Karma 37 - 5 Months without Yssa

83 1 0
                                    

Millicent POV

Limang buwan na ang lumipas pero hindi ko pa rin nahahanap ang bestfriend ko. Ang dami ko nang pinuntahan at hiningan ng tulong para mahanap siya pero wala pa rin. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko siya. Ang hangad ko lang na nasa mabuti siyang kalagayan at walang masamang mangyari sa kanya.

Bago nagsimula ang huling semester ko sa college ay naglibot ako para mahanap ang kaibigan ko. Ang dami kong pinuntahan posibleng lugar na pwede niyang tulugan. Agad akong pumunta sa dati niyang apartment. Ang alam ko kasi ay hindi niya pa yun napaparentahan dahil may mga gamit pa siyang naiwan. Kaso matagal niya na palang nakuha ang mga gamit niya. Meron na rin pala na nakatira dun.

Pagkatapos sa apartment niya ay sa puntod naman ng parents niya ko pumunta. Nakita ko na malinis ang puntod at tila may dumaan dito. Naupo ako at kinausap ang mga magulang niya para humingi ng tulong at gabay.

" Tito, Tita, alam ko po na nangaling dito ang anak niyo. Alam ko din na ayaw niya talaga pong magpahanap pero sana po tulungan niya ako para malaman kung nasaan siya or kung nasa mabuti siyang kalagayan. Kayo po ang tanging nakakaalam kung nasaan siya dahil sigurado po akong ginagabayan niyo siya. Please po. Kahit po sign lang na okay siya kung saan siya ngayon," malungkot kong sabi sa kanila. Alam ko naman na wala akong makukuhang sagot sa kanila. Tanging pag-asa lang na sana ay maging maayos siya.

Last week na ng OJT ko sa company na inapplyan namin. Nainform ko ang mga professor namin sa nangyari kay Yssa. Nalungkot at nanghinayang sila dahil siya ay isa sa mga top students sa batch namin kaso wala man na kaming magagawa kasi siya na mismo ang nagdesisyon na lumayo. Nainform ko na din ang company about sa situation niya at nagpasalamat ako na naintindihan nila. Sabihan na lang daw if mag-eenrol ulit siya dahil wiling silang maging intern ang kaibigan ko. In 3 weeks ay graduation ko na kaya mas lalo akong nalulungkot tuwing naiisip ko na hindi ko siya kasama na abutin ang pangarap namin na sabay binuo.

Nandito ulit ako ngayon sa company nila Dave. Simula ng mawala si Yssa ay hindi ako nagmintis na magpabalik-balik dito para harapin at kausapin ang lalaking yun. Sa unang buwan ay halos every week akong nagtangka na kausapin man lang ang lalaking yun pero wala. Mailap at parating wala sabi ng secretary niya. Kaya mas lalong nabuo ang galit ko sa lalakin. Pinapangako ko na kung makita ko si Yssa ay hindi ko ipapakita ni anino ng kabigan ko. Magdusa siya sa pagsisisi at sa kasalanan niya. Natigil lang nung nagstart na ang internship ko dahil sa daming pinapagawa. Nawalan na ako ng oras para guluhin ang buhay ni Dave. Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito at parang hindi na naman ako haharapin ng lalaking yun. Sinama ko na si Zach para mas mapadali ang pakikipag-usap kay Dave. Hindi niya din matawagan ang kaibigan niya dahil pinagbawalan ko siya. Pero alam ko naman na nakakusap niya pa rin ito kaso hindi na madalas gaya ng dati. Ayaw nga ng boyfriend ko pero wala siyang magagawa.

"Bilisan mo na bee. Ang tagal mo namang magpark. Baka hindi ko naman maabutan yang kabigan mong cheater," pagmamadalinko sa kanya.

"Bee, calm down ok. Nakapagpa-appointment na ako sa secretary ni Dave," assure niya sa akin pero iba kutob ko eh.

"Ay, basta! Ilang buwan na akong nangagalati sa galit diyan sa kaibigan mong walang kwenta. Anong akala niya matatakasan niya ang ginawa niya dahil nagpakalayo-layo na si Yssa? Over my dead body," inis na sabi ko sa boyfriend ko.

