Chapter 40

1.7K 55 9
                                    

Chapter 40

"ANONG GINAGAWA MO RITO, DEL MARCEL?" seryosong tanong ni Wave kay Sir Silver.

"Pumapayag na ako sa gusto mo," mabilis na sagot nito. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Walang ideya kung ano ang sinasabi nila.

"You should've called."

"I'm planning that too, but I saw her," wika ni Sir Silver. Para akong namutla dahil tinuro ako niya ako. Ibinalik ko ang tingin kay Wave na ngayon ay nakataas ang kilay sa akin.

"Kaya hinatid ko na siya rito."

"Hinatid?" May sasabihin pa dapat si Wave pero muling pumasok si Carla sa opisina kasama ang mga pulis habang dala-dala si Dianne at nakaposas.

Masyadong naging mabilis ang nangyari. Ang natatandaan ko lang na sinabi ng pulis ay si Dianne ay may kagagawan ng lahat. Siya iyong nagnakaw sa kumpanya at nag-utos sa dalawang lalaki noong gabing 'yon para mapahamak kaming dalawa. Siya rin iyong nagbasag at gumulo ng mga gamit ko sa apartment.

Galit na galit si Carla nang malaman niya iyon. Halos gusto niya na patayin si Dianne nang dalhin na ng pulis ito sa loob ng sasakyan.

"Okay ka lang, Reene?"

Tumango ako. Masyadong naging mabilis ang lahat. Ni hindi nga magawa ng utak ko na iproseso lahat. Parang bigla na lamang ako sasabog dahil sa nagkahalo-halong emosyon.

Ang daming tanong na nabuo sa utak ko, katulad na lamang kung paano niya nagawa 'yon? Paano niya naatim na magnakaw at magpahamak ng tao? Hindi ba niya alam na sobrang makasalanan ng ginawa niya? Na sobrang natakot ako? Hindi dahil sa ginawa niya sa akin kundi kay Wave? Hindi ba siya nakokonsyensya?

Nagsimula na magtubig ang mga mata ko. Para akong nabunutan ng tinik nang mahuli na si Dianne pero nandoon pa rin iyong kaba. Dahil paano na lang kung hindi siya nahuli? Sobrang lapit niya lang sa amin!

"Reene," tawag ni Wave sa akin. Hindi ko siya nilingon. Nanatili lang akong nakayuko habang pinipigilan ang maiyak. Ayoko ipakita sa kanya kung gaano ako kaemosyonal ngayon dahil alam kong pagtatawanan niya lang ako pero hindi nagpaawat ang magaling kong boss. Nilapitan niya ako at inangat ang aking mukha para mas matignan ako ng maayos.

Kinakagat ko ang ibabang labi ko nang iangat niya ang mukha ko. Muntik na siyang matawa dahil kitang-kita ko kung paano ito nagpigil ng tawa. Muntik ko na tuloy siya hampasin sa braso kung hindi niya lang pinunasan ang luha ko na tuluyan ng tumulo.

"Wala ka ng dapat ipag-alala. Nahuli na siya." Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya bago ako nito tuluyan yakapin.

Bumalik na kami lahat sa loob pagkatapos ng eksena na 'yon. Ang sabi naman sa akin ni Wave ay isasama niya ako sa prisinto ngayong linggong ito pagkatapos ko siyang pilitin dahil may mga gusto ako itanong kay Dianne na nagpapagulo sa aking isipan. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi ko magagawang tumahimik hangga't hindi ko nakakausap si Dianne ng personal at nasasagot ang mga katanungan ko. Wala siyang nagawa at tumango na lang.

"Bakit nga pala kayo magkasama noong lalaking 'yon?" tanong ni Wave na nakakunot na naman ang noo sa akin. Parang kanina lang ay maayos ito ah? May pangit siguro siyang naalala.

"Sino? Si Sir Silver ba?" Bahagya itong tumango sa akin.

"Ahh. Kasi nga, nakita niya ako na papasok na sa trabaho. Pinilit niya ako ihatid, wala naman masama kaya sumabay na ako."

Lalong umarko ang kanyang kilay sa naging sagot ko na parang iyon na ata ang pinakamasamang narinig niya sa buong buhay niya.

"Layuan mo ang lalaking 'yon, Reene."

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now