Chapter 3

4.2K 102 8
                                    

Chapter 3

"WHAT'S MY SCHEDULE FOR TODAY?" tanong ni Sir Wave na as always ay nakabusangot na naman ang mukha. Tinitigan ko siya saglit. Bakit parang may kakaiba ata sa kanya ngayon?

Blooming?

Ala oo nga! Blooming si sir! Hindi kaya nagkabalikan na sila? Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil doon. Hindi ko naman kasi alam na may pagkamarupok pala itong si Sir Wave pagdating kay Sir Drew. Iba talaga kapag inlove. Pero bukod doon ay may kakaiba pa talaga ngayon kay sir. Ayaw niya magpapasok ng basta-basta ngayon sa office niya. Kinakailangan ko muna tumawag sa kanya gamit ang telepono sa desk ko bago magpapasok ng bisita o ng mga taong gustong kumausap sa kanya samantalang noong una ay kahit katok lang sa pintuan ay ayos na.

"Ms. Sabramonte?" ulit niya sa pangalan ko. Umarko ang kanyang kilay sa akin. Doon ko lang na-realize na may tinatanong pala siya sa akin.

"I said, what's my schedule for today?" ulit niya sa tanong. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at binasa ng mabilis ang schedule. Karamihan nga sa schedule niya ngayong araw ay mga meetings lang. Sa huling buwan pa iyong presentation ng Accounting Department para sa mga nagastos sa loob ng apat na buwan.

Ang Cortez Empire ay kilala sa paggawa ng mga iba't ibang online games na talaga naman naging kilala sa kahit saan man sulok ng mundo. Karamihan ng mga inilabas na laro ng Cortez Empire ay nalaro ko na rin noon bago pa ako mag-apply dito bilang secretary ni Sir Wave. At masasabi ko na sobrang worth it ng mga game na nilalabas nila kada-taon.

Isa ang Seven Deadly Sins sa nalaro kong laro na ni-release nila last year. Pumatok ito sa kabataan at hanggang ngayon ay marami pa rin ang naglalaro. Balita ko nga ay isasagawa na ang part two ng laro ngayong taon. Excited na nga ako roon eh.

Minsan na rin sumali ang Cortez Empire sa parang game festival dito sa Metropolis. Sa katunayan nga ay nasungkit ng Cortez Empire ang best game of the year dahil sa Seven Deadly Sins. Tanda ko pa nga na nagpapicture pa ako sa mascots sa sobrang tuwa ko.

"May iuutos pa po ba kayo?" tanong ko muli sa kanya. Kumunot pa nga ng bahagya ang noo ko at saka muling napangiti dahil nakita kong nakaflick ang isang daliri ni Sir Wave habang pumipirma. Mukhang wala na talagang makakapigil kay sir na magladlad dahil sa inaakto niya.

"Sir? May ipag-uutos pa po ba kayo?" ulit ko dahil mukhang hindi niya narinig ang pagtatanong ko sa kanya. Masyado siyang focus sa pagbabasa at pagpirma ng mga proposal ng game department. Kapag naaprobahan ang proposal na ginawa ng game department, ipapasa nila iyon sa graphic designers team dahil sila iyong magdedesign ng mga character na ia-approve ulit ni Sir Wave. Pero bago iyon makarating kay Sir Wave ay susuriin munang mabuti ng team leader sa bawat team. Palagi rin silang nagko-consult kay Sir Wave para hindi sayang sa oras.

"None. Please tell them that I won't entertain visitors for now,"

"Okay, sir." Hahakbang pa lang sana ako palayo sa kanya nang tawagin muli ni Sir Wave ang pangalan ko kaya naman mabilis akong lumingon sa kanya at nakita ang pag-aalangan nito sa mukha sa sasabihin. Halata naman kasi siya! Hello! Ang tagal ko na rin kayang secretary ni Sir Wave!

Lumabas na ako ng office ni Sir Wave. Nakita ko naman si Carla na nakatambay sa desk ko. Buti na lang at may kurtina iyong malaking bintana ni Sir Wave sa opisina niya kaya hindi niya malalaman na may nagtsi-tsismisan na mga empleyado during office hours.

"Sayang-saya ah? Hindi mainit ang ulo ni boss?" tanong ni Carla sa akin. Tumango naman ako. Sa nakikita ko ngayon, good mood na ulit si Sir Wave. Mukhang nagkaayos na talaga sila ng boyfriend niya.

"Bumalik ka na sa desk. Baka mamaya makita ka pa ni Sir Wave eh,"

"Naloloka na ako sa pagsi-shift ng mood ni Sir Wave. Hindi ko matantsa," reklamong saad ni Carla sa akin.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now