Karma 19 - His birthday surprise (part 2)

10.9K 169 4
                                    


Yssa POV

"HAPPY BIRTHDAY!" Sigaw namin lahat ng sabay-sabay pagkapasok palang ni Dave. Sabay-sabay na rin kami kumanta ng birthday song para sa kanya. Kita sa mukha niya ang pagkabigla sa nangyari. Tinignan niya sina Xander at mga kaibigan ng may pagtataka. Sila Zach, Blue, Xander ay pangiti ngiti lang na binati siya. Yung iba naman ay nagtatawanan at nagkwe-kwentuhan sa nangyayari.

"Happy Birthday Bro!" sabay na sabi nilang magbabarkada. Niyakap nila si Dave isa-isa. Lumapit na rin ang ibang mga bisita at binati rin siya. Hindi pa rin ako lumalapit kasi nga time niya yun para makausap ang mga bisita at mga friends niya na matagal na niyang hindi nakikita at nakakabonding.

Kita ko na masaya siya sa surprise na ito. Sa tagal ko ng stalker slash-fan slash-crush si Dave ay alam ko na ang gusto at ayaw niya. Niresearch ko pa kaya yun kaya wala silang naging reklamo sa akin nung naghahanda kami para sa surprise. Ako ang ultimate sa mga ultimate at pinaka-ultimate pagdating sa paghanga kay Dave. Alam ko kaya amoy ng utot niya. I know it may sound gross pero mahal ko eh. You will do anything for love, ika nga nila.

Nakaupo lang kami ni Milly sa tabi at pinagmamasadan ang mga bisita na busying-busy sa pakikipagkwentuhan at masayang nagsasayawan. Malakas ang tugtog sa loob ng bar at madilim kaya di kami nagkakarinigan ni Milly. Hindi ko nga napansin na may sinasabi siya kung hindi niya lang ako kinalabit.

"Uy Yssa, di mo pa ba lalapitan ang asawa mo at babatiin man lang?" Lumapit siya sa akin at malakas na sinabi sa tenga ko.

"Ay, maya na lang. Hayaan na muna natin mag-enjoy ang asawa ko kasama ang mga kaibigan niya. Mamaya na lang ako lalapit pag di na siya busy," nakangiting sabi ko.

Naupo lang kami dito ni Milly sa may sulok ng bar, kumakain at umiinom lang ng pakonti-konti kasi kailangan ko ng lakas para sa gift ko kay Dave. Hindi pa rin ako decided sa ibibigay kong gift sa kanya to think na it may affect our relationship and the way he thinks of me after I will give it. Napabuntong hininga na lang ako.

"Hay!" Sumandal lang ako sa upuan at umimon ulit. Lumapit lalo sa akin si Milly at may binulong na naman.

"Hoy Yssa, ano bang problema mo? Kanina ka pa parang aligaga, parang wala ka sa sarili. Lumapit ka na kaya sa asawa mo. Kanina pa tayo dito nakaupo ni hindi ka pa bumabati sa kanya. Kumakain at umiinom ka lang dito. Gurl, huwag kang magpakalasing, noh. Kahit party mode na tayo, " nginitian ko lang siya bilang tugon.

"Aba, bilis na tignan mo naman may mga babaeng kumakausap at lumalapit sa asawa mo. Baka makalimutan niyan na may asawa na siya at biglang makipaglandian lang sa harapan mo. Sige ka, ikaw din ang kawawa. Masasayang lang ang lahat ng plinano mo kung nagkataon," nakataas ang kilay na sabi niya sa akin habang pinipilit akong tumayo.

Tumingin ako sa may table na inuupuan nina Dave at may kasama talaga siyang mga babae at even worst ay nagkakasiyahan at nagtatawanan pa sila nung katabi niyang girl.

Nakaramdam ako ng selos at inggit sa kaniya dahil parang napakomportable niya sa babaeng kausap niya. Ako lang ang very vocal sa pagsabi ng feelings ko sa kanya. Hindi ko talaga alam ang totoong tumatakbo sa isip at damdamin yan para sa akin. Sweet siya araw-araw pero hindi sapat yun para maramdaman ko na mahal niya talaga ako. Hindi sapat dahil alam ko sa sarili ko na wala talaga siyang pagtingin sa akin. Alam ko naman na pinipilit niya lang akong pakisamahan dahil asawa niya at responsibilidad niya ako.

Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Hindi ko na napigilan ang selos at kahit may kalayuan ang table na inuupuan nila ay pumunta ako at binilisan ang paglalakad para makalapit ako kaagad. Paglapit ko ay si Xander and unang bumati at nakapansin sa akin.

"Yssa, Kanina ka pa namin hinahanap. Bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong niya sa akin habang pinauupo ako sa tabi niya.

"Ah, kasi may ginawa pa kami eh. Alam mo na para maayos at walang aberya ang celebration na ito," nakangiti kong sabi sa kanya at tahimik na umupo sa tabi niya.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon