagot ako kay Sir Wave. Nagdududa na nga sila dahil maaga kaming pinauwi ni Sir Wave. Usually, ala-sais nang hapon ang out pero alas-kwatro pa lang nang hapon ay pinauwi na niya kami, maliban sa akin syempre.

"Gusto mo ba o hindi?

Mabilis akong lumapit sa kanya, "Syempre gusto! Eto naman, hindi na mabiro," mabilis kong sagot na ikinairap lang niya. Ako na ang humila sa kanya papasok sa loob ng Amusement Park. Medyo nagulat nga ako na hindi siya nagkukuripot ngayon dahil nilibre niya ako ng ticket dito sa park.

Siguro dahil alam niya na noon ko pa gusto pumunta sa mga ganitong lugar. Ang tagal na rin kasi noong huli akong pumunta rito tapos ngayon kasama ko pa ang kaibigan ko slash boss ko.

Sinalubong kami ng sobrang nagliliwanag na amusement park at malakas na tugtugang pambata nang makapasok na kami sa loob. Ang dami pa rin tao kahit na gabi na. Mukhang iyong iba ay dito pa naisipan na magdate dahil may nakikita pa akong mga magjowa na kung makalingkis, eh akala mo iiwan.

Hinila ko si Sir Wave sa mismong animal costume pet store. Kinuha ko ang dalawang tiger ears at binigay ang isa sa kanya. Noong una pa nga ay ayaw niya kunin pero kinuha niya rin at hinayaan akong isuot 'yon sa kanya. Hindi ko pa nga masuot sa kanya ng maayos dahil mas matangkad siya sa akin. Kinakailangan pa niya tuloy yumuko.

Nakakatawa nga dahil nakasuot pa siya ng pang-opisina. Pinagtitinginan tuloy kami. Pinahubad ko tuloy sa kanya iyong coat para hindi siya masyadong mainitan at inilagay 'yon sa bag ko. Pagkalagay ko ng coat niya sa bag ko ay lalong dumami ang mga taong nakatingin sa boss ko. Nakasuot na lang kasi ito ngayon ng white polo na medyo gusot na rin habang nakabukas pa ng bahagya ang butones. Halata tuloy ang matitipuno nitong braso dahil sa sobrang pagkahapit ng polo niya.

Hindi napapansin ni Wave na pinagtitinginan na siya ng mga tao lalo na ang mga babae. Kasalukuyan kasi itong nakatingin sa screen ng cellphone niya at may kung ano na naman kinakalikot.

Hindi ko tuloy mapigilan na hindi maawa sa mga babaeng napapatitig sa kanya. Sigurado ako na kapag nalaman nila ang totoo ay sila na mismo ang manghihinayang.

Pagkatapos ko isuot sa kanya ang animal ears ay saka namin iyon binayaran sa counter. Nagpapicture pa nga kami kay ateng sales-lady na nakatingin kay Wave. Kulang na nga lang ay sabihin ko na 'Hindi kayo talo ng boss ko, ate' para lang magtigil sa kakatitig!

Nakasimangot si Wave sa picture pero hindi na ako nag-abala na ipaulit pa 'yon. Hinila ko na lang ulit si Wave palabas para sumakay na ng rides. Ang unang ride na sinakyan namin ay iyong bump car. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nakasakay dito eh. Buti na lang talaga ay dinala ako rito ni Sir Wave ngayon dahil kahit paano, nawala ang mga iniisip kong mga problema na hindi ko pa alam kung paano ko sosolusyonan.

Binunggo ko siya ng binunggo habang ako naman ay tawa ng tawa. Tinititigan niya lang ako ng masama everytime na bubungguin ko siya ng sasakyan na minamaneho ko. Pero kahit na masama ang titig na ibinibigay niya sa akin, mahahalata naman na nagpipigil lamang siya nang ngiti. Ewan ko ba at pinipigilan niya 'yon. Hindi naman niya kinakailangan i-maintain ang image ng pagiging boss niya kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now