Chapter 9

2.5K 89 4
                                    

Chapter 9

"WAVE...?"

Agad ko siyang pinapasok sa loob ng bahay at saka binigyan ng tuyong towel. Mabilis akong naghanap ng ekstrang teeshirt at short sa damitan ko para sa kanya. Buong akala ko nga ay wala na akong mahahanap, buti na lang ay may naiwan si daddy na maong na shorts na siguradong kasya kay Wave.

I handed him the clothes at saka itinuro ang banyo. Nahihiya pa nga ako dahil hindi pa ganoon kaayos ang bahay nang pumasok siya. Nataranta kasi ako nang makita ko siya na basang-basa nang ulan. Bakit ba kasi bumuhos bigla ang ulan? Palagi naman akong nanonood ng balita kung ano ang panahon pero sadyang paasa talaga sila.

Naagaw ang atensyon ko nang muling lumabas si Wave sa banyo suot ang pinahiram ko sa kanyang damit. Basa rin ang buhok niya kaya ibig sabihin ay naligo ito saglit doon. Buti na lang, kaka-stock ko lang ng mga kailangan dito sa bahay dahil kung hindi ay sigurado akong hindi makakaligo ng maayos si Wave. Mukhang okay na rin naman siya sa suot niya. Para pala talagang ordinaryong tao si Wave kapag nakasuot ng ganitong damit.

Mabilis kong kinuha sa kanya ang nabasang damit at inilagay iyon sa washing machine para labhan ulit.

"So this is your apartment?" Tumango ako. Umupo siya sa maliit na sofa. Inisod ko ng kaonti yung maliit na center table dahil hindi kasya ang legs niya. Ang laki-laki kasing tao talaga ni Wave kahit kailan!

"Anong nangyari sa sasakyan mo?"

Hindi siya umimik. Sabi ko na eh!

"Sabi ko sa'yo eh! Hindi ka na dapat sumunod. Nawalan pa tuloy ng gulong ang sasakyan mo."

Ako na naman ang nanghihinayang sa sasakyan niya. Sigurado akong kung sino man ang nagnakaw ng gulong niya ay yayaman dahil sa mahal nitong presyo.

"Don't worry about it. Ipakuha mo na lang kay Lorenzo ang sasakyan bukas." Si Lorenzo ay family driver ng mga Cortez. Madalas siyang ipinatatawag kapag ayaw magmaneho ni Wave o kaya kapag nagkaroon ng problema katulad ng mga ganitong pangyayari.

"Buti hindi ka naligaw?" Hindi ulit siya umimik. Nagsisimula na naman siya magsungit. Badtrip na naman siguro dahil nawalan pa ng gulong iyong sasakyan niya.

Pagkatapos ko ilagay sa dryer ang mga damit niya ay saka ko iyon isinampay sa banyo. May maliit na sampayan kasi roon dahil wala namang garahe dito sa apartment na pwede pagsampayan sa labas.

Pinagtimpla ko na lang muna si Wave ng kape dahil pansin ko na nilalamig pa rin siya. Nakaligo kaya siya ng maayos? Maliit pa man din ang banyo rito.

Mamaya pa siya makakain ng hapunan dahil matagal pa bago madefrost iyong manok. Hindi ko naman sigurado kung kumakain siya ng mga nasa delata.

"Ayaw mo ba lumipat ng titirhan?" tanong niya na parang wala sa sarili.

Dahan-dahan na naman akong napangiti.

"Ikaw ha. Napapadalas ang pagiging concern mo sa akin," ntatawang sabi ko at saka humalakhak. Nakakatawa talaga itong si Wave kapag naiinis. Umiirap! Lumalabas ang pagkagirlaloo.

"I'm serious Reene."

Umiling ako, "Hindi na. Okay pa naman ako saka nagtitipid din ako."

"Malaki naman ang sweldo ko kada-buwan kaso ayoko muna pag-gastusan ang sarili ko kasi nga sila Mommy muna ang inuuna ko," mahabang paliwanag ko. Tumahimik siya saglit at saka kinuha ang cellphone sa bulsa at muling nagtipa ng mensahe.

Sigurado na talaga ako na may papable itong si Wave dahil panay na naman ang pindot sa cellphone. May tumawag pa nga sa kanya pero puro yes lang ang naintindihan ko.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon