Chapter 26

1.5K 43 0
                                    

Chapter 26

HINDI AKO NAKATIIS at lumabas nang bahay pagkatapos ako iwan ni Wave rito sa apartment. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa rin niya ako papasukin kahit na okay naman na talaga ako. Hindi ko magawang pumirmi kaya pumunta ako sa opisina bilang bisita. Nagulat nga si Carla nang makita ako eh.

Sumakto pa nga ang pagpunta ko dahil lunch break nila. Papunta pa lamang sila sa cafeteria nang makita ako. Sa main lobby kasi ako dumaan.

"Naku Reene! Ano ba ang ginagawa mo rito?"

"Nabored kasi ako Carla. Wala kasi akong magawa sa bahay."

"Eh siguradong ayos ka na ba? Baka hindi pa ah? Kami pa mapapagalitan ni Sir Wave eh."

"Okay na talaga ako. Sadyang makulit lang ang isang 'yon. at gusto ako pagpahingahin. Eh nasaan na ba siya? Nandyan ba?"

Hindi ko pa siya nakikita na lumabas ng opisina o bumaba man lang. Usually dito sa cafeteria iyon kumakain kapag kasama ako. Nasanay na rin siya sa mga tingin ng empleyado pero kung minsan ay sa labas pa rin kami kumakain dalawa.

"Ahh... Eh kasi..." Umiwas ng tingin si. Carla sa akin. Kumunot ang noo ko dahil doon. Ano ba ang nangyayari rito kay Carla at ganito ang ikinikilos?

"Carla?"

Lumipat ang tingin ko sa hallway kung saan may nagba-bow na mga tao. Hindi nga ako nagkamali dahil si Wave iyon pero hindi pa roon natatapos ang bahagyang pagkagulat ko dahil nakita ko si Tanya na kasama niya.

Iginiya siya nito palabas ng empire. Sabay silang lumabas at mukhang may balak pa ata kumain sa labas. Naputol lamang ang panonood ko sa kanila nang hindi na sila maabot ng tingin ko,

"Naku Reene... Pasensya na ha? Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa'yo lalo na at ikaw pa ang girlfriend ni Sir Wave..." natatarantang turan niya sa akin. Mas lalo pa nga ata siyang nataranta noong mapansin niya na hindi ako nagsasalita at diretso lang ang tingin doon sa dalawa hanggang lumabas ito ng lobby.

"Hindi mo ba sila susundan? Hindi ko alam ah pero parang mahal pa rin noong Tanya na 'yon si Sir Wave kaya kung ako sa'yo, sundan mo na at baka ahasin pa!"

"Ahasin? Kailan pa naging ahas si Ms. Tanya, Carla?"

"Ay naku Reene! Ang slow mo naman eh. Sundan mo na lang sila! Dali!" Tinulak-tulak na ako ni Carla kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin ito. Maingat kong sinundan ang dalawa dahil baka makita ako ni Wave. Ayoko naman na makita niya ako at magmukhang nagdududang girlfriend niya sa harap ni Ms. Tanya.

Huminga ako ng malalim at sinundan nga sila. Nagpunta sila sa malapit na restaurant na hindi kalayuan sa Cortez. Pumasok ako at pumwesto sa upuan kung saan hindi nila ako matatanaw pero maririnig ko pa rin kahit kaonti ang usapan nila.

Hindi naman na siguro nila ako mahahalata kasi ibang-iba ang ayos ko ngayon kumpara sa itsura ko kapag nasa trabaho ako. Hindi ko rin talaga balak magpakita kay Wave habang nasa lobby ako kaya naisip ko na mag-disguise. Nahalata lang ako ni Carla dahil sa boses ko.

Ipinagpatuloy ko na ang pagmatyag kela Wave. Maayos naman iyong usapan nila kaso bigla akong nabahala sa mga narinig ko. Parang may sandaling sumakal sa puso ko.

"I'm planning to call off the wedding."

I can't help but to gasped. Hindi ba niya mahal si Sir Silver para gawin ang desisyon na iyon? O talagang si Wave lang ang mahal niya noon pa man? Pero bakit siya nakipaghiwalay?

"Bakit?"

"Dahil mahal kita Wave! Mahal na mahal pa rin kita!"

Pareho kaming napipilan ni Wave. Bagama't hindi nila ako nakikita ay alam ko na gano'n din ang reaksyon niya ngayon.

