Karma 10 - - The truth behind her bruises

15.9K 264 6
                                    

[10]



-University-

(12 nn, Friday)

Ilang araw na rin ang nakalipas ng magkausap kami mg masinsinan ni Millicent. Naiintindihan ko ang point niya pero laban ko to para mapaibig si Dave ng tuluyan and I don't believe in karma.

Katatapos pa lang ng klase ko for today. 7 am ang start ng class ko hanggang 12nn lang kaya pagkatapos uuwi na ako. Doon pa rin ako kina Milly nakatira kasi visible pa ang mga bruises ko sa mukha. Sobra ang pasalamat ako sa concealer kahit papaano natatakpan ang mg sugat at pasa ko.

Nakalabas na ako ng campus at naghihintay ng taxi ng may tumawag sa akin sa akin galing ang boses sa kabilang kalsada.

"Yssa!"

Nakita ko si Mommy na nakangiting pakaway-kaway kaya kinawayan ko na rin siya. Sumenyas siya na lalapit siya sa akin. Sumakay ulit siya sa kotse at lumapit ito sa akin.

Lumabas siya ng kotse at lumapit sa akin. Bigla nga niya akong niyakap ng mahigpit kaya I did the same.

"How are you? Yssa, miss na miss ko na ang anak ko," still magkayakap pa rin kaming dalawa.

Lumayo ako sa pagkayap niya at sinagot ko ang tanong niya. "Ok naman po ako mommy. eto busy sa studies at thesis." Ngumiti ako ng may pangamba kasi baka makita nila ang pasa at sugat ko.

"Oh! I'm happy to hear that." Tinitigan niya ako at kumunot ang noo niya. Bigla akong kinabahan kasi baka napansin niya na may kakaiba sa mukha ko.

"Yssa, What happen to your face? Bakit may sugat at pasa ka?"

Lumapit pa siya lalo para matitigan niya ng maigi ang mukha ko. Binaling ko sa kabilang side ang mukha ko pati na rin ang usapan namin. Wish ko lang na sana hindi niya nahalata ang pagbabago ko sa topic.

"Bakit po kayo nandito?"

"Kasi sinusundo ka namin para maglunch. Diba kakatapos pa lang ng class mo?" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Namin?"

'Namin! Oo namin. Si Dave ang kasama ko." nakangiting sabi niya. "Son, lumabas ka nga. Hindi mo ba babatiin ang asawa mo."

Biglang bumaba ang bintana ng kotse at bumungad sa akin ang gwapong mukha ng asawa ko. Lumabas siya at lumapit sa Mommy niya.

"Son, greet you wife and kiss her." Nakakaloko ang ngiting ibinigay niya sa amin.

"Huwag na po nakakahiya." Nahihiyakong sabi.

Lumapit siya sa akin at hahalikan niya sana ko ng tumigil siya at tinitigan ang mukha ko. Yuyuko na sana ako ng hawakan niya ang mukha ko. Nakakunot at may pagtataka ang titig niya sa akin. Ako na ang humalik sa kanya sa labi para hindi na niya pagtuunan ng pansin ang mukha ko. Smack lang naman yun.

Nakakunot noong tinignan ko si Dave kasi nakatitig pa rin siya sa mukha ko. Nawala ang titig niya ng magsalita si Mommy.

"Oh! How sweet. Tara na. Alam kong gutom na kayo lalo ka na Yssa. Diba 7 am ang start ng class mo kanina?"

Tumango ako at ngumiti. Pumasok na kami sa kotse. Si Dave ang nasa driver's seat while si Mommy at ako sa backseat. Gusto niya daw akong makatabi at makausap. Tulo-tuloy lang kami sa pagkwekwentuhan ng magsalita si Dave. Nagkatitigan kami sa may rearview mirror.

"What happened to your face? Why do you have wounds and bruises?" seryosong tanong niya. Sumingit naman si Mommy at nagtanong din.

"Ay, oo nga. Buti anak natanong mo siya. Yssa, What happened? Kanina ko gustong itanong pero nawala sa isip ko."

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now