"I get it bee. Just please, calm down," saktong pagkasabi niya ay nakahanap na kami ng parking space. Kaya dali-dali kong kinalas ang seatbelt at lumabas agad para makapasok na sa building nila.

"Milly, wait for me," sigaw ng boyfriend ko pero hindi ko na lang siya pinansin at pinakinggan.

Nasa may reception area na ako ng maabutan ako ni Zach. Kausap ko na ang isa sa staff nang binati nila si Zach.

"Good afternoon, Sir Zach," magalang na pagbati nila sa boyfriend ko.

Magiliw din na binati niya ang mga empleyado. "Good afternoon everyone. Nasa office niya ba si Dave? We have an appointment today," nakangiting tanong niya.

"As we speak po, we know na nasa office pa siya but I will just call first his secretary to confirm. Can you give me a minute po?"

"Sure, take your time. Hindi naman kami nagmamadali."

"Thank you, Sir!" magalang na pagpapasalamat niya.

"Bee, bat hindi ko agad naisip na ikaw ang makakatulong sa akin para makaharap ko si Dave? Mali pala na pinagbawalan kita macommunicate except kapag business related ang pag-uusapan niyo," takang sabi ko sa kanya habang nakapulupot ang kamay ko sa bewang niya.

Inakbayan niya ako at mabilis na hinalikan sa buhok. "Ikaw kasi eh, yan yung sinasabi ko sayo matagal na. Ayaw mo makinig sa akin," mahinahon na pagpapaliwanag niya sa akin.

"Sorry na bee."

Natigil ang pag-uusap namin ng magsalita ang babaeng kausap namin kanina.

"Sir Zach, sorry to inform you po na hindi pumasok si sir Dave this afternoon. Pinacancel niya po lahat ng appointment niya ngayong hapon. Ang sabi po ng secretary niya ay may important na gagawin daw po siya out of town."

"Ganun ba? Bakit hindi kami nainform aheqd of time na na-cancel pala ang appointment namin?" curious na tanong ko sa babae.

"Sorry daw sir Zach, Ma'am, sabi ng secretary. Last minute kasi nagcabfel ng appointment si sir Dave. Nagsisimula pa lang siyang tawagan lahat ng may appointment. Tatawagan niya pa lang sana kayo?" patuloy na pagpapaliwanag niya.

"It's okay. We understand. Kindly remind the secretary na iappointment ulit kami kay Dave by next week."

"Yes sir. I'll take note of that. Sorry ulit Sir and Ma'am for the inconvenience," pagpapaumanhin ng babae.

Nginitian ko lang siya bilang tugon sa pangyayari. Naglakad na kami ni Zach pababa sa basement parking patungo kung saan ang sasakyan namin. Pagkapasok ko sa sasakyan ay sumigaw ako dahil sa inis.

"Ahh! Yan talagang kaibigan mo bee, sinusubok talaga ang pasensya ko. Pasalamat siya dahil busy ako kung hindi para akong multo na palaging magpapakita at tatakot sa kanya," galit na sabi ko pagkaupo pa lang ng boyfriend ko sa driver seat.

Natawa na lang siya sa reaction ko. "Relax bee."

Inirapan ko na lang siya dahil tinatawanan pa ako. Nangiinis pa talaga siya. Gawain niya talaga yan kapag naiinis na ako, tatawanan niya at mas lalo niya ako iinisin.

Niyakap at hinalikan niya ako sa noo ng saglit.

"Don't worry much, bee. Ako na bahala para makausap mo si Dave. Focus ka na lang muna sa mga requirements mo for your graduation. I am so proud of you. My future Magna Cum Laude," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatango lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kung nandito lang si Yssa ay parehas kaming may award at may honor. Sana lang talaga hindi siya sumuko at lumayo pero wala akong magagawa sa desisyon niya.

"Thank you bee for coming back again. Thank you for all your support. Lalo na ngayon nawawala si Yssa. You are still here to help me as much you can. I love you so much Zach," pinipigil ko ang iyak dahil sa saya at lungkot na nadarama ko.

Naghiwalay kami sa yakapan bago siya nagsalita. "I love you too, my Milly. We will find Yssa. Just trust me, alright," assure niya sa akin habang pinupunasan ng thumb niya ang luhang tumulo sa mga mata ko. Tango lang ulit ang naging tugon ko sa kanya.

Sana mahanap na namin si Yssa. 

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon