Chapter 63

1.3K 46 2
                                    

Chapter 63

Tinanggap ni Tanya ang offer sa kanya ni Mr. Valencia sa CIMA. Sinabi niya iyon kay Wave at laking tuwa niya na sinusuportahan siya nito sa pangarap niya katulad ng pagsuporta na ginagawa nito. Sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa dahil nasa rurok na siya ng tagumpay pero sabi nga nila, kung kailan nasa rurok ka na ay doon ka pa babagsak.

Nalaman ni Tanya kung sino ang totoong nagmamay-ari ng CIMA. Walang iba kundi ang panganay na anak ng mga Chua, si Orson. Si Orson ang lalaking nambubully sa kanya noong nasa high school pa lamang siya. Bukod kasi na nagtatrabaho ang mama ni Tanya noon sa kanila ay inaapi siya nito dahil lumaki ito na walang kinikilalang ama at ngayong mayaman na siya ay hindi niya maiwasan na matakot sa alam nito sa pamilya niya.

One wrong move and it will destroy their whole family.

Kaya noong malaman niya kung sino ang nagmamay-ari sa CIMA ay gusto na lamang niya umatras bigla. Iyon nga lang ay nakapirma na siya ng kontrata at kung sakaling umayaw siya na hindi natatapos ito ay kinakailangan niya magbayad ng multa sa pagbreach of contract but she didn't want another trouble kaya pumayag na siya at sinunod ang nasa kontrata. Hahanap na lang siya ng paraan kung paano iiwas sa Orson na 'yon.

"May problema ba?" tanong niya kay Wave. Kanina pa ito tahimik simula noong magkita sila. Almost two years na silang magkarelasyon at nalalapit na rin ang second anniversary nila. She can't help but to smile dahil nagawa nilang lampasan ang mga pagsubok sa kanila.

"May relasyon ba kayo noong Del Marcel?" seryosong tanong nito sa kanya. Para siyang napipilan. Kumakabog ang puso niya sa tanong nito. Parang biglang umikot ang kanyang tiyan at nahilo bigla.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

"Tell me the truth, Tanya. May relasyon kayo?" Mabilis siyang umiling. Natatakot siya sat ono ng pananalita ni Wave pero mas natatakot siya sa magiging takbo ng relasyon nila ngayon lalo na at ganito ang itinatanong nito sa kanya.

"Then what is this?" Ipinakita nito ang larawan sa kanyang cellphone. Halos manikip ang dibdib niya sa nakita. Larawan nila iyon ni Silver sa mall. Bumibili kasi siya ng designer bag at para hindi magtaka ang daddy niya ay tinawagan niya si Silver kagaya ng plano nila. Hindi niya akalain na may kukuha ng letrato at makakaabot kay Wave. She suddenly felt guilty because of not telling him what's going on around them.

Huminga siya ng malalim at ipinaliwanag kay Wave ang lahat-lahat. At kagaya ng inaasahan niya ay galit na galit ito sa kanya ngayon. Pakiramdam niya ay wala ng mapaglagyan ang galit na nararamdaman ng binata sa kanya ngayon sa pagtago ng totoong nangyayari.

"So you want me to be your secret relationship, Tanya? Is that it?"

"Wave, hindi naman sa ganoon."

"Then what?" Tuluyan na siyang napapikit sa sigaw nito. Parang biglang nawala iyong Wave na nakilala niya. "P-Please don't get mad at me. I-I've been planning to tell you about this... H-Hindi ko lang alam kung paano ko ipapaliwanag," naiiyak na wika niya kay Wave.

"May gusto ka ba sa kanya? You looked sweet together. Bagay na bagay kayo," sarkastikong sabi nito. Umiling siya at sinubukan hawakan ang kamay ng kasintahan.

"I-Ikaw ang gusto ko. K-Kung may iba akong gusto, dapat hindi tayo aabot sa ganito ngayon diba? Please trust me on this. I-Ito na lang ang naiisip kong paraan para maging okay kami ni daddy at hindi tayo paghiwalayin." Sandali itong nanahimik. Hindi niya tuloy alam kung okay na ba sila o hindi pa. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak ng kasintahan ngayon. He was mad but after explaining, galit pa rin kaya siya?

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon