Chapter 23

1.6K 46 0
                                    

Chapter 23

NAKATITIG LANG AKO KAY SISTER MARY habang hinihintay nito ang aking sagot.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung gusto ko pa ba sila makita. Maraming katulad ko na gusto pa rin makita ang tunay nilang magulang kahit na may umampon na sa kanila dahil ito raw ang kukumpleto ng pagkatao nila. Malaki nga naman talagang parte sa buhay natin at lalo na sa pagkatao na mayroon tayo ang malaman ang kasagutan tungkol sa ating sarili. At isa na rito ang pag-alam kung sino ba talaga ang nagluwal sa'yo sa mundong ito at kung nasaan na sila ngayon.

Pero habang lumalaki ako, itinigil ko na ang kakatanong sa sarili ko kung sino ba talaga sila at kung saan ko sila maaring matagpuan. I tried to find them once pero wala. Hanggang sa ako na mismo ang nag-isip na kung matagal na nila akong hinahanap at gusto pa nila ako makita, gagawa sila ng paraan pero natapos na ako magkolehiyo lahat-lahat ay wala pa rin naghahanap sa akin.

Sabi ko pa nga sa sarili ko, kung gusto talaga nila ako makita, matagal na siguro silang gumawa ng paraan. Uso na naman ang technology ngayon para mas mapadali ang paghahanap pero wala. So I stopped thinking about them too. Tumigil na ako sa kakaasa nab aka hinahanap din nila ako.

Masaya na ako na may kinalakihan akong magulang. They are enough for me. They already made my whole life complete. Hindi na mahalaga sa akin kung sino ba talaga ako bago ako maging si Kareene Adriel Sabramonte.

Marahan akong umiling sa kanya at ibinigay ang aking sagot.

"Hindi na po sister."

"Pero Hija... Hindi pa naman ito kasiguraduhan na rito sa nakasulat mo makikita ang iyong totoong magulang," marahang giit niya. May halong pag-aalala rin ang boses niya pero buo na ang aking desisyon na hindi na sila kilalanin pa.

Alam ko naman na ang makakabuti lang sa akin ang iniisip niya pero ngayon ay napag-isip-isip ko na kailangan ko pa ba talaga sila makilala? Hindi naman no'n mababago ang katotohanan na iniwan nila ako sa bahay ampunan at kung ano man ang dahilan nila ay wala na akong balak na alamin pa.

Sabi ko nga, kung gusto pa nila ako makita, matagal na silang gumawa ng paraan.

"Iyon na nga po Sister. Walang kasiguraduhan. Paano mo po masisiguro na matutuwa sila na makita ako ngayong iniwan naman nila ako sa bahay ampunan noong sanggol pa lamang ako?"

Kadalasan, kapag ganitong may nahanap silang clue sa magulang ng batang nasa ampunan, natutuwa ang bata dahil sa wakas ay malalaman na niya kung sino ang totoo nagsilang sa kanya pero sa kaso ko ay parang ayoko na sila makita pa o makilala.

Hindi dahil sa galit ako sa kanila kundi respeto na lang din sa magulang na umampon sa akin. Dahil sa ilang taon kong nabubuhay sa mundong ito, sila ang nag-alaga sa akin at wala na akong nanaiisin pa na kumilala ng ibang magulang bukod sa kanila, kadugo man o hindi.

"Hindi naman po ako galit sa kanila. Maswerte nga po ako dahil kung hindi nila ako iniwan dito, baka kung ano na ang nangyari sa akin. Baka hindi ko nakilala ang mga kinikilala kong magulang ngayon..."

I will always be thankful for them no matter what. Dahil kahit nagawa nila akong iwanan ay mas pinili pa rin nila na buhayin ako.

"Ayoko lamang po tignan dahil ayoko na bigyan ng rason si Mommy para maging malungkot po. Masaya na po ako kahit hindi ko alam kung sino talaga ako. At saka hindi pa rin naman mababago ang katotohanan na iniwan nila ako kahit makilala ko sila. At kahit may matinding rason pa, ayoko na pong alamin iyon. Ayoko ng masaktan sila Mommy..."

Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Kaya sana Sister... Ito na po ang huling beses na kukulitin niyo ako tungkol sa tunay kong magulang. Huwag niyo na rin po ipaalam kela Mommy ang tungkol dito. Iyon lang po ang huling kahilingan ko sa inyo Sister Mary."

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now