Karma 3 - The Wedding

17.8K 302 6
                                    


 [3]

 -University- Monday, (9:00am)



Nandito ako sa garden ng university at kausap ko ang hindi makapaniwalang bestfriend ko na si Millicent.



"Grabe kang Bruha ka! Hindi ko akalain tinuloy mo ang plano mo. Take note, nagtagumpay ka na. Ikakasal ka pa sa lalaking mahal mo. Ni sa panaginip hindi ko naisip na mangyayari yun," nailing na sabi niya sa akin.



"Diba sabi ko sayo gagawin ko lahat, nakangiti kong sabi sa kanya.



"Tell me the truth Yssa! Did you gave up your virginity just to get him? Don't you think that's too desperate?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kasi Millicent has been my friend for almost 7 years since high school. Kaya she's kinda worry and she knows me very well.



"To tell you the truth, we kissed, we touched each other but nothing happened between us. Gustuhin ko man pero hindi pa ako ready kaya pinatulog ko siya. Hindi naman ako ganoon ka desperado. Konti lang!" natatawa kong sagot sa kanya.



Umiling lang muna siya bago magsalita. Akala ko talaga. Ibinigay mo na. Hay naku! Ikaw na bruha ka. Pinag-alala mo ako. You're too young to get pregnant. Magtapos ka muna ng pag-aaral. Nasa finish line na tayo at gagraduate na."



"Duh! Ayoko pa kayang mabuntis. Tsaka na yan after I graduate. The most important thing for me is I'm getting married to Dave, the man of my dreams," kinikilig kong sabi.


"Anyway, Friend. Paano kung malaman ni Dave na niloko mo lang siya? Na wala talagang nangyari sa inyo. Hindi ka ba natatakot na imbes na mahalin ka niya ay kamuhian ka niya?" seryosong tanong niya sa akin.



"Honestly, hindi ko pa yan iniisip. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam nito. I trust you friend kaya sa atin lang ang sikretong ito. And wala naman ng magagawa si Dave pag kasal na kami. Hinding-hindi ako papayag na makipaghiwalay sa kanya kung malaman niya man. Sa ngayon, masaya lang ako. Bahala na pagnandun na ako sa aktwal na mangyayari." Masyado ko na siyang mahal kaya gagawin ko ang lahat.



"Basta remember, think first before you make a move. Ayokong masaktan ka. Marami ka ng pinagdaanan para maranasan mong mafail ulit. Sana lang hindi ka makarma. Prayers lang ang maitutulong ko sayo ngayon."



Yinakap ko si Millicent ng mahigpit. Alam kong mali ang ginawa ko pero ito lang ang gusto ko at hindi ko palalagpasin ang pagkakataon. Umaayon sa akin ang tadhana. Siguro hindi naman ako makakarma kasi kaligayahan ko naman ang nakasalalay dito.



"Thank you!" yan lang ang nasabi ko sa kanya. Masyado akong overwhelmed sa support at pagmamahal ng aking one and only bestfriend.



"Wala yun. You're my bestfriend that's why I'm here to support you. Kahit na sa tingin ko sobra na ang ginagawa mo," sabi niya sa akin habang pinupunasan ang lumandas na luha sa mata ko.


*******

-Wedding Day-


10 am



Today is the most important day of my life. Ilang oras na lang, I will be called Mrs. Dave Felix Madrigal. I'm nervous as well as excited because this is the fruit of all my efforts.



Nakaupo ako ngayon at nakatingin sa harap ng salamin. Tinitignan ko ang itsura ko. Tapos na akong ayusan at pagandahin ng hired make-up artist ni Tita Lucia. Si Tita Lucia ay ang soon to be mother-in-law ko. Siya ang mother ni Dave. Napakabait niya pala. Akala ko nung una ay galit siya sa akin dahil sa naabutan niyang ayos namin ng anak niya at malala pa na sa loob kami ng kwarto.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon