Chapter 51

1.5K 45 3
                                    

Chapter 51

NAGTAGO AKO SA KUWARTO kahit na dapat ay kasama ako nila mommy para isurpresa si Auntie. Siguradong hahanapin ako ng mga 'yon kapag nalaman nila na wala ako. Paano ba ako makakalabas kung ganito kapula ang mukha ko? Para akong nagblush-on nang wala sa oras! Tapos paano ko papatunguhan si Wave?

Bakit ko ba kasi siya hinalikan?

Nababaliw na siguro ako!

At saka bakit niya ba ako hinalikan in the first place?

Hindi ba dapat si Tanya iyon? O baka naman napagkamalan niya ako na ako si Tanya kaya hinalikan niya ako? Pero walangya naman oh! Mas maganda naman si Tanya kesa sa'kin! Mukha kaya akong patatas!

Ugh! I can't believe this.

Ngayon ay wala akong alam kung paano ko siya papatunguhan na hindi kumakabog ang dibdib o hindi man lang namumula! Ang nakakainis pa, eh mukhang nagustuhan niya naman iyong ginawa ko! Pero bakit? Hindi ba dapat magagalit ka kapag hinalikan ka? Especially when you didn't like the kiss!

Jusko! Nababaliw na talaga ako!

"Kareene! Nandyan ka ba sa kwarto? Kanina ka pa hinahanap ni Wave. Lumabas ka na riyan at padating na ang Auntie Matilda mo! Masisira ang surpresa."

Napapikit ako ng marinig ko ang boses ni mommy mula sa labas. Kung ganoon ay pinapahanap ako ni Wave ngayon kay mommy para hindi ako makatakas. Uh! Ginamit pa niya talaga si mommy para sa kalokohan niya!

"O-Opo. P-Palabas na po."

Napahinga ako nang maluwag ng umalis na si mommy sa tapat ng kwarto. Pero hindi pa man ako nakakabawi ng may kumatok na naman mula sa labas.

"Kareene." Halos mapasinghap ako sa kanyang boses na tumawag sa akin at napapikit ng mariin dahil muling kumabog na naman ang puso ko.

"I'm waiting outside. Can you open the door?"

"L-Lalabas na ako!" Kinagat ko ang ibabang labi ko at binatukan ang ulo dahil sa sinabi ko. Anong lalabas, Kareene? Eh hindi mo nga alam kung paano siya haharapin tapos lalabas ka? Ano? Suicide lang ang peg mo?

Hindi siya sumagot kaya akala ko umalis na siya. Huminga muna ako ng malalim at ipinikit muli ang mata.

Breathe in.

Breathe out.

Kalmado akong binuksan ang pintuan pero nanumbalik doon ang taranta nang makita ko siya na naghihintay sa tapat. Sigurado akong kapag bumalik ako sa kwarto ay hahawakan na niya ang kamay ko.

"A-Anong ginagawa mo rito? D-Diba sinabi ko na bababa ako?" nauutal na saad ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako ng maigi. Tanging malapit na mapundi na ilaw ang nagbibigay liwanag sa amin dalawa.

Lumapit siya sa akin kahit na maliit lang naman ang distansya na namamagitan sa amin dalawa. Ang kamay niya ay nasa kanyang likuran. Yumuko pa nga siya saglit nang lumapit siya sa akin bago itinuon ang kamay sa pader dahilan para makulong ako sa kanya.

"I'm here because I know that you'll avoid me later," seryosong saad niya sa akin. Hindi na naman ako makahinga. Paano ba 'to?

Hindi ako nakasagot at lunok lang ang tanging nagawa. Wala akong ideya kung kailan natuto si Wave na manghula o mambasa ng isipan ng tao.

"I didn't regret the kiss if that's what you think," seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. Hindi na naman ako nakasagot dahil naging blanko na ang utak ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon galing sa kanya.

"Why should I regret something that I want on the first place?" tanong pa niya sa akin. Nanatili akong nakatulala sa kanya hanggang sa kinurot niya ang pisngi ko at saka bumaba para iwan ako.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now