Chapter 18

1.8K 62 3
                                    

Chapter 18

INIS NA INIS si Wave sa kanyang sarili dahil sa inaakto niya. Inaamin niya na kahit ano pang rason, hindi niya dapat sinungitan ng ganoon si Reene, kahit na nagtatanong pa ito tungkol kay Tanya. She's just concerned at walang masama tungkol doon. Inaamin din niya na tama nga si Reene, na kaya siya nagkakaganito ay dahil kay Tanya.

Sa pagbalik nito ay naalala na naman niya lahat. Kung paano siya nito pinaniwala na wala naman namamagitan sa kanila ni Silver noong nagpaliwanag ito. He trusted her. In the end, she broke up with him and date Silver instead.

He thought that it was already gone. That he already moved on from the past dahil matagal na noong sumuko siya sa relasyon nilang dalawa pero nandoon pa rin pala iyong sakit. Ang mga katanungan na pilit niyang ibinaon sa limot ay bumalik sa kanya.

Remembering the past will never be his thing but he suddenly remembered all of that because of Tanya. Akala niya nabaon na lahat sa limot dahil ilang taon na ang nakalipas but he suddenly felt the same pain when Tanya broke up with him. The pain that consumed him for years when she left him. Parang nabuhay muli ang galit na nabuo sa puso niya nang makita ang dating nobyo kasama ang fiancée nito at masaya. Inaamin niya na nakaramdam siya ng inggit pero mas nangingibabaw ang mga katanungan at galit sa puso niya. Kung bakit niya ito nakuhang iwan noon o kung may nagawa ba itong mali kaya siya nakipaghiwalay.

When Tanya showed up, he doesn't have any choice but to face her with all his guts. He may not be the perfect man but he knew to himself that he loves Tanya with all his heart. Hindi siya nagkulang dito. Ibinigay niya lahat nang kaya niya ibigay dahil sobrang mahal niya ito. At ngayong nagkita muli sila ay hindi niya alam kung ano ang nararapat niyang gawin o kung may dapat ba siyang gawin.

Is he still inlove with Tanya after she left him?

No...

Maybe yes?

Maybe no?

Hindi niya talaga alam ang sagot dahil kung alam niya ay hindi siya magkakaganito ngayon at mas lalo siyang naiinis sa sarili niya dahil nagalit pa sa kanya si Reene. Nadamay si Reene sa nararamdaman niya and knowing his bestfriend, mahihirapan siyang suyuin ito. Hindi dahil sa mahirap suyuin si Reene kundi dahil sa nahihiya siya. Hindi niya gawain ang manuyo. It will never be his thing. He's a Cortez. Hindi siya ipinanganak na iplease ang mga taong nakakasalamuha niya but when it comes to Reene, nababago lahat ng iyon. Nagagawa niya ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa sa buong buhay niya.

Hindi naman niya talaga sinasadya na masaktan si Reene sa sinabi nito kanina. When he saw her disappointed face inside his office, lalong sumama ang loob niya sa sarili. Hindi na niya tuloy alam ang gagawin. Ayaw niya mag-open up kay Reene tungkol kay Tanya dahil wala na naman ito sa buhay niya. Yes. He's still affected to her but that's it kaya anong sasabihin niya?

Opening up to her won't changed the fact that Tanya left him.

"Mom?" tawag niya nang bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang ina.

Tumayo siya para halikan ang pisnge nito, "What are you doing here?"

"Bibisitahin sana kita at yayain kayong dalawa ni Reene na lumabas para kumain pero wala siya dyan sa table niya."

"She's with her friends, Mom." Panay ang dungaw kasi nito sa bintana kanina pa nang makita niya si Reene kasama sila Carla na lumabas. Pupunta ata sila sa malapit na restaurant para kumain dahil magtatanghalian na.

"I got a news that Tanya showed up on the party with her fiancée." seryosong sabi ng kanyang ina. Alam ni Wave kung gaano kaayaw nito kay Tanya pagmula ng iwan siya nito. Kung dati-rati ay tanggap siya nito, ngayon ay kinamumuhian na niya ang dalaga. She became more protective mother after she saw him in miserable state.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon