Chapter 60

1.5K 37 8
                                    

Maaga ulit na update para sa susunod na araw. I'm not feeling well right now so expect some delays.

Mag-aupdate ako kapag okay na ulit ako.

Chapter 60

Ilang araw matapos ang party sa Del Marcel ay sinunod ni Tanya ang mungkahi ni Silver. Hindi niya alam kung bakit siya nagtiwala agad, she doesn't trust someone that easily dahil sa mga taong nakakasalamuha niya noon pa man, but there's something with Silver that she knows that made her trust him. At walang iba kundi ang mga mata nito na nagpakita ng iba't ibang emosyon.

He told her that he's already inlove with someone else, and that bracelet that she saw prove that he's telling the truth. He's the type of person who knows how to stop when he's committed. Kung susundin niya ang sinasabi nito na hayaan ang mga magulang nito na isipin na nagdidate sila, hindi siya mahihirapan. She could tell her parents later on that everything with Silver didn't work out like her relationship with Wave. Sa ganoong parana ay unti-unting matatanggap ng papa niya ang relasyon nila ni Wave.

"Tanya, balita ko lumalabas kayo ni Silver? That's good to hear then." Nakailang lunok siya bago tinignan ang ama. Aksidente iyong pagkikita na 'yon hanggang sa literal na silang lumabas na magkasama dahil may mga nagbabantay.

"A-Aksidente lang 'yon papa. Nagkita kami sa café ng hindi inaasahan dahil may kikitain siyang investor doon."

"Kahit na. It would be good if you two are going out for real. Try to work your relationship with him para maging Del Marcel na rin ang last name mo."

Napailing na lang siya sa sinabi ng kanyang ama. Kahit na anong gawin niya, ipipilit talaga nito si Silver sa kanya. At tama nga si Silver, mabuti ngang isipin ng kanyang magulang na nagdidate sila upang hindi sila paghiwalayin ni Wave. Natatakot siya sa maaaring gawin ng kanyang ama sa kanya. Saka niya lang siguro ipapaliwanag kay Wave lahat-lahat sa oras na nagkita na silang dalawa ulit.

"Congratulations, Ms. Almonte. You made it." natutuwang sabi ng kanyang manager na si Erin. Matapos ang successful modeling career nito ay sunod-sunod na modeling agency na ang kumukuha sa kanya. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang nagkaroon ng engradong selebrasyon ngayong gabi.

Lahat ng kilalang batikan sa modeling ay nandito upang makilala siya dahil sa biglaang pagtaas ng kanyang career. Nafetaure kasi siya sa isang magazine na pinag-usapan ng lahat at hinangaan. Ngayon, siya ang laman ng balita. Even Wave congratulated her for successful career. Akala nga niya ay hindi siya mababati nito dahil naging abala na naman ito sa training sa kumpanya nila but he still makes time to greet her and she cannot help but to smile.

Sa isang linggo pa sila makakapagkita at excited na siya magkuwento rito dahil alam niyang isa si Wave sa mga dahilan kung bakit niya naabot ang pangarap niya. Isa si Wave sa mga taong nagbigay sa kanya ng inspirasyon para mas lalong magpursigi sa pangarap niya na maging modelo. Kung wala si Wave ngayon sa buhay niya, sigurado siyang para siyang nawawalang pusa ngayon sa daan na hindi alam kung saan papunta.

Iniwan siya ni Erin dahil bigla itong may kinausap. Ininom niya na lang ang natitirang champagne sa kanyang baso. Wala siyang balak magpakalasing ngayon pero ano nga ba naman ang masama kung magpapakalasing siya dahil naging successful naman na ang modeling career niya. Lahat ng modeling agency ay nagsisimula ng pumila sa kanya para anyayahin na pumirma sa kanila. Iyong iba naman, commercial ads ang inaalok sa kanya.

"Ms. Almonte." Napatigil siya sa pag-inom ng champagne nang lumapit sa kanya ang pamilyar na lalaki. Si Mr. Valencia, ang assistant head ng C International Modeling Agency. Hindi niya inaasahan na makikita niya rito ang lalaki. Ang alam niya ay busy siya dahil iba't ibang fashion show ang pinuntahan nito. Kilala ang CIMA sa pagkakaroon ng kilalang models, ilang awards na rin ang napanalunan nila sa mga fashion show, iyong iba ay inuulanan ng commercial ads na pang-international.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon