Chapter 67

1.5K 40 11
                                    

Chapter 67

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Tanya sa kanyang ama bago ito nagsalita.

"I told you not to date that guy! Bakit ba ang tigas ng ulo mo!" malakas na sigaw nito. Ineexpect na ni Tanya na ganito ang mangyayari sa oras na malaman ng kanyang papa na nagdidate pa rin sila ni Wave. Alam niyang mas gusto nito si Silver para sa kanya ngunit sinuway pa rin niya ito.

"Pero mahal ko si Wave, Papa!" mariing giit niya rito. Ayaw niya sagutin ito at mas lalong ayaw niya gumawa ng kahit anong bagay na magiging sanhi ng pag-aaway nilang dalawa pero ano ang magagawa niya kung mahal niya talaga si Wave? Hindi niya kayang makipaghiwalay dito. Masyado niya itong mahal para iwan nang ganon-ganon na lang.

"Wala akong pakialam! Walang maitutulong ang pagmamahal na 'yan sa kumpanya natin! Utang na loob natin ang lahat sa Del Marcel kaya dapat mong mas piliin ang panganay nilang anak kesa sa lalaking 'yon!"

"Makipaghiwalay ka sa kanya! Dahil sa susunod na buwan ay iaanunsyo na namin ang engagement niyong dalawa ni Silver!"

Mariing iniyukom niya ang palad at mabilis na tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Alam niya na si Orson ang nagsabi nito sa kanyang ama. Nang sabihin ni Orson sa kanya ang gusto nito mangyari ay hindi siya pumayag. Isang malakas na sampal lamang ang isinukli niya rito bago tuluyang iwan ito kanina sa studio. Bakit siya papayag makipagrelasyon sa taong walang ginawa kundi saktan siya at iwan ang taong mahal niya? Bakit siya makikipagrelasyon sa isang taong humahadlang sa pangarap niya? Alam niyang pinaglalaruan lang siya nito at hindi niya hahayaang makipaglaro ito sa kanya.

Pero nakalimutan niya na tuso nga pala si Orson. Hindi siya nakikipaglaro ng malinis at palaging may plano na kasunod kaya hindi niya inaasahan na malalaman agad ng kanyang ama ang pakikipagrelasyon niya kay Wave.

Hindi na niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Gulong-gulo na siya at sigurado siyang hindi ito ang magiging unang beses na gipitin siya ni Orson. Knowing him, siguradong itataya nito ang huling alas niya para lamang mapasunod siya sa gusto nito.

Ilang araw ang nakalipas ay tama nga siya. Patuloy nga ang panggigipit sa kanya ni Orson. Kung hindi siya susunod sa gusto nito ay malalaman ng buong mundo ang totoo niyang pagkatao, na minsan nang naging kabit ang nanay niya at nakapanira ng pamilya. Kung ano man ang nilalaro nila ni Orson ngayon ay paniguradong kinabukasan niya ang gusto nito sirain. Idagdag pa ang isyu nila sa bahay ng kanyang ama. Siguradong magkakagulo sa oras na malaman ni Wave ang pinaplanong gawin ng kanyang ama sa kanilang dalawa.

Ayaw niya saktan si Wave. Minsan ay napapaisip na siya kung deserve ba niya ang pagmamahal na natatamasa niya sa nobyo. She did nothing but to lie to him. Ayaw man niya iwan si Wave ay kinakailangan niya gawin. Mahal na mahal niya si Wave pero ano ng aba ang silbi ng pagmamahal na 'yon kung sa simula pa lang ay hindi na sila totoo sa isa't isa? She realized that it's better to leave him than to hurt him. She didn't want to prolonged the agony anymore kaya mabilis niya itong tinawagan at nakipagkita.

Nagkita sila sa lugar kung saan palagi silang nagkikita. Nakangiti ang binata nang salubungin siya nito samantalang siya ay unti-unti nang nababasag ang puso niya sa mga salitang kanina pa naglalaro sa isip niya.

"I want to tell you something," mahinang sabi nito sa kanya.

"A-Ako rin." Ngumiti ang binata sa kanya. "Ikaw muna ang mauna."

Huminga siya ng malalim. Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya at pagkatapos ay nanginginig na hinawakan ang kamay ng binata.

"Let's break up,"

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now