Chapter 48

1.4K 58 21
                                    

Chapter 48

"DEL MARCEL," mariing sabi ni Wave bago tuluyang akbayan ako sa braso. Nailang tuloy ako dahil alam kong nakita 'yon ni Tanya. She probably felt jealous right now dahil sa ginawang pag-akbay ni Wave sa akin. Narinig ko pa ang mga bahagyang tili ng mga empleyado namin sa likuran, si Carla at Josephine na nagtutulakan. Maging si Joy ay kasali rin sa umiiling at malaki ang ngisi.

"Hey," kaswal na sabi ni Sir Silver. Iba rin talaga siya. Hini-hey niya lang si Wave eh samantalang iyong ibang president na madalas ko nakikita sa mga meetings, hindi siya magano'n. Ma-attitude rin talaga itong si Sir Silver eh.

"What are you doing here?"

"I'm here for a vacation." Ngumiti siya sa akin at saka kumindat bago ibinalik ang tingin kay Wave. Pakiramdam ko nga ay nagsusukatan sila ng tingin. Kulang na lang ay iyong tunog ng malakas na kidlat para sa background music nilang dalawa.

Pagkatapos ng pagkikita namin tatlo sa lobby ay dumeretso na kami sa kanya-kanyang kwarto. Sa dami ng empleyado na kasama sa retreat na 'to eh limang kama ang nasa bawat kwarto ang kinuha. Syempre solo iyong kay Sir Drew at kay Tanya.

"Reene, you're gonna share with me," mariing sabi ni Wave sa akin na naging dahilan kung bakit tumingin na naman sa amin ang mga empleyado lalo na ang makadudang tingin ni Carla na kinaiinisan ko.

"Ha? Bakit naman ako makikishare ng kwarto sa'yo?"

"We already shared a room when we're in Ilocos. Anong problema?" tanong niya habang nakatingin sa akin, nakaarko ang isang kilay at nakapamewang na parang hindi makapaniwala na nagrereklamo ako na makiki-share ako ng tulugan sa kanya. Medyo malakas pa nga ang pagkakasabi niya kaya nagsitinginan sa amin iyong empleyado.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso bago inirapan.

"P-Pinuntahan kita no'n!" Lalo akong namula dahil sa sinagot ko, lalo na ng magkatinginan na naman si Carla at Josephine na parang nang-aasar dahil ako mismo ang nagbabaon sa sarili ko.

"Exactly! Kaya anong inirereklamo mo?" Pinanlakihan ko ng mata si Wave at saka muling hinampas nang bahagya sa matipuno nitong braso.

"H-Hindi ako nagrereklamo. Hindi ba dapat sa room na lang ng empleyado ako matulog kasi empleyado rin naman ako?"

"Hui! Reene! Siksikan na kaya sa amin! At saka si Sir Wave na nagsabi. Hindi dapat sinusuway ang boss," nakakahabag na sabi ni Carla.

"Oo nga, Reene! Maawa ka samin! Siksikan na kami oh," gatong pa ni Josephine.

Tinaasan ko ito ng kilay pero nilakihan naman ako ng mata nang mga magaling kong kaibigan. Kailan pa naging kunsintidor ang mga kaibigan kong ito?

"Kareene can share with me," malumanay na sabi ni Tanya na nagpatingin sa amin lahat. Hindi nagustuhan ni Carla ang pagsagot nito dahil sumimangot siya pagkatapos. Team up pa nga sila ni Josephine sa pag-ikot ng mata.

"Ay paepal," bulong ni Josephine pero rinig ko naman. Tumingin ako kay Wave bago tignan si Tanya.

"O-Oo nga! S-Sa kanya na lang ako matutulog."

"I had a bad feeling on this," rinig kong sabi ni Sir Drew. Siniko naman siya ni Ma'am Stella dahil siguro magkaibigan pa rin sila ni Tanya kahit paano. Respeto na lang din.

"Fine."

Eh di ayun nga, inakyat na namin ang mga kanya-kanya namin gamit sa mga kwarto. Kaming dalawa ni Tanya ang magka-share tapos iyong ibang empleyado katulad ni Carla at ni Josephine ang magkakasama. Syempre magkaibang kwarto ang mga lalaking empleyado sa babae, tapos si Sir Drew at Ma'am Stella naman sa isang kwarto at si Wave naman ay solo.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now