Karma 51

78 1 0
                                    


Athena Pov

"How was it? Nai-deliver mo ba?" tanong ko sa isang lalaking inutusan ko para ibigay kay Yssa ang paunang regalo ko. Magugustuhan niya yun dahil especially made for her. Siya lang ang binigyan ko ng bonggang regalo na hindi niya malilimutan kaya dapat maging thanful siya sa akin.

"Yes, Ma'am. Mukhang sasaya ang araw ng pinagbigyan mo. Ang laki ng bahay nila Ma'am. Ang yaman ng mga nakatira sa subdivision na yun," pagkukwento niya sa akin pero wala akong planong makinig sa mga sinasabi niya.

"Sinigurado mo bang nakita niya yun regalo?" Tanong kong muli sa kanya dahil ayokong pumalpak siya lalo na kung hindi si Yssa ang nakakita at nagbukas ng regalo. Gusto ko siya talaga ang makakareceive nun.

"Siya mismo nagbukas ng gate, Ma'am. Kita ng dalawang mata ko Ma'am na kinuha niya ang regalo at tinignan. Nagpalinga-linga pa nga siya para hanapin kung sino ang may dala buti na lang magaling ako. Hindi niya ako nakita. May dumating pa nga na isang babae kaya sabay nilang binuksan ang regalo. Pero ma'am nagtataka ako, bakit ganoon ang reaksyon nung isa. Sumigaw nang nakita ang binigay mong regalo. Siguro natouch," takang sabi ng kausap ko.

"Ang dami mo namang tanong, Eto, bayad sa ginawa mo. Siguraduhin mo lang na walang makakalam na ako ang nagbigay ng regalo na yun sa kanya kung hindi malilintikan ka sa akin. Ipapahanap kita kung sakali," sabi ko sa lalaki.

"Yes, Ma'am. Hindi naman ako taga rito at isa pa wala naman nakakita sa akin nung nilagay ko ang regalo. Nakatakip ang buong mukha ko para sure na walang aberya. Ready to Ma'am always," pacute pang sabi niya.

"Wala ako pakialam sa porma mo. Basta ang usapan ay usapan, makakaalis ka na," pagtataboy ko sa kanya. Sinara ko na ang bintana ng kotse at bumalik na sa condo ko. 1st gift is done. Bukas naman ang pangalawa. Excited na ako sa magiging reaction niya. Humanda ka, Yssa. Mababaliw ka sa gagawin ko sa iyo. Sinusumpa ko yan.

--

Dave Pov

Agad akong napauwi dahil sa tawag ng security sa bahay. Inaalala ko ang asawa ko na natatakot na ngayon dahil sa regalong nakuha. Tinawagan ko rin ang mga kaibigan ko para makapagmeeting na at matulungan kami mahanap kung sino ang nananakot sa asawa ko.

Saktong pagpasok ko nang mansyon ay magkausap na sina Yssa at Milly. Hindi ko namalayan na kasunod ko na pala sila Zach. Nandito ang lahat except kay Xander na may important meeting daw kaya hinayaan ko na lang.

Susunod naman daw siya pagkatapos ng gagawin niya. Tinanong ko ang lahat na dapat kong malaman sa asawa ko.

"What happened, Love? tell me everything!" matigas at galit na tanong at sabi niya sa akin.

Kinuha ko muna sa kanya si baby Yade at binigay kay Milly para makapag-usap kami ng maayos. Hindi na din umalis sila Zach dahil need din nilang malaman kung ano talaga ang nangyayari. Bakit may mananakot sa kanya at anong balak ng taong yun.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya. Nakayuko lang siya at tahimik na nag-iisip.

"Love, bakit may ganito? Ano ito?" Tinuro ko ang box sa itaas ng lamesa. Nasa taas nun yung letter at may manika ng batang lalaki na puno ng dugo. Nagagalit ako sa nakikita ko. Sino naman ang gustong takutin ang asawa ko.

Bumaling ulit sa kanya. "Yssa, tell me everything. Gusto kong malaman lahat-lahat ng nalalaman mo. Okay naman na tayo. Ilang weeks na tayo nakuwi from the hospital. Sino ang may balak na gawan ng masama ang baby natin," malumanay na tanong ko.

Niyakap ko siya para yumahan siya sa pag-iyak. Nararamdaman kong natatakot siya para sa kaligtasan ng anak namin pero kaialngan niyang sabihin sa akin ang lahat nang nalalaman niya para maaksyunan namin kaagad at mahanap ang may kagagawa nito.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now