Chapter 14

2.1K 63 4
                                    

Chapter 14

PAGKATAPOS NG BUSINESS TRIP namin na 'yon ni Wave sa Saubea ay umuwi na agad kami sa Metropolis. May mga pasalubong din kaming inuwi kela Tita Yna at ganoon din kay mommy at daddy. Pagkatapos din noong linggo na 'yon ay balik na ulit kami sa trabaho. Nanumbalik din ang nakasimangot na mukha ni Wave pagkabalik namin sa Metropolis. Eto kasi ang pinakaayaw niyang buwan sa lahat ng taon.

Sa lahat ng buwan, April talaga ang pinakaayaw niya. Hindi ko nga alam kung bakit samantalang ang saya-saya nga tuwing April kasi ibig sabihin no'n summer na! At ibig sabihin no'n, anniversary party na ng Cortez Empire. Ginaganap iyon taon-taon para magkaroon ng munting selebrasyon para sa panibagong taon ng kumpanya. Eto ang buwan na pinaghahandaan nila Carla sa loob ng ilang buwan, kasi bukod sa malaking event ito ay maraming orphanage ang tinutulungan ng Cortez Empire kada taon. Balita ko nga ay kasali rin ang Andrada AngelWalk Hospital o AAWH kung tawagin na pagmamay-ari ng Andrada Group of Corporation para sa pagdonate ng mga ilang laruan sa mga napiling bahay-ampunan.

Ang AAWH naman ay kilala sa mga ganitong events kasi malapit daw talaga sa bata ang founder ng AAWH kaya palagi silang nagpaparticipate sa mga ganito para makatulong na rin. Sila nga rin pala ang founder ng Little Children Foundation na nagpagawa ng maliit na library sa mga bata na kinahiligan magbasa ng libro. May isinasagawa rin silang libreng check-up sa mga bata kada-anim na buwan sa mga bahay-ampunan.

Pumasok ako sa office ni Wave para ipagbigay-alam ang update sa pinapaayos niya sa akin na mga papeles para sa expansion ng kumpanya sa ibang bansa at kung tumawag na ba si Mr. Chua tungkol doon. Ewan ko ba rito kay Wave at sunod-sunod na pagpapagawa ng branch ang ginagawa sa iba't ibang bansa. Buti na lang, dito sa Metropolis ang main branch ng Cortez Empire kundi mahihirapan ako makapasok.

Mahirap kasi mag-apply sa Cortez bilang empleyado lalo na kapag sa ibang bansa. Marami rin silang requirements na hinihingi, interviews at kung ano-ano pa tapos depende pa 'yon kung papasa ka kumpara dito sa Metropolis. Bukod pa roon ay napakahigpit din ang protocols at trainings sa bawat branch lalo na rito sa main.

"Sir, update lang po, hindi pa rin tumatawag si Mr. Chua," kinakabahang sagot ko sa kanya. Magkasalubong ang kilay niya nang tumingin sa akin bago ito tuluyang tumango. Sigurado akong may malalim siyang iniisip ngayon. Ganyan kasi ang ekspresyon na ipinapakita niya kapag may isang bagay na nagpapagulo sa isip niya.

Bago ako umalis ay tinanong ko siya kung may ipag-uutos pa ba siya bukod sa kinakailangan ko siya ipagtimpla ng kape pero isang tanging iling lamang ang natanggap ko mula sa kanya.

Ganyan siya palagi tuwing April. Nakasimangot, sobrang busy at palaging seryoso kaya nadidismaya ako. Hindi ko mapigilan na maramdaman ang ganoon dahil ilang taon na akong nagtatrabaho sa kanya pero hindi ko pa rin siya nakikitang umatend ng anniversary party ng Cortez. Noong nakaraang taon nga ay ganito rin siya. Ginawa niyang abala ang sarili niya para magkaroon ng dahilan na hindi pumunta sa event.

"Anong sabi ni Sir? Masungit ba?" tanong ni Carla sa akin.

"Palagi na lang siyang masungit kapag April. Ano bang meron kapag April at ayaw niya?" tanong ni Carla.

Naramdaman ko ang pag-tingin sa akin ng ibang empleyado na mukhang naghihintay sa isasagot ko kung bakit masungit si Wave tuwing April. Ang kaso nga lang wala naman talaga akong alam tungkol doon kaya wala rin akong maisasagot sa kanila. Dismayado tuloy silang tumingin sa akin at pagkatapos ay umiling.

"Sabramonte, naihanda mo na ba ang representative's para sa Anniversary?" tanong ni Sir Luke. Siya ngayon ang head ng Events and Organization sa Cortez Empire. Kakapatalsik lang kasi ni Wave roon sa dating head dahil sa madalas na kapalpakan kaya si Sir Luke ang ipinalit dahil assistant na siya noong nandito pa iyong dating head.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now