Chapter 6

3K 92 2
                                    

Chapter 6

"GIRLFRIEND?" namamanghang ulit ni tita sa sinabi ni Wave.

Tumango ulit si Wave na para bang normal gawin 'yon habang ako ay nakaawang lang ang labi at nakatitig sa kamay namin na magkahawak.

"Kailan pa?"

"Kanina lang Mom, kanina niya lang din ako sinagot." seryosong sabi niya na nagpalingon sa akin. Naningkit ang mata ko habang patuloy pa rin siya sa pagsubo ng kinakain niya. Aba! Gumagaling na ata itong si Wave sa pagsisinungaling! "When did he court you, hija? Masikreto kasi itong si Wave."

Oo nga po eh. Sa sobrang masikreto niya, pati ako dinadamay sa pagsisikreto nang totoo niyang pagkatao.

"Uhmm, kanina lang din po?" inosenteng sagot ko na nagpaubo sa kanilang dalawa.

"Kanina lang?" tanong ni Tita Yna. Nahihiya akong ngumiti sa kanilang dalawa. Pinandilatan naman ako ng mata ni Wave na parang kulang na lang ay ibitin ako patiwarik. Muntik ko na nga palang makalimutan na isang pagkakamali ko lang ay maaaring mabuking na kami.

I was about to answer but Wave cut me off, "Two months ago." Ngumiti siya sa akin ng pilit pero alam ko na sa likod ng ngiting 'yon ay gusto niya na ako sabunutan. Uminom muna ako ng tubig at saka sumagot sa kanila.

"A-Ahh. Opo Tita! Last two months ago niya po ako niligawan."

Ang totoo niyan, si Sir Drew po talaga ang niligawan niya at hindi ako. Ngumiti pa ako sa kanila para lang mapaniwala na totoo ang sinabi ni Wave. Para kasing hindi sila kumbinsido sa sagot namin dalawa. Hindi sila pupwede magduda at kailangan mapaniwala sila na totoo na nagdidate kami ni Wave. Temporary lang naman ito. Kagaya nga ng sinabi niya ay hanggang sa mawala lang naman ang sinasabi niya na rumor kahit hindi naman talaga.

Natapos ang gabi ko sa pagpapanggap namin ni Wave sa harap ng pamilya niya. Nakakakonsyensya nga dahil kailangan namin magpanggap sa lahat ng mga taong nakapaligid sa amin, matakpan lang iyong katotohanan na gusto niya pagtakpan. Ayaw pa kasi umamin e.

Hinatid ako ni Wave sa kanto malapit sa tinitirhan kong apartment. Medyo masikip ang daan papasok kaya hanggang sa kanto niya lang ako ibinaba. Baka kasi butasin pa ang gulong kapag nakuhang ihatid pa ako hanggang sa looban. Marami pa naman magnanakaw ng gulong sa tinitirhan ko. Tiyak na mananakaw 'yon kapag nagpumilit si Wave na ihatid ako hanggang loob.

Nagmamadali na lang akong tumakbo pauwi dahil bukod sa gabi na ay parang uulan pa dahil wala akong makitang mga bituin sa langit. Pagkarating ko ay agad ko naman nilinis ang buong apartment bago naligo at nagpalit ng damit. Maliit lang kasi itong apartment. Pagkabukas mo ng pinto ay maliit at malambot agad na sofa na kulay pula ang makikita. Tatlong hakbang mula roon ay kusina na at sa kanang gawi naman ay ang aking napakaliit na kuwarto. Sa kaliwa naman ng kusina makikita ang CR.

Ilang beses na rin ako yinayaya ni Carla na tumira sa kanila dahil bukod sa medyo liblib nga ang lugar kung saan ang apartment ko ay prone pa sa aksidente ang lugar. Kaso nahihiya talaga ako sa kanila kaya ilang beses ko na rin tinatanggihan ang alok niya.

Sila mommy naman ay nandoon pa rin sa dati namin bahay sa Santa Elena. Isang maliit na bayan dito sa Metropolis. Maayos naman 'yon kaya lang hindi talaga sa amin ang lupa. Bale nakikitira lang kami hanggang ngayon. Buti nga mabait ang may-ari ng lupa dahil pinayagan kami makitira doon pansamantala.

May bahay naman kami sa San Fierro. Tapos na rin iyon at fully furnished na. Doon nakatira si Auntie Matilda ngayon kasama ang nakababata kong kapatid na si Kiel. Sa maliit na eskwelahan sa San Fierro nag-aaral ang kapatid ko habang si Auntie Matilda naman ay may maliit na negosyo roon. Balak ko na doon na patirahin ang buong pamilya ko tutal maayos naman na ang bahay kaya lang, hindi sila makauwi dahil may sakit si daddy. Malayo kasi ang San Fierro. Bukod pa roon ay mas kumpleto ang mga kagamitan ng pagamutan dito sa Metropolis kesa doon sa San Fierro.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now