Chapter 53

1.2K 35 7
                                    

Chapter 53

HINDI KO LUBOS MAISIP na sasabihin ni Tanya mismo sa akin ang lumayo kay Wave. Siguro ay dahil madalas kaming magkasama at napapalapit sa isa't isa. Siguro ay iniisip niya ngayon na inaagaw ko si Wave mula sa kanya. At siguro nga ay tama siya sa pagsabi sa akin na lumayo ako kay Wave. Dahil kung tutuusin ay mas madalas pa kami magkasama kesa sa kanilang dalawa at ang alam pa rin ng mga tao rito ay kami pa rin ni Wave ang magkarelasyon.

Kung ako nga naman ang nasa posisyon niya, baka palayuin ko rin ang babaeng napapalapit sa taong mahal ko. She's just marking her territory at wala akong nakikitang mali roon pero bakit ang hirap?

Bakit parang iniisip ko pa lang na lalayuan ko si Wave para sa kanilang dalawa ay nasasaktan at nahihirapan na ako?

"Bakit gusto mo ako palayuin sa kanya? Do you really think that I like him?" Umiling siya sa akin. Gusto ko malaman kung bakit niya iyon sinabi at kung ano ba talaga ang totoong saloobin niya. I just can't get away from him. Nagtatrabaho ako sa kumpanya ni Wave kung saan nakakasama ko siya ng walong oras kada araw. He knows my unit and he knows where to call kapag hindi niya ako mahahanap. Hindi ko siya matatakasan.

"No. It's the other way around, Kareene." Nanlaki ang mata ko habang kumakabog ang dibdib ng malakas hindi dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko kundi dahil sa hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Para iyong ilusyon na hindi mo masabi kung totoo ba o hindi.

Umiling agad ako ng mabilis. Kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko makita kung saan siya nagbase para masabi na may gusto si Wave sa akin. Oo. Madalas siya ngumiti ngayon pero ganoon na rin naman siya dati pa. He's always smiling. Mas madali pa nga siya patawanin no'n kahit may pagkamasungit na siya, pero kahit kailan hindi ko inisip na iba na ang rason sa likod ng mga ngiti niya na 'yon lalo na ngayon na nandito siya para balikan si Wave.

"You probably thought that I am joking right now, but I'm serious." Tama siya dahil nanatili pa rin seryoso ang mukha niya. She probably didn't like the thought that her man likes someone else pero hindi naman iyon totoo. Hindi ako magugustuhan ni Wave.

Pero hinalikan ka niya. Tama? Not once but thrice.

Sabi nang aking konsyensya sa kasuluk-sulukan ng aking utak. Muling kumabog ang puso ko ng husto at parang binaha ng kung ano ang aking dibdib nang maalala ko ang lahat ng mga nangyari noong nakaraang mga buwan sa pagitan namin dalawa ni Wave.

Muli akong umiling sa aking isipan at itinulak ang pilit na ipinapahiwatig sa akin ng aking konsyensya. Wave likes me? Fake news ata 'yon.

"Saan mo nakuha ang fake news na 'yan?"

"Hindi ko iyon nakuha sa kung saan man o sino man. It was on my observation. If it was true that you don't like him nor feel the same way, then stay away from him."

Iyon ang huli niyang sinabi bago niya ako tuluyang iniwan sa rooftop habang ako ay tulala pa rin at napapaisip kung totoo ba lahat ng sinabi niya o hindi, kasi kahit anong gawin ko, hindi ko lubos maisip na naisip niya na may gusto sa akin si Wave.

Magtatagal pa sana ako sa rooftop para mas makapag-isip nang maayos ng tawagan ako ni Wave sa telepono ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang bumaba at puntahan siya.

"Wave, I'm he— "Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya dahil bigla na lang niya ako yinakap pagkapasok na pagkapasok ko sa office niya. Hindi tuloy ako nakakilos agad at parang nayelo sa mismong kinatatayuan dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin, dumagdag pa ang sistema ko na nagawa niya na naman guluhin at ang walang humpay na pagkabog ng dibdib ko.

I almost hugged him back kung hindi ko lang naalala iyong sinabi ni Tanya kanina.

"No. It's the other way around, Kareene."

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now