"Hindi ako umaasang babalik tayo sa dati. May girlfriend ka pero gusto ko lang malaman mo na mahal pa rin kita. Hindi ko ginusto na umalis noon Wave..."

"Hindi naman ako manggugulo. Just hear me out... Please."

Umiyak si Ms. Tanya sa harap niya. Hindi ko iyon inaasahan. Parang may sandaling pumiga sa aking puso sa mga oras na 'to. Sa totoo lang, nalungkot ako nang malaman ko na naghiwalay dahil alam kong siya lang ang babaeng minahal nitong si Wave. Nakaramdam din ako ng kaonting galit kay Ms. Tanya dahil sa pag-iwan niya sa kaibigan ko pero ngayon ay nabigyan na ng linaw ang lahat.

Mahal niya si Wave. Iyon ang malinaw. Pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot dahil alam kong hindi na sila babalik sa dati. I asked him once if he would still accept her if she would come back to him, knowing that he still have feelings for her and he said no.

Noong una akala ko ay nagbibiro lang siya pero mukhang seryoso siya roon at naiintindihan ko kung bakit. Hindi naman bagay si Wave para itapon at balikan mo ng paulit-ulit.

"Tanya..."

"I got raped, Wave," nanghihinang saad nito sa kanya. Parang isang malakas na bomba ang pinakawalan nito, hindi lang kay Wave kundi pati sa akin.

"What?"

"I got raped," mariing ulit niya. Naramdaman ko rin ang pait sa bawat salita na binitawan niya. Para akong binuhusan ng asido dahil doon. Kahit nakatalikod ako sa kanila ay alam ko ang mukhang ipinapakita nito ngayon kay Wave. Puno iyon ng lungkot at pagsisisi. Alam ko dahil nanggaling na ako roon.

"Hindi ko kayang ipagpatuloy ang relasyon natin kung kalahati lang ng pagkatao ko ang maibibigay ko sa'yo. You don't deserve that Wave. Sa atin dalawa, ikaw iyong bigay ng bigay..."

"I didn't want you to see how devastated I am..."

"So leaving me is the best option that you have?"

"Hindi Wave... hindi... hindi ko ginustong iwan ka pero wala na akong choice. If I stayed with you... Masisira tayo pareho. I just thought about your future... Nagtayo ka ng kumpanya at ayokong masira iyon nang dahil sa akin..."

She made a mistake. If she thinks that leaving and breaking up with him is the right thing to do, then she's wrong.

"Nasira pa rin naman ako. Hindi mo ba naisip 'yon?" asik ni Wave sa kanya.

Hindi ko siya masisisi kung galit siya kay Tanya dahil ngayon niya lang sinabi ang lahat. Kung mahal niya ito, sasabihin niya ang totoo pero mas pinili niyang makipaghiwalay at iwanan siya sa takot na masira niya si Wave dahil sa nangyari sa kanya.

Muling umiyak si Tanya. "I'm sorry... I' m really am..."

Bumalik si Wave sa Empire na hindi kasama si Tanya. Tulala itong naglalakad habang tahimik ko siyang sinusundan. Kahit hindi ko siya tanungin ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. He's blaming himself because of what happened to Tanya dahil hindi niya ito nagawang iligtas sa kapahamakan.

Kung ako nga rin naman ang nasa posisyon niya ay baka sisihin ko rin ang sarili ko.

Hindi agad dumeretso si Wave sa opisina niya dahil may kinausap pa ito sa kanyang telepono kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon na pumunta sa opisina at maghintay sa kanya hanggang sa makabalik siya.

Wala pang ilang minuto nang bumukas na ang pintuan at kagaya nga ng inaasahan ko, he looks empty.

I wanted to hug him as soon as he entered the office but I just stood there, waiting for him to ask me what I am doing here instead of staying in the apartment and resting while staring at him. Alam ko na hindi basta kaibigan lang ang kailangan niya ngayon. I want to make him feel better. Iyon na lang ang magagawa ko para sa kanya.

I made a promise that I will always be here for him even on his darkest days' kaya bakit ako uuwi at maghihintay na sabihin lahat sa akin?

"What are you doing here?"

I scanned his face. He looks tired but I have to cheer him up. He like doing things for me whenever I'm sad at ganoon din ako dapat sa kanya dahil ganoon naman talaga ang magkakaibigan.

Tumayo ako at lumapit ng bahagya sa kanya. I smiled at him.

"Need a friend today?"

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now