Chapter 54

1.4K 42 4
                                    

Chapter 54

NAGISING AKO sa isang madilim at abandonadong lugar. Walang tao. Sinubukan kong gumalaw ngunit naramdaman ko ang mahigpit na pagkakatali sa aking braso. Bagama't nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko ay pinilit ko makatayo at humanap ng paraan para matanggal ang tali.

Sinisimulan na ako kabahan dahil madilim pero kinakailangan ko makatakas. Nakahanap ako ng sirang salamin. Masyadong malaki iyon kaya sinubukan ko basagin sa mas maliit na piraso sa pamamagitan ng pag-abot nito gamit ang nakatali kong kamay bago iyon binasag. Nang mabasag ay maingat kong kinuha ang mas maliit na piraso nito at iyon ang kiniskis sa tali upang matanggal. Naramdaman ko ang hapdi sa braso ko dahil matagal bago ito maputol.

Nang maputol ay mabilis ko rin tinanggal ang tali sa paa ko. Binuksan ko ang pintuan na may halong todong pag-iingat. Kung nakidnap nga ako ay paniguradong may nagbabantay sa akin pero wala akong nakita. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon upang makaalis.

Paalis na ako sa abandonadong lugar na 'yon nang makita ko si Wave na pawis na pawis at naghahabol ng hininga. May mga onting galos ang kanyang mukha habang ang kanyang mga mata ay napuno na ng pag-aalala at takot.

S-Sinubukan niya ba ako iligtas sa masasamang tao na dumukot sa akin?

Saglit na napuno ng kung anu-anong emosyon ang puso ko. Tears started to cloud my eyes. Knowing Wave, I know that he will try anything just to save me. Iyong mga galos sa mukha niya ang patunay na sinubukan niya nga ako hanapin at iligtas.

Sinubukan kong maglakad papunta sa kanya sa kabila ng pagbigat ng paa ko. At nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya at pakawalan ang mga luha kong kanina pang gusto kumawala.

"I'm so worried about you."

Naramdaman ko ang ginawa niyang paghalik sa aking ulo dahil sa labis na pag-aalala sa akin. Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Parang doon lang ako nabunutan ng tinik nang maramdaman ko ang mainit nitong yakap sa akin.

"Wave, nahanap— "Nakita ko si Sir Silver at maging si Sir Drew na pawis na pawis at hinahabol ang paghinga. May galos din ang mukha nilang dalawa pero mas marami iyong kay Wave. Kung ganoon ay sila ang tumulong sa paghahanap sa akin.

Pagkatapos ko umiyak ay sinamahan nila ako sa pulis upang hanapin ang sumubok na kidnapin ako. Noong una ay hindi naniniwala ang mga pulis sa sinasabi ni Wave kaya muntikan na niyang masuntok ang pulis na nasa presinto kanina. Buti na lang ay napigilan ko dahil nagsalita ako.

Alam kong frustrated na si Wave sa lahat ng mga nangyayari ngayon dahil nakikita ko iyon sa mata niya, kung gaano siya kagalit at kung gaano siya nag-aalala sa akin. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito habang si Sir Silver naman ay tahimik at kalmado lang pero may galit din sa kanyang mga mata. Si Sir Drew lang talaga ang totoong kalmado sa kanilang tatlo at maayos na nakikipag-usap sa mga pulis ngayon.

"After this, we're going to the hospital," mariing sabi ni Wave sa akin. Hindi na ako nakaangal at mas piniling itago ang kamay kong puno ng mga sugat dahil kanina. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-igting ng panga ni Wave nang makita niya ang mga sugat kong sinubukan ko itago.

"Ms. Sabramonte," malakas na tawag sa akin ni Chief Inspector Romano kung kaya't napatayo kami pareho ni Wave.

"May ideya ka na ba kung sino ang nagtangkang dumukot sa'yo?" tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling dahil wala talaga akong ideya kung sino ang gustong dumukot sa akin. Inaamin ko na medyo naging kampante ako simula noong huling insidente dahil ilang buwan na rin naman ang nakalipas simula no'n at wala pa ulit nangyayari sa aking masama o kay Wave.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon