Chapter 59

1.2K 40 5
                                    

Prepare a tissue for this chapter. Naiyak ako eh. Baka maiyak din kayo.

Chapter 59

Natanggap si Tanya sa isang modeling agency sa Metropolis at nagtuloy-tuloy iyon. Masayang-masaya siya dahil tuloy-tuloy na sa wakas ang career niya. Sinabi niya iyon kay Wave nang magkita sila nito. Pero sa kabila ng mga natatamasa niyang tagumpay sa career niya ay hindi niya maiwasan na hindi kabahan lalo na at pursigido ang kanyang ama na paghiwalayin sila ni Wave.

Kahit na sinabi niya sa papa niya na si Wave ang isa sa mga taong nagpapasaya sa kanya ay ipinipilit pa rin ito sa anak ng Del Marcel na minsan ng tumulong sa negosyo nila. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan nito na mapalapit sa panganay na anak ng Del Marcel na si Silver. Kung tutuusin nga ay mas higit na may ibubuga ang Cortez Empire kesa sa kanila kung sa negosyo lang din naman ang pag-uusapan.

Ilang pilit na gatherings tuloy ang pinuntahan niya kasama ang pamilya para lamang mapalapit siya kay Silver. Gustong-gusto na nga niya tumakas pero hindi naman niya magawa. Ayaw niya pahiyain ang ama kahit na dapat ay nag-uusap sila ni Wave sa ganitong oras.

"Tanya, anak. May ipapakilala ako sa'yo." Tumayo siya nang sandaling marinig ang tawag ng kanyang ama sa kasuluk-sulukan nitong party. Wala siyang alam tungkol sa party na ito, ang alam lang niya ay kaarawan noong Silver na ipinipilit sa kanya ng papa niya. Gusto niya humingi ng tulong sa mama niya pero wala siyang magawa dahil nakapagdesisyon na ito. Talagang desesido ang ama niya na magkalapit sila ni Silver.

"Silver, si Tanya Louise, ang anak ko." nakangiting sabi ng kanyang papa.

"Hello..." mahinang sabi niya sa binata subalit hindi ito umimik sa kanya at sinalubong lang siya ng malaabong mata nito na parang nakikita ang buo niyang kaluluwa at maging iniisip niya.

"Punta lang ako mommy sa labas." magalang na sabi nito. Umawang ang labi niya pagka't hindi siya nito nagawang pansinin. Napuno ng inis ang kanyang dibdib at hindi na rin maipinta ang mukha.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Mr. Almonte. Masama ata ang gising."

Pasimple siyang siniko ng kanyang ama at bahagyang inutusan na sundan si Silver. Gusto niya umayaw pero wala siyang magagawa. Nagpaalam na lamang siya at sinunod ang sinabi ng kanyang ama. Hindi siya nahirapan na makita ang binata dahil nasa terrace ito at nagpapahangin doon.

"Did they asked you to follow me here?" tanong nito habang nakatalikod sa kanya. Tumango siya kahit alam niyang hindi siya lilingunin ng binata. Tumabi siya sa binata ngunit tatlong pulgada naman ang layo niya rito. Inilagay niya rin ang kamay sa railings sa terrace at bahagyang tinignan ang mga tao sa baba.

"You know what they are trying to do with us right? And here you are, you are so cooperative with them." Tama siya, alam niya kung ano ang binabalak ng kanyang ama pero eto siya, hindi man lang tumututol. Pero hindi rin naman siya tanga para maging sunod-sunuran sa ama. Sinabi na niya hindi ba? Mahal niya si Wave at wala siyang balak na bitawan ito sa kahit anong paraan. May plano siya pero hindi niya alam kung paano iyon isasagawa.

Bigla tuloy siya nakaramdam ng konsensya dahil naalala niya si Wave. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi ang balak ng ama. She didn't want him to overthink dahil paniguradong hindi lang relasyon ang maaapektuhan nila kundi pati na rin ang training nito sa kumpanya. She didn't want to ruin her boyfriend's future just because of this.

"I don't have any plans... Ginagawa ko lang 'to dahil naghahanap ako ng tiyempo para maging maayos ang lahat." Iyon talaga ang gusto niya. Gusto niya na matanggap ang taong karelasyon niya ng kanyang magulang. Wala siyang balak na makipaghiwalay kay Wave sa kahit anong paraan o rason.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon