Chapter 19

1.8K 61 0
                                    

Chapter 19

"CONGRATULATION ANAK! GRADUATE KA NA!" masayang bati nila sa akin pagkababa namin ng entablado.

"Thank you Mommy at Daddy." Yinakap nila ako. Ngayon ang graduation ko bilang pagtatapos sa college at masaya ako dahil ito na ang simula na mabibigyan ko sila nang maayos na buhay. Mapapag-aral ko na rin si Kiel sa magandang paaralan kapag nagkatrabaho ako at maibibigay ko na rin ang mga gusto nila.

"Saan mo nga pala balak magtrabaho anak?"

"Sa Cortez Empire po. Hiring po sila ng Office Secretary." simple at diretsong sagot ko sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa.

"Hindi ba masyadong malayo sa amin iyon anak? Baka kung mapaano ka?"

"Kasama ko naman po si Carla Dy. May apartment po siyang nakita para sa akin."

"Eh bakit hindi ka na lang makitira kay Carla? Para hindi na kami mag-alala." nag-aalalang wika ni mommy.

"Ayoko Mommy. Nakakahiya kela Tita Mariel at saka nakita ko na iyong apartment. Maayos naman po kaya ayos na ako roon. Tatawagan ko na lang po kayo at saka ang mas mahalaga ay iyong kayo nila Kiel. Alagaan niyo mabuti ang sarili niyo lalo na ikaw Daddy. Inuubo ka na naman." mahabang sabi ko sa kanya.

"Yang Daddy mo kasi, ayaw pa tumigil sa kakainom at sa kakapanigarilyo!" Si Mommy na rumolyo pa ang mata. Napailing na lang ako dahil nagsisimula na naman sila magturuan samantalang pareho naman sila ng bisyo.

"Papupuntahin ko na lang po rito si Auntie Matilda para may kasama pa po kayo. Hindi po kasi ako mapalagay kapag kayong tatlo lang ang magkakasama."

"Oh sige. Ikaw bahala anak. Basta mag-iingat ka doon ha?" si Mommy.

Dalawang araw pagkatapos ng graduation ko ay lumuwas na kami ni Carla papuntang Manila. Nag-apply kami sa Cortez Empire. Ang sabi ay iyong may-ari ang mismong mag-iinterview sa amin kaya hindi ko maiwasan kabahan.

"Ms. Sabramonte. Pasok ka na." Ani noong babae na nag-aasist kanina pa sa amin. Kita ko nga ang pag-aalala sa mukha niya, hindi naman kami siguro lalamunin ng buhay ng boss niya diba?

"Hello po Sir." Ani ko sabay ngiti pa.

Tinitigan ko ng mabuti ang lalaking nasa harapan ko. He looks familiar.

"What position you are applying for?"

"Secretary po. Mayroon pa bang iba?"

"Pwede naman po ako sa kahit anong posisyon Sir."

"In 10 years from now, paano mo nakikita ang sarili mo dito sa kumpanya na 'to?"

"Secretary pa rin po niyo? At saka sir, wala naman salamin. Paano ko makikita ang sarili ko?" Inosenteng sagot ko.

"Bakit dito mo naisipan mag-apply?"

"Kasi gusto ko?" Inosenteng sagot ko ulit. Pinagmasdan ko ang mukha niya, seryoso pero nagpipigil ng ngiti. Hala! Baka kung saan yan lumabas!

"Sir. Pwede ka naman po ngumiti. Kahit wag niyo na po pigilin. Wala naman pong batas na nagsasabi na bawal ngumiti."

Nawala ang ngiti sa labi niya nang sabihin ko iyon. Lagot! Mukhang hindi pa ata ako matatanggap! Ikaw naman kasi Reene! Kung ano-ano pinag-iisip mo!

"Okay Ms. Sabramonte. You'll know the answer today if you are hired. Makakalabas ka na ng opisina ko."

BUKAS ANG ARAW nang libing ni daddy. Wala pang isang linggo nang maiayos ang lahat para sa burol. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa nagawang ayusin ang lahat ng iyon. Mabuti na lang at nandyan ang mga kaibigan ko na handang dumamay sa akin at tulungan ako na ayusin ang burol.